Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pananampalataya. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pananampalataya. Ipakita ang lahat ng mga post

Hulyo 29, 2019

Isang Naiibang Karanasan ng Paghahanap ng Trabaho


Isang Naiibang Karanasan ng Paghahanap ng Trabaho


Ni Liang Xin

Sa lipunan ngayon, may iba’t ibang uri ng malalaking negosyo at tila hindi mabilang ang oportunidad para makapagtrabaho. Ngunit sa paglipas ng mga taon, wala nang halaga ang mga nakapagtapos ng kolehiyo. Punung-puno na ang merkado ng mga kuwalipikadong kandidato upang magkaroon ng trabaho na hindi ka na makahanap pa ng lugar. Kaya ang hirap sa paghahanap ng mapapasukang trabaho matapos makapagtapos ay naging isang napaka-praktikal na problema. Para sa bawat kabataan na malapit nang pumasok sa lipunan matapos mag-aral, ang pinakamasakit sa ulong isyu na kailangan nilang harapin ay ang paghahanap ng trabaho, lalo na sa isang magandang kompanya. Ginagawa ng lahat ang lahat ng kanilang makakaya at pinipiga ang kanilang utak para makapasok—napakatindi ng kompetisyon at hirap. Ako, na malapit nang magtapos, ay walang pagpipilian kundi harapin ang suliranin ng paghahanap ng trabaho gaya ng iba pa. Ang naiiba lang sa akin ay isa akong Kristiyano at naniniwala ako na ang lahat ay hinahanda ng Diyos. Gayunman …

Mayo 16, 2019

Tagalog Christian Songs | Yaon Lamang May Tunay na Pananampalataya ang Sinasang-ayunan ng Diyos




Tagalog Christian Songs | Yaon Lamang May Tunay na Pananampalataya ang Sinasang-ayunan ng Diyos


I
Nang hampasin ni Moises ang bato
at tubig ay bumukal, kaloob 'yon ni Jehova,
dahil 'yon sa pananampalataya.
Nang tumugtog si David para purihin si Jehova,
puno ng galak ang kanyang puso,
dahil 'yon sa pananampalataya.

Mayo 14, 2019

Maikling Dula | "Tagamanman ng Komunidad" | Why Does the CCP Closely Monitor Christians?


Maikling Dula | "Tagamanman ng Komunidad" | Why Does the CCP Closely Monitor Christians?


Ang Chinese Communist Party, upang puksain ang pananampalatayang pang-relihiyon, ay gumagamit ng mga kumite sa komunidad at iba't ibang tao para mahigpit na manmanan ang mga Kristiyano at pinatutupad ang sistemang "pabuya sa pagsusumbong" sa pagtatangkang mahuli ang bawat Kristiyano.

Mayo 12, 2019

Mga Patotoo | Ang Maging Isang Matapat na Tao ay Tunay na Dakila!


Mga Patotoo | Ang Maging Isang Matapat na Tao ay Tunay na Dakila!


Wu Ming, China

Isang araw noong 2004 sinabi sa akin ng isang kaibigan: “Bawat araw gumigising ka nang maaga at buong araw na abala sa paggupit ng tela, pinapagod mo ang sarili mo, ngunit hindi ka pa rin kumikita ng pera.

Abril 27, 2019

Tagalog Christian Movies | "Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong" (Trailer)


Tagalog Christian Movies | "Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong" (Trailer)


Si Lin Bo'en ay matagal nang mangangaral na maraming dekada nang sumasampalataya sa Panginoon. Mula nang tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, siya ay nakulong, inihiwalay, at pinatalsik mula sa mga komunidad ng relihiyon ng mga pastor at mga elder, na mga puwersang anticristo. Ngunit kahit na si Lin Bo'en ay tinuligsa, hinatulan, at pinaratangan, hindi siya natakot.

Abril 23, 2019

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos | Ano ang Batayan sa Pagpasok sa Kaharian sa Langit?

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos | Ano ang Batayan sa Pagpasok sa Kaharian sa Langit?


Sa labas ng bintana, nakakikilabot ang lamig at malakas ang buhos ng niyebe. Alas-9 na ng gabi nang makauwi si Xuesong mula sa pangangaral ng ebanghelyo.

Abril 9, 2019

Pagbubunyag ng Katotohanan | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (Trailer)



Pagbubunyag ng Katotohanan | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (Trailer)


Ang dokumentaryong Mga Salaysay tungkol sa Pagpapahirap sa mga Relihiyon sa China ay nagsasalaysay lalo na ng mga tunay na kuwento ng dalawang Kristiyanong taga-mainland China na kapwa pinahirapan ng gobyernong CCP hanggang sa mamatay dahil sa kanilang pananampalataya.

Nobyembre 13, 2018

Tagalog Full Christian Movie | "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | God Is the Rock of My Life



Si Liu Zhen, pitumpu't walong taong gulang, ay isang karaniwang maybahay sa probinsya. Pagkatapos manalig sa Diyos, nakadama siya ng walang katumbas na kaligayahan mula sa pagbabasa ng Kanyang mga salita at pagkanta ng mga awit ng papuri sa Diyos araw-araw, at madalas na nakikipagtipon sa mga kapatid sa pananalig para magbahagi ng katotohanan. ... Gayunpaman, walang mabuting bagay na nagtatagal. Inaresto siya at inusig ng Komunistang gobyerno ng Tsina, inilagay siya sa isang hindi makatarungang sitwasyon. Tatlong ulit siyang dinala ng mga pulis sa presinto upang tanungin, at binalaan na huwag nang manalig pa sa Diyos. Minamatyagan siya at pinupuntahan sa bahay upang takutin.

Nobyembre 12, 2018

Bakit Inilalagay ng mga Kristiyano sa Panganib ang Kanilang Buhay para Ipangaral ang Ebanghelyo at Sumaksi sa Diyos?

Kristiyano, Sumaksi sa Diyos, Ipangaral ang Ebanghely, Magtagumpay, Pananampalataya

Hou Xiangke (Hepe ng Public Security Bureau): Talagang imposible para sa inyo na maniwala sa Diyos at ipangaral ang ebanghelyo sa isang bansang pinamumunuan ng Partido Komunistang Tsino.Tinatapos ang sinumang nagpipilit na maniwala sa Diyos at magpalaganap ng ebanghelyo.Alam mo ba kung ilang Kristiyano ang nagdusa sa kalunus-lunos na kamatayan sa bilangguan?Alam mo ba kung ilang Kristiyano ang pinatay at sinira ang kanilang mga pamilya?Walang makakalaban sa kapangyarihan ng Partido Komunista!Kung ipipilit mo ang paniniwala sa Diyos at pagpapalaganap ng ebanghelyo,ang kapalaran mo ay pagkabilanggo at kamatayan!Nakikita mo ba nang malinaw ang kahinatnang ito?

Mayo 17, 2018

Kanta ng Papuri | Walang Makahahadlang sa Gawain Ng Diyos

Kaligtasan, Diyos, Pananampalataya, pananalig sa diyos, Jesus



I
Ang gawain ng Diyos, ang gawain ng Diyos,
walang maaaring makahadlang kailanman
sa gawain ng Diyos.
Nang nangako ang Diyos kay Abraham
na magkakaroon siya ng anak na lalaki,
naisip niya na imposible,
naisip niya na ito ay isang biro.
Anuman ang ginagawa o iniisip ng tao,
hindi ito mahalaga sa Diyos.
Ang lahat magpapatuloy sa pamamagitan ng panahon
at plano ng Diyos;
iyon ang tuntunin ng Kanyang gawain.
Ang pamamahala ng Diyos
ay di-tinatablan ng mga bagay at tao.
Lahat ay mangyayari sa tamang oras tulad ng dinisenyo.
Walang maaaring makahadlang kailanman
sa gawain ng Diyos,
sa gawain ng Diyos.
Walang maaaring makahadlang kailanman
sa gawain ng Diyos.

Enero 4, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin

kalooban, Panalangin, Pananampalataya, Patotoo, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin


  Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos?

Disyembre 4, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagsasagawa (6)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Pagsasagawa (6)

  Sa kasalukuyan, maraming mga tao ang ni hindi taglay ang pagkamaykatwiran o ang pansariling kamalayan ni Pablo, na, bagamat siya ay pinabagsak ng Panginoong Jesus, tinaglay na ang paninindigan na gumawa at magdusa para sa Kanya. Binigyan siya ng karamdaman ni Jesus, at kalaunan, patuloy na tiniis ni Pablo ang karamdamang ito sa sandaling nagsimula siyang gumawa. Bakit niya sinabi na mayroon siyang tinik sa laman? Ang tinik, sa totoo lang, ay karamdaman, at para kay Pablo, ito ay isang nakamamatay na kahinaan.

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagsasagawa (4)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Pagsasagawa (4)

  Ang kapayapaan at kagalakan na Aking sinasalita sa kasalukuyan ay hindi kagaya ng mga pinaniniwalaan mo at nauunawaan. Iniisip mo dati na ang kapayapaan at kagalakan ay nangangahulugan ng pagiging masaya buong araw, sa kawalan ng sakit at kasawian sa iyong sambahayan, palaging nagagalak sa iyong puso, nang walang mga pakiramdam ng kalungkutan, at isang hindi mailarawan na kagalakan sa loob mo maging anuman ang lawak ng iyong sariling buhay. Iyon ay karagdagan sa umento sa sahod ng iyong asawa at ang iyong anak na lalaki na papasok lang sa pamantasan.

Disyembre 2, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (8)

kagalakan, buhay, Pananampalataya, Pag-asa, Daan

  Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Landas... (8)

  Kapag ang Diyos ay dumarating sa lupa upang makihalo sa sangkatauhan, mamuhay kasama nila, ito ay hindi lamang sa loob ng isa o dalawang araw. Marahil sa buong panahong ito ay nakilala na humigit-kumulang ng mga tao ang Diyos, at marahil ay nakatamo sila ng mahahalagang mga kabatiran hinggil sa paglilingkod sa Diyos, at sanay na sanay na sa kanilang paniniwala sa Diyos. Anuman ang kalagayan, nauunawaan ng mga tao ang disposisyon ng Diyos, at ang mga pagpapahayag ng lahat ng uri ng pantaong mga disposisyon ay totoong iba-iba.

Nobyembre 3, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

katotohanan, Pananampalataya, Iglesia, Jesus, Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |  Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

  Gaano karaming relihiyosong kaugalian ang sinusunod mo? Ilang beses ka na bang nagrebelde laban sa salita ng Diyos at pinili ang iyong sariling landas? Ilang beses mo na bang isasagawa ang salita ng Diyos dahil tunay mong isinasaalang-alang ang Kanyang mga pasanin at hinahangad mong tuparin ang Kanyang nais? Unawain ang salita ng Diyos at isabuhay ito. Maging tapat sa iyong mga kilos at gawa; hindi ito pagsunod sa mga patakaran o ginagawa nang labag sa kalooban para sa pagkukunwari. Bagkus, ito ay ang pagsasagawa ng katotohanan at pamumuhay sa salita ng Diyos.Tanging ang pagsasagawa na tulad nito ang nakalulugod sa Diyos. Ang anumang kaugaliang nakalulugod sa Diyos ay hindi isang patakaran kundi isang pagsasagawa ng katotohanan.

Oktubre 20, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikadalawampung Pagbigkas

Pananampalataya, buhay, Iglesia , Jesus, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Ikadalawampung Pagbigkas

  Hindi masukat at hindi maarok ang kayamanan ng Aking sambahayan, gayunma’y hindi kailanman lumapit sa Akin ang tao upang tamasahin ang mga iyon. Wala siyang kakayahang tamasahin ang mga iyon sa kanyang sarili, ni protektahan ang sarili niya gamit ang sarili niyang mga pagsisikap; sa halip, palagi niyang nailalagay sa iba ang kanyang pagtitiwala. Sa lahat ng mga yaong tinitingnan Ko, wala kahit isa ang kailanma’y kusa at direktang naghanap sa Akin. Lumalapit silang lahat sa harap Ko sa panghihikayat ng iba, sumusunod sa karamihan, at ayaw nilang bayaran ang halaga o gumugol ng oras para pagyamanin ang kanilang mga buhay. Samakatuwid, walang sinuman sa gitna ng tao ang namuhay kailanman sa katotohanan, at namumuhay ang lahat ng mga tao ng mga buhay na walang kahulugan. Dahil sa mga gawi at kaugalian ng tao na matagal nang umiiral, umalingasaw ang amoy ng lupa sa mga katawan ng lahat ng mga tao. Bilang resulta, naging manhid ang tao, walang pandama sa kalagiman ng mundo, at sa halip ay nagpapakaabala siya sa gawain ng pagtatamasa sa sarili sa malamig na mundong ito. Walang kahit kaunting init ang buhay ng tao, at walang kahit anong pantaong lasa o liwanag—gayunma’y sinanay niya ang kanyang sarili dito, nanatili siya sa habambuhay na kawalan ng halaga kung saan nagmamadali siyang gumagawa nang walang anumang napapala. Sa isang kisapmata, lumalapit ang araw ng kamatayan, at namamatay ang tao ng isang mapait na kamatayan. Kailanman, wala siyang natupad na anuman, o napalang anuman sa mundong ito—nagmamadali lamang siyang dumarating, at nagmamadaling umaalis. Sa Aking paningin wala sa mga yaon ang nakapagdala kailanman ng anuman, o nakakuha ng anuman, kung kaya nararamdaman ng tao na hindi patas ang mundo. Gayunman walang may gustong magmadali. Hinihintay lamang nila ang araw kung kailan ang Aking pangako mula sa langit ay biglang darating sa gitna ng tao, magpapahintulot sa kanila, sa panahon kung kailan sila ay naligaw, na minsan pa ay makita ang daan ng walang-hanggang buhay. Kaya, nakatutok ang tao sa bawat gawa at kilos Ko upang tingnan kung talagang natupad Ko ang pangako Ko sa kanya. Kapag siya ay nasa kalagitnaan ng hirap, o sa matinding sakit, o pinalilibutan ng mga pagsubok at malapit nang mahulog, isinusumpa ng tao ang araw ng kanyang kapanganakan upang mas mabilis niyang matakasan ang mga problema niya at makalipat sa mas magandang lugar. Ngunit kapag lumipas na ang mga pagsubok, napupuno ng kagalakan ang tao. Ipinagdiriwang niya ang araw ng kapanganakan niya sa mundo at hinihiling na pagpalain Ko ang araw ng kanyang kapanganakan; sa panahong ito, hindi na binabanggit ng tao ang mga pangako ng nakaraan, malalim ang takot niya na sa ikalawang pagkakataon darating muli sa kanya ang kamatayan. Kapag itinataas ng mga kamay Ko ang mundo, sumasayaw sa kagalakan ang mga tao, hindi na sila nalulungkot, at umaasa silang lahat sa Akin. Kapag tinatakpan Ko ng Aking mga kamay ang Aking mukha, at itinutulak ang mga tao sa ilalim ng lupa, agad silang nahihirapan sa paghinga, at bahagya na silang makapanatiling buhay. Lahat sila ay sumisigaw sa Akin, takot na lilipulin Ko sila, sapagka’t gusto nilang lahat na makita ang araw kung kailan Ako ay maluluwalhati. Itinuturing ng tao ang araw Ko bilang pangunahin ng kanyang pag-iral, at ito ay dahil lamang sa mahigpit na pagnanais ng mga tao para sa araw kung kailan ang Aking kaluwalhatian ay darating kaya nakapanatiling buhay ang sangkatauhan hanggang ngayon. Ang pagpapalang ipinahayag ng Aking bibig ay na yaong mga ipinanganganak sa panahon ng mga huling araw ay napakapalad na makita ang buo Kong kaluwalhatian.