Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Hulyo 29, 2019

Isang Naiibang Karanasan ng Paghahanap ng Trabaho


Isang Naiibang Karanasan ng Paghahanap ng Trabaho


Ni Liang Xin

Sa lipunan ngayon, may iba’t ibang uri ng malalaking negosyo at tila hindi mabilang ang oportunidad para makapagtrabaho. Ngunit sa paglipas ng mga taon, wala nang halaga ang mga nakapagtapos ng kolehiyo. Punung-puno na ang merkado ng mga kuwalipikadong kandidato upang magkaroon ng trabaho na hindi ka na makahanap pa ng lugar. Kaya ang hirap sa paghahanap ng mapapasukang trabaho matapos makapagtapos ay naging isang napaka-praktikal na problema. Para sa bawat kabataan na malapit nang pumasok sa lipunan matapos mag-aral, ang pinakamasakit sa ulong isyu na kailangan nilang harapin ay ang paghahanap ng trabaho, lalo na sa isang magandang kompanya. Ginagawa ng lahat ang lahat ng kanilang makakaya at pinipiga ang kanilang utak para makapasok—napakatindi ng kompetisyon at hirap. Ako, na malapit nang magtapos, ay walang pagpipilian kundi harapin ang suliranin ng paghahanap ng trabaho gaya ng iba pa. Ang naiiba lang sa akin ay isa akong Kristiyano at naniniwala ako na ang lahat ay hinahanda ng Diyos. Gayunman …


Hindi Nag-aalala sa mga Resume, ang Mahirap na Landas ng Isang Naghahanap ng Trabaho


Habang nag-uumpisang maglitawan ang iba’t ibang karatula mula sa iba’t ibang malalaking kompanya at ipinaskil ang iba’t ibang klase ng patalastas sa pangangalap ang nakalagay sa buong kampus, nagkukumpulan ang lahat ng mga estudyante sa harap ng pisara ng mga anunsiyo na may intensiyong basahin ang bawat isang abiso ng pangangalap. Lugar ng trabaho, sahod, at mga kondisyon ng pangangalap ang aming pangunahing paksa sa pag-uusap araw-araw. Ang atmospera sa kampus ay naging napaka-tensiyonado; tila mga sundalong naghahanda sa giyera ang mga estudyante, nais makahanap ng posisyon na gusto nila. Lahat kami ay naghahanda sa aksiyon.

Isang araw, bumalik muli ang isang nangungunang mag-aaral na nasa dorm ko, nalulungkot na nakatungo, at walang siglang sinabi: “Walang pag-asa, na naman. Bawa’t kompanya ay sinasabing maghintay ng balita mula sa kanila, ngunit sa oras na umalis ako ay tila isa na naman akong butil ng buhangin sa dalampasigan.” Hindi ko man gustuhin, piniga ng mga salita niya ang puso ko, at naisip ko: “Kahit sa isang kagaya niya, ang pinakamahusay na mag-aaral sa dorm namin, ganito kahirap ang paghahanap ng trabaho. Anong gagawin ko?” Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa pagsasabing: “Walang silbi ang pagkakaroon ng talaan ng mga grado ko. Hindi hinahanap ng mga ahensiyang nangangalap ang mga iyon. Tinitingnan nila kung gaano ka ka-ganda, kung paano mo dalhin ang iyong sarili. Kung hindi maganda ang panlabas mong anyo, mag-aaksaya ka lang ng salita.” Sa pagkakataong ito ay talagang ikinagulat ko ang mga salita niya: “Totoo! Napakababaw na ng lipunan ngayon, kaya kailangan ay maganda ang panlabas na anyo mo o may koneksiyon papasok ang pamilya mo. Ang mga mahilig magbasa na gaya niya na maliit, hindi ganoon ka-ganda, o hindi maganda ang pagkilos, kahit na gaano pa sila ka-galing sa paaralan, pinagmumukha lang nilang mas lamang ang iba. Tulad niya lang ako—maliit, katamtaman ang itsura, at siguradong hindi kapansin-pansin. Paano ko haharapin ang paghahanap ng trabaho?” Iniisip ang lahat ng ito, nag-umpisa akong mag-alala sa paghahanap ng trabaho.

Sa buong panahong iyon, ilang mga ahensiyang nangangalap ang pumunta sa aming paaralan, at sumama ako sa ilang mga kamag-aral ko upang makipag-usap sa kanila. Sa sandaling tumapak kami sa auditoryum ng paaralan ay tunay ngang isa iyong dagat ng mga tao. Mayroong mahahabang pila sa harap ng bawat isang lamesa ng mga nangangalap, at lahat ng mga naghahanap ng trabaho ay masigasig na nagkukumpulan pasulong, nais na mauna nilang maiabot ang kanilang resume sa kamay ng nangangalap. Gayunman, narinig ko na kakaunti at malayo ang pagitan ng mga matagumpay na pinirmahang kontrata. Mataas na ang bunton ng mga magagandang disenyo na may larawan na mga resume sa sahig, nakakalat kung saan-saan, ang iba pa nga ay natapakan na. Magkakasunod ang kalungkutang naramdaman ko dahil dito, at hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga ng mahaba: “Sinong nagsabing ang pag-aaral sa koleyo ay magiging garantiya sa iyo ng magandang kinabukasan? Kahit ang paghahanap ng trabaho ay tila halos imposibleng gawain!” Sunud-sunod na tinatanggihan ang mga estudyante, nakakabawas sa kanilang kumpiyansa. Ang ilan ay nagbitiw sa kawalan ng pag-asa at walang magawang sinabi: “Bahala na, mukhang walang pag-asa. Pipirma na lang ako kahit saan at nang matapos na.” Nakikita ang aking mga kamag-aral na isa-isang mawalan ng kumpiyansa, kinabahan ako. Naisip ko ang isang kompanya kung saan ako interesado, na may nababagong oras ng trabaho na hindi makakagulo sa pagdalo sa mga pagtitipon—lahat ay maganda. Nanalangin ako sa Diyos at ipinaubaya ang problema sa Kanyang mga kamay upang hayaan Siyang isaayos ang bagay na ito—ngunit hindi pa rin nagpapadala ng mga nangangalap ang kompanyang iyon. Hindi ko mapigilang mag-alala. Naisip ko: “Bakit hindi pa nangangalap ang kompanyang iyon? Kung hindi sila pupunta at magpapatuloy akong ganito, hindi na ako makakakuha ng trabaho sa iba. Hindi ba’t maaantala noon ang pagkakataon ko sa hinaharap?”


Nababalisa sa Paghihintay, Bakit Hindi Iyon Ipaubaya sa mga Kamay ng Diyos?


Nang makita ng mga kamag-aral ko na hindi ako tumitingin sa ibang mga kompanya, lahat sila ay sinabi sa akin: “Naghihintay ka sa wala. Hindi sigurado kung dadating ang kompanya na iyon upang mangalap sa paaralang ito ngayong taon. Kung hindi sila pumunta, ni wala kang magiging pagkakataon sa trabaho. Anong gagawin mo kung ganoon? Wala kang magagawa!” Hindi ko mapigilang mag-alala nang marinig silang sabihin iyon. Naisip ko: “Tama sila! Kung talagang hindi pumunta ang kompanyang iyon, sa oras na matapos mangalap ang mga kompanyang ito, magiging walang silbi nga ang lahat. Ginugol ko ang apat na taon sa kolehiyo. Kung kinakailangan kong mag-empake at bumalik sa bayan na pinagmulan ko matapos ang lahat ng ito, paano ko haharaping lahat ang buong pamilya ko at mga kaibigan na labis na umasa sa akin?” Ngunit muli ay ibinaling ko sa Diyos ang mga isipin ko, palaging iniisip na may ihahanda ang Diyos para sa akin. Nag-isip at nag-isip ako, at napagdesisyunan ko pa ring maghintay. Ngunit pinapahaba ng paghihintay ang mga araw. Nakarinig ako ng ilang mga usap-usapan na ang kompanyang iyon ay hindi pupunta sa paaralan ko nang taon na iyon upang mangalap, at sa bawat pagkakataon ay nababalisa ako. Madalas akong mag-alala sa hinaharap ko at lumiliit ang kumpiyansa ko sa Diyos. Isang beses ay tumawag sa akin ang isa sa pamilya ko upang magtanong tungkol sa paghahanap ko ng trabaho at ipinaliwanag ko ang sitwasyon ko sa kanya. Tinanong niya ako: “Meron ka bang ikalawang-lebel na sertipiko para sa kompyuter?” “Hindi ako nag-eksamin para doon.” Pagkatapos ay tinanong niya: “Pinuno ka ba sa eskuwelahan ninyo?” “Hindi.” “Miyembro ka ba ng Partido?” “Hindi.” Matapos marinig ito, sinabi niya: “Huwag mo nang subukang isipin kung darating o hindi ang kompanyang iyon. Kung wala ang kahit ano sa mga bagay na iyon ay magiging mahirap para sa’yo na makakuha ng posisyon kahit saan!” Ang mga salita niya ay tila malamig na tubig na ibinuhos sa akin, binabasa ako mula ulo hanggang paa. Labis na nanlamig ang puso ko. Naisip ko: “Maganda kung nagtagumpay akong mag-eksamin sa mga sertipiko na iyon! Kung mas naging aktibo ako sa mga aktibidad na iyon sa paaralan, hindi ba’t magiging mas maganda ang pagkakataon ko na makahanap ng trabaho?” Ngunit noon ko naisip, “Ngunit ang nangungunang estudyante sa dorm ko ay taglay ang iba’t ibang sertipiko at hindi ba’t ganoon din kahirap para sa kanya na makahanap ng trabaho? Wala ding ginagampanang tiyak na papel ang mga iyon.” Labis akong kumalma matapos maisip ang tungkol doon.

Ilang araw ang lumipas at ang bilang ng mga ahensiyang nangangalap ay kumaunti. Hindi ko mapigilan ang pagkabalisa ngunit wala akong magawa. Ang tanging magagawa ko lamang ay pumunta sa harap ng Diyos at manalangin: “O Diyos! Labis akong nagdurusa ngayon at hindi ko alam kung anong dapat kong gawin tungkol sa problemang ito ng paghahanap ng trabaho. Natatakot akong mawala ang mga pagkakataon ko sa hinaharap at wala akong makuha, sa huli ay magiging katatawanan ng mga kamag-aral ko. Anong dapat kong gawin? Pakiusap, gabayan Mo ako Diyos ko.” Matapos magdasal, inilabas ko ang isang kuwaderno na madalas kong pagsulatan ng mga salita ng Diyos at inilipat ang mga pahina. Nakita ko ang isang awit ng papuri para sa Diyos na isinulat ni David: “Isang bagay ang hiningi ko kay Jehova, na aking hahanapin; na ako’y makatahan sa bahay ni Jehova, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay, upang malasin ang kagandahan ni Jehova, at magusisa sa kaniyang templo. Sapagka’t sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong: sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako; Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato. At ngayo’y matataas ang aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko; at ako’y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan; ako’y aawit, oo, ako’y aawit ng mga pagpuri kay Jehova. … Nang iyong sabihin, hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo, ang iyong mukha, Jehova, ay hahanapin ko. … Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Jehova: at patnubayan mo ako sa patag na landas, dahil sa aking mga kaaway. Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway…. Ako sana’y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ni Jehova. Sa lupain ng may buhay. Magantay ka kay Jehova: ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso; Oo, umasa ka kay Jehova” (Awit 27:4-6, 8, 11-14). Nakikita ang mga salita sa huli, “Oo, umasa ka kay Jehova,” nabaling doon ang puso ko. Nagpatuloy ako sa pagbabasa: “Iyong mga nasisikatan ng Aking liwanag, kailangan mong manalig sa Akin upang iwaksi ito, laging mabuhay na kasama Ko, maging malápít sa Akin, at ang iyong mga kilos ay kailangang maghayag ng Aking wangis. Makikisalamuha ka sa Akin nang higit kapag hindi mo tiyak kung ano ang dapat gawin, at gagabayan kita tungo sa mga tamang hakbang upang ikaw ay makakilos pasulong. Kung hindi ka tiyak, huwag kang gagawa ng mga hakbang ayon sa iyong sariling kapasyahan; basta maghintay ka sa Aking panahon”. “Tunay na kulang ang inyong pananampalataya sa Aking presensya at malimit na nananalig sa inyong mga sarili sa paggawa ng mga bagay-bagay. ‘Wala kayong magagawang anuman kung wala Ako!’ Nguni’t kayong masasamang tao ay palaging pinapapasok ang Aking mga salita sa isang tainga at pinalalabas sa kabila. Ang buhay ngayong mga araw ay isang buhay ng mga salita; kung walang mga salita walang buhay, walang karanasan, bukod pa sa walang pananampalataya. Ang pananampalataya ay nasa mga salita; sa pamamagitan lamang ng higit na paglalagak ng inyong mga sarili sa mga salita ng Diyos na kayo ay magkakaroon ng lahat ng bagay. Huwag kang mag-alala tungkol sa hindi paglago; ang buhay ay dumarating sa pamamagitan ng paglago, hindi sa pamamagitan ng pag-aalala.” “Lagi kayong may posibilidad na mabahala at hindi makinig sa Aking mga alituntunin. Gusto mong laging lampasan ang Aking paghakbang. Tungkol ba saan iyan? Ito ay ang maiilap na ambisyon ng mga tao. … Mga bulag na tao! Bakit hindi ka lalong lumapit sa Aking presensya at maghanap? Bakit kumikilos ka lang nang pikit ang mata? Dapat mong makita nang malinaw! Tiyak na hindi isang tao ang gumagawa ngayon, kundi ito ay ang Tagapamahala ng lahat, ang nag-iisang tunay na Diyos—ang Makapangyarihan-sa-lahat!”.

Matapos basahin ang mga salita ng Diyos ay bigla kong naramdamang nagliwanag ang puso ko. Naisip ko: Tama iyon! Hindi ba’t isa lamang akong ‘di-makatwirang tao na bulag at hangal, sinusubukang umasa sa aking sarili? Kahit na ipinaubaya ko na sa mga kamay ng Diyos ang problema upang pagdesisyunan Niya. Nang hindi maayos ang problema ay nawalan ako ng kumpiyansa sa Diyos at hindi ko pa rin hinintay ang Diyos na ayusin ang mga pangyayari para sa akin o magkaroon ng saloobin ng paghahanap o pagsunod. Sa halip, nag-alala ako sa sarili kong kinabukasan at kapalaran. Nahaharap sa mga katotohanan, sa wakas ay nakita ko na ang pag-intindi ko sa pagka-Makapangyarihan ng Diyos at pamumuno ay isa lamang sawikain, isa lamang doktrina, ngunit ang aktwal na pananampalataya ko sa Diyos ay tunay na hamak at ni hindi magtatagal o magiging matatag kapag isinaayos na ng Diyos ang tamang mga pangyayari. Naisip ko ang pagsusulat ni David sa awit ng papuri para sa Diyos na Jehova; iyon ay dahil nakita niya ang napakaraming gawa ng Diyos at may tunay na pag-intindi sa pagka-makapangyarihan ng Diyos at pamumuno. Kaya kahit ano pa mang paghihirap ang mapagdaanan niya, nagagawa niyang tunay na umasa sa Diyos, naniniwala na tapat ang Diyos at tiyak na gagabayan siya. Pinagninilayan ang lahat ng ito, biglang nagliwanag ang puso ko: Kung ganoon, tunay ngang maingat na isinaayos ng Diyos ang lahat ng ito para sa akin upang madagdagan ang aking pananampalataya at pagsunod sa Kanya. Ang kailangan kong gawin sa mga oras na ito ay itaas ang Diyos sa puso ko bilang dakila, isantabi ang sarili kong mga alalahanin at problema, at sundin ang gawain ng Diyos at isagawa ang Kanyang mga salita sa loob ng kapaligirang ito, hinihintay na maging malinaw ang Kanyang kalooban. Noon ako pumunta sa harap ng Diyos at nanalangin: “O Diyos! Kahit na sinabi ng aking bibig na inilalagay ko ang suliraning ito sa trabaho sa Iyong mga kamay, nakita ko pa ring unti-unting lumalabo ang pag-asa na makahanap ng trabaho. Nais ko lamang na ako mismo ang gumawa noon at hindi na ako naniwala sa Iyong pagka-Makapangyarihan at pamumuno. O Diyos, tunay na napakaliit ng pananampalataya ko sa Iyo! Ngayon ay naiintindihan ko na ang Iyong kalooban, at hindi na ako aasa sa sarili ko kapag gumagawa ng mga bagay-bagay. Hindi na ako mamumuhay sa loob ng aking mga alalahanin at problema, hinahayaan si Satanas na paglaruan ako. Nais ko lamang na ipaubaya ang lahat sa Iyo at maghintay para sa Iyong oras. Naniniwala ako na ang lahat ng hinahanda Mo para sa akin ang siyang pinakamaganda.”


Kailanman ay Hindi Ko Maaarok ang mga Gawain ng Diyos


Bandang tanghali makalipas ang tatlong araw ay tumunog ang telepono ko. Isa iyong kakilala mula sa Opisina ng mga Akademikong Gawain, na nababalisang sinabi: “Dapat kang magmadali at lumabas doon. Ang pinuno mula sa kompanyang hinihintay mo ay pumunta na upang mangalap at malamang na aalis na sila ngayong gabi. Bilisan mo at pumunta doon.” Isa itong napakaganda, hindi inaasahang sorpresa na labis na nakakasabik sa akin at hindi ako basta makapaniwala na ang kompanyang hinihintay at inaasam ko ay bigla na lamang parating tatlong araw matapos kong manalangin. Noon pumailanlang ang isang sipi ng mga salita ng Diyos sa isip ko: “Anuman at lahat ng bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa mga saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos”. Labis akong namangha sa kung gaano kahanga-hanga ang Diyos habang mabilis na nagsusuot ng damit, hinahablot ng resume ko, at mabilis na pumunta sa tanggapan ng mga nangangalap. Sa buong panahon habang papunta doon ay puno ng mga isipin ang utak ko tungkol sa kung anong itatanong nila sa akin at kung paano ako sasagot. Habang mas nag-iisip ako ay mas lalo akong kinakabahan, kaya mabilis akong nanalangin sa Diyos, pinapakiusapan Siya na pakalmahin ako. Nang makarating ako doon ay nakita ko ang isang grupo ng mga mag-aaral sa labas na matagal nang nagtipon doon. Mukhang ako ang huling nakatanggap ng balita. Pumunta ako sa dulo ng pila at pinanonood ang bawat isang mag-aaral na kausapin ang pinuno ng kompanya, at mataktikang pinaalis. Sinabi nilang hindi sila naghahanap ng kandidatong babae, o na hindi nila gusto ang sinumang nais magsulit sa isang graduate school—napakaraming dahilan ang ibinigay para pagtanggi. Sa wakas ay dumating na ang pagkakataon ko. Maingat na iniabot ko ang resume ko sa pinuno—iyon ang pinakaunang resume na ibinigay ko mula nang magsimula ang pangangalap, at iyon din ang unang inimprenta ko. Tiningnan nito iyon at tinanong ako kung nagdala ako ng kopya ng isang kasunduan sa pagtatrabaho. Meron ako. Hindi inaasahan, hindi niya ako tinanong ng kahit ano, ngunit kaswal na sinabi: “Pirmahan mo.” Hindi ako makapaniwala sa narinig ko; tila iyon isang panaginip. Nang matapos kong pirmahan iyon ay naramdaman kong tila ako nawalan ng ulirat. Nagpapasalamat ba ako, masaya ba ako, nasasabik ba ako? Mahirap ipaliwanag gamit ang mga salita; ang tanging nagawa ko lamang ay walang-humpay na magpasalamat at purihin ang Diyos. Pinapurihan ko ang Diyos at higit ko pa Siyang pinapurihan. Hindi lamang dahil sa pagkamit ng maayos na trabaho, ngunit kundi dahil sa pagdanas ko sa prosesong iyon, nakita ko ang mga kamangha-manghang paraan ng Diyos at lahat ng bagay at lahat ng mga pangyayari ay nasa ilalim ng pamumuno at pagsasaayos ng Diyos. Ang mga iniisip at ideya ng tao ay higit pang nasa Kanyang mga kamay. Isinaayos ng Diyos ang trabaho para sa’kin, kaya kahit gaano pa kataas o kung gaano pa kahirap sa tingin ng mga tao ang kondisyon sa pagtanggap, hindi nila mababago ang pamumuno ng Diyos o kung ano ang Kanyang napagdesisyunan. Lumitaw sa isip ko ang mga salita ng Diyos: “Kung wala ang gawain ng Diyos, gaano man kabuti ang ginagawa ng tao, mababalewala iyon, pagka’t ang mga pag-iisip ng Diyos ay palaging magiging mas mataas kaysa mga pag-iisip ng tao, at ang karunungan ng Diyos ay hindi maaarok ng tao”. Ang karanasang ito ay nagbigay sa akin ng malalim na personal na karanasan ng mga salitang ito mula sa Diyos.

Ang karanasang ito sa paghahanap ng trabaho ay hinayaan akong lubos na makita na ang pagiging kamangha-mangha at pagiging ‘di-maarok ng Diyos ay higit pa sa imahinasyon ko. Bagaman tila napakahaba at napakahirap ng mga araw na iyon ng paghihintay, matapos silang maranasan ay naging mahalagang kayamanan sila sa buhay ko. Napakaliit ng pananampalataya ko sa Diyos, kaya nais Niyang palakihin ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng proseso ng paghihintay upang matuto akong ibigay ang tunay na puso ko sa Diyos, sundin ang Kanyang pamumuno at pagsasaayos sa lahat ng bagay. Iniisip iyon ngayon, tunay na nararamdaman ko na kahit gaano pa katagal ang paghihintay, magiging sulit iyon dahil inihahantad ng Diyos ang Kanyang mga gawain sa sarili Niyang oras, hinahayaan akong makita na nasa buong paligid ang Kanyang mga gawain, na Siya ang pinaka-mapagkakatiwalaan, Siyang pinakapraktikal na nararapat sa buong buhay na pananamplataya at pag-asa! Lahat ng papuri sa Diyos!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento