Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na gawa ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na gawa ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Agosto 7, 2019

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Paano Makilala ang Diyos sa Lupa" (Salita ng Buhay)


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Paano Makilala ang Diyos sa Lupa" (Salita ng Buhay)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ipinagpalagay ninyo ang mga gawa ni Cristo mula sa pananaw ng di-matuwid at tinatasahan ang lahat ng Kanyang mga gawa, at Kanyang pagkakakilanlan at diwa mula sa perspektibo ng masama. Nakagawa kayo ng malubhang pagkakamali at nagawa ninyo ang hindi nagawa ng mga nauna sa inyo. Iyon ay, pinaglilingkuran lang ninyo ang matayog na Diyos na nasa langit na may korona sa Kanyang ulo at hindi kailanman pinaglingkuran ang Diyos na ipinapalagay na napaka-walang-halaga kaya ni hindi ninyo dapat makita. Hindi ba ito inyong pagkakasala? Hindi ba ito tipikal na halimbawa ng inyong pagkakasala sa disposisyon ng Diyos? Sinasamba ninyo ang Diyos na nasa langit. Sinasamba ninyo ang mga matatayog na imahe at pinahahalagahan yaong mga kinikilalang may kahusayang magsalita. Nagagalak kang utusan ng Diyos na nagbibigay ng sandakot na kayamanan at lubos na nananabik sa Diyos na kayang tumupad ng iyong mga hangarin. Ang tanging ayaw mong sambahin ay ang Diyos na hindi matayog; ang iyong nag-iisang bagay na kinamumuhian ay ang maiugnay sa Diyos na ito na wala kahit isang tao ang lubhang pinagpipitaganan. Ang bagay lamang na hindi mo gustong gawin ay ang maglingkod sa Diyos na hindi ka man lang binigyan kahit isang kusing, at ang tanging Isang hindi ka kayang papanabikin sa Kanya ay itong di-kaibig-ibig na Diyos. Ang ganitong uri ng Diyos ay hindi kayang palawakin ang iyong abot-tanaw, para maramdaman na parang nakahanap ka ng kayamanan, lalo na ang matupad ang iyong pangarap. Bakit, kung gayon, sinusunod mo Siya? Sumagi ba sa isipan mo ang tanong na ito?"
Rekomendasyon:Pagkakatawang-tao ng Diyos

Hulyo 29, 2019

Isang Naiibang Karanasan ng Paghahanap ng Trabaho


Isang Naiibang Karanasan ng Paghahanap ng Trabaho


Ni Liang Xin

Sa lipunan ngayon, may iba’t ibang uri ng malalaking negosyo at tila hindi mabilang ang oportunidad para makapagtrabaho. Ngunit sa paglipas ng mga taon, wala nang halaga ang mga nakapagtapos ng kolehiyo. Punung-puno na ang merkado ng mga kuwalipikadong kandidato upang magkaroon ng trabaho na hindi ka na makahanap pa ng lugar. Kaya ang hirap sa paghahanap ng mapapasukang trabaho matapos makapagtapos ay naging isang napaka-praktikal na problema. Para sa bawat kabataan na malapit nang pumasok sa lipunan matapos mag-aral, ang pinakamasakit sa ulong isyu na kailangan nilang harapin ay ang paghahanap ng trabaho, lalo na sa isang magandang kompanya. Ginagawa ng lahat ang lahat ng kanilang makakaya at pinipiga ang kanilang utak para makapasok—napakatindi ng kompetisyon at hirap. Ako, na malapit nang magtapos, ay walang pagpipilian kundi harapin ang suliranin ng paghahanap ng trabaho gaya ng iba pa. Ang naiiba lang sa akin ay isa akong Kristiyano at naniniwala ako na ang lahat ay hinahanda ng Diyos. Gayunman …

Hulyo 12, 2019

"Napakagandang Tinig" - Wala bang mga Salita o Gawain ng Diyos sa Labas ng Biblia? (Clip 3/5)


Tagalog Christian Movies | "Napakagandang Tinig" - Wala bang mga Salita o Gawain ng Diyos sa Labas ng Biblia? (Clip 3/5)


Naniniwala ang karamihan sa mga tao sa mga relihiyon na lahat ng salita ng Diyos ay nasa Biblia, at anumang wala sa Biblia ay hindi naglalaman ng Kanyang gawain at mga salita. Hindi nila hinahanap sa labas ng Biblia ang Kanyang mga binanggit sa Kanyang pagbalik. Magagawa ba nilang sumalubong sa pagbalik ng Panginoon kung manghahawakan sila sa ideyang ito? Malilimita lang ba ang sasabihin ng Diyos sa mga salitang nasa Biblia? Sabi sa Biblia: "At mayroon ding iba’t ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin" (Juan 21:25). Sabi ng Diyos: "Ang lahat ng naitala sa loob ng Biblia ay limitado at hindi kayang kumatawan sa lahat ng gawain ng Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Malaman ang higit pa:Gawa ng Diyos

Mayo 16, 2019

Tagalog Christian Songs | Yaon Lamang May Tunay na Pananampalataya ang Sinasang-ayunan ng Diyos




Tagalog Christian Songs | Yaon Lamang May Tunay na Pananampalataya ang Sinasang-ayunan ng Diyos


I
Nang hampasin ni Moises ang bato
at tubig ay bumukal, kaloob 'yon ni Jehova,
dahil 'yon sa pananampalataya.
Nang tumugtog si David para purihin si Jehova,
puno ng galak ang kanyang puso,
dahil 'yon sa pananampalataya.

Mayo 15, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Ikalawang Bahagi)


Mga Pagbigkas ni Cristo | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Ikalawang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa bawa’t pagkakataon ng gawain ng Diyos ay naroon ang mga pangitain na kailangang malaman ng tao, mga pangitain na sinusundan ng mga angkop na kinakailangan ng Diyos sa tao.

Mayo 10, 2019

Mga Pagsasalaysay | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Unang Bahagi)


Mga Pagsasalaysay | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Unang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa bawa’t pagkakataon ng gawain ng Diyos ay naroon ang mga pangitain na kailangang malaman ng tao, mga pangitain na sinusundan ng mga angkop na kinakailangan ng Diyos sa tao.

Mayo 1, 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan"


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa noong mga huling araw ang lugar na pinanghahawakan ng malabong Diyos sa pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng walang katiyakang Diyos sa puso ng tao. Gamit ang Kanyang aktwal na salita at aktwal na gawa, kumilos Siya sa buong lupain, at ang gawaing Kanyang isinakatuparan kasama ng tao ay natatanging totoo at normal, nang sa gayon ang tao ay ganap na maunawaan ang katotohanan ng Diyos, at mawala nang tuluyan ang malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw."
Manood ng higit pa:gawa ng Diyos

Abril 27, 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2)


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (2)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya.

Pebrero 9, 2019

Ang kahalagahan ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay maaaring makita sa mga resultang natamo ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
Sapagka’t tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. Ako’y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong. Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:10-12).

Enero 25, 2019

Tagalog Worship Songs | Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan

gawa ng Diyos, Kaligtasan

Tagalog Christian Songs | Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan

Pag-ibig at awa ng Diyos
lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala
mula sa una hanggang sa huling detalye.
I
Kung nararamdaman man ng tao ang kalooban Niya o hindi,
Siya ay walang humpay na nagpapatuloy sa gawain
na kailangan Niyang gawin
Kung naiintindihan man ng tao ang pamamahala Niya o hindi,
Ang gawain ng Diyos ay nagdudulot ng tulong
at tustos na maaaring madama ng lahat.

Enero 24, 2019

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan" (Unang Bahagi)


Salita ng Diyos | "Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan" (Unang Bahagi)


"Kinatawan ni Jesus ang Espiritu ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos na direktang gumagawa. Ginawa Niya ang gawain sa bagong panahon, ang gawain na walang pang nakagagawa. Nagbukas Siya ng bagong daan, kinatawan Niya si Jehova, at kinatawan Niya ang Diyos Mismo. Samantalang sina Pedro, Pablo at David, anuman ang tawag sa kanila, kinatawan lang nila ang pagkakakilanlan ng nilalang ng Diyos, o ipinadala ni Jesus o Jehova.

Enero 10, 2019

Alamin ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan.


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao-o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito.

Disyembre 25, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Piniperpekto ng Diyos ang Tao sa Pamamagitan ng Mga Salita sa Kapanahunan ng Kaharian


Tagalog praise and worship SongsPiniperpekto ng Diyos ang Tao sa Pamamagitan ng Mga Salita sa Kapanahunan ng Kaharian

I
Sa panahong ito, matutupad ng Diyos sa inyo:
na lahat isinasagawa ang katotohanan N'ya,
na ang lahat ay isasabuhay ang Kanyang salita
at iibigin Siya sa kanilang mga puso.
Ang salita ng Diyos ay ang pundasyon ng kanilang buhay.
Lahat sila ay may mga pusong natatakot sa Diyos.
Sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos,
sila'y mamumuno at maghahari kasama ng Diyos.
Ang salita ng Diyos lamang ang nagbibigay ng buhay sa tao.

Disyembre 23, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | The bible tagalog movies | Natuklasan: May Iba pa bang mga Salita o Gawain ng Diyos Maliban sa mga Nasa Biblia?


The bible tagalog movies | Clip ng Pelikulang Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia (1) "Natuklasan: May Iba pa bang mga Salita o Gawain ng Diyos Maliban sa mga Nasa Biblia?"


Ang mga pastor at elder ng mga relihiyon kadalasan ay itinuturo sa mga tao na walang mga salita at gawain ng Diyos sa labas ng Biblia, kaya maling maniwala sa anumang wala sa Biblia. Tama kaya ang ideyang ito kung sisiyasatin? Naaayon ba ito sa realidad ng gawain ng Diyos? Ang pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi talaga nakatala at lumalagpas pa sa Lumang Tipan. Kung maling maniwala sa anumang wala sa Biblia, hindi ba tinutuligsa rin natin ang gawain ng Panginoon? Kaya may iba pa bang mga salita at gawain ng Diyos maliban sa mga nasa Biblia, o wala na? Ihahayag sa iyo ng videong ito ang sagot.