Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Iglesia. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Iglesia. Ipakita ang lahat ng mga post

Agosto 6, 2019

Tagalog Christian Skit | "Talaga Bang Nagsisi Ka Na?"


Maikling Dula | "Talaga Bang Nagsisi Ka Na?"


Minsan, si Zhang Ming'en ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia. Maraming taon siyang naniwala sa Panginoon, at sa buong panahong iyon, siya ay nangaral, nagtrabaho, nagdusa, at gumugol para sa Panginoon. Kaya naniwala siya na tunay na siyang nagsisi at nagbago. Ngunit, sa isang halalan sa simbahan, nanood si Zhang Ming'en nang piliin ang iba pang mga kapatid na lalaki’t babae bilang mga pinuno ng simbahan at diyakono, samantalang binigyan siya ng tungkuling maging punong-abala sa mga pulong. Kahit sa tingin ay mukhang tinanggap at sinunod niya ito, ikinalungkot niyang masyado iyon. Nang sabihin ng asawa niya na hindi pa siya taos-pusong nagsisi at nagbago, hindi kumbinsido si Zhang Ming'en, at isang matalinong pagtatalo ang sumunod…. Ano ba talaga ang tunay na pagsisisi at pagbabago? Panoorin ang dula-dulaang Tunay Ka na bang Nagsisi? Para malaman ang mga sagot.
Ang paglilingkod sa Diyos ay isang maluwalhating bagay. Kung paano maglingkod sa Diyos ay maaaring magkatugma sa Diyos, na nangangailangan ng wastong paraan ng paglilingkod sa Diyos.

Agosto 19, 2018

May Iba pa Bang mga Salita ang Diyos Maliban sa Nasa Biblia?





Sinasabi sa Biblia, "At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak" (Pahayag 5:1). "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago" (Pahayag 2:17). Sang-ayon sa Biblia, sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay ilaladlad Niya ang scroll o balumbon, bubuksan ang pitong tatak at ipagkakaloob sa tao ang manang natatago. Ngunit karamihan ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ay naniniwala na lahat ng mga salita ng Diyos ay nakatala sa Biblia at walang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia. Ang ganitong uri ba ng pananaw ay naaayon sa katotohanan? Wala ba talagang mga salita ang Diyos maliban sa nasa Biblia? Aalamin ng maikling video na ito ang mga tanong na ito para sa iyo.


Manood ng higit pa:


Paano Dapat Unawain ang Kristiyanismo?




Agosto 12, 2018

Best Tagalog Christian Movie | "Masasakit na Alaala" The Repentance of a Christian (Tagalog Dubbed)



Si Fan Guoyi ay isang elder ng isang bahay-iglesia sa China. Sa mahigit dalawampung taon ng paglilingkod, lagi niyang ginagaya si Pablo, at nagsumikap at nagpakahirap para sa Panginoon nang may malaking kasigasigan. Bukod dito, matibay ang paniniwala niya na sa patuloy na pagsampalataya sa ganitong paraan, isinasakatuparan niya ang kalooban ng Ama sa langit, at na kapag nagbalik ang Panginoon, siguradong mara-rapture siya sa kaharian ng langit. Gayunman, nang sumapit sa kanya ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kumapit siya sa kanyang mga pagkaunawa. Paulit-ulit niyang tinanggihan, kinontra, at tinuligsa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw…. Kalaunan, matapos makipagtalo nang ilang beses sa mga pastor ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nagising din sa katotohanan si Fan Guoyi, at tunay na naunawaan ang kahulugan ng isakatuparan ang kalooban ng Ama sa langit, gayundin kung paano patuloy na sumampalataya sa paraan na magtatamo siya ng kaligtasan at makakapasok sa kaharian ng langit …. 
Tuwing iisipin niya kung sino siya noong araw, dinuduro ng mga alaala ang puso niya  na para bagang mga tinik …

Hulyo 27, 2018

Tagalog Christian Songs | "Kalooban ng D'yos Nabuksan na sa Lahat" (Tagalog Dubbed)


I
Mula sa paglikha sa tao, 
ang pagiging D'yos, kalooban N'ya, pag-aari't disposisyon
nabuksan na sa bawa't isa't bukas sa lahat.
Di kailanman sinadya ng D'yos na itago diwa N'ya, 
ni ang kanyang disposisyon o kalooban.
Talagang di pansin ng sangkatauhan
ang mga gawa ng Diyos, at ang Kanyang kalooban,
kaya ang pang-unawa ng tao sa D'yos ay kaawa-awang mahina,
ang pang-unawa ng tao sa D'yos ay kaawa-awang mahina.
Mula sa paglikha sa tao,
ang pagiging D'yos, kalooban N'ya, pag-aari't disposisyon
nabuksan na sa bawa't isa't bukas sa lahat.

Hulyo 20, 2018

Christian Full Movie 2018 | "Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo!" (Tagalog dubbed)


.❋..❋..❋..❋.

  Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw …

Hulyo 12, 2018

Takasan ang Pagkaalipin ng mga Relihiyosong Fariseo at Bumalik sa Diyos


Sa buong komunidad ng mga relihiyon, alam ng mga pastor ang Biblia pagbali-baligtarin man ito at madalas nilang ipaliwanag sa mga tao ang mga sipi sa Biblia. Sa ating paningin, mukhang kilala nilang lahat ang Diyos, pero bakit sinisisi at kinokontra ng napakarami sa mga relihiyoso ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga enggrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw- araw, ngunit ni isa ay hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang umaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawasiwas nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

🌳🌳🌳.❋.🌳🌳🌳

Hulyo 1, 2018

"Nalantad Ang Katotohanan" - Ang Katotohanan Inilantad sa Likod ng May 28 Zhaoyuan Case



pag-ibig ng Diyos, Diyos, iglesia, katotohanan, Ebanghelyo
 Noong 2014, walang-pakundangang inimbento ng CCP ang kilalang-kilalang Pangyayari noong 5/28 sa Zhaoyuan sa Shandong Province para may mapagbatayan ang opinyon ng publiko na lubos na sugpuin ang mga bahay-iglesia, at ikinalat ang kasinungalingan sa buong mundo para tuligsain at siraan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil dito, nalinlang ng propaganda ng CCP ang ilang taong walang kaalam-alam sa katotohanan. Sa programang ito, mabubunyag ang ilang malalaking pagdududa tungkol sa kasong ito para isa-isang himayin ang mga kasinungalingan ng CCP at linawin ang mga pangyayari sa inyo, at lubos na ilantad ang katotohanan sa likod ng Pangyayari 
sa  Shandong Zhaoyuan sa harap ng mundo.

Hunyo 30, 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Masunurin ay Tiyak na Makakamit ng Diyos




Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagsunod sa Diyos at pagpapasakop sa gawain ng Diyos ay iisa at pareho. Yaong mga sumailalim lamang sa Diyos ngunit hindi sa gawain ng Diyos ay hindi maaaring ituring na masunurin, at tiyak na wala rin naman sa mga hindi tunay na nagpailalim at mga nagpapakitang sunud-sunuran. Yaong mga tunay na sumailalim sa Diyos ay magagawang makinabang mula sa gawain at maabot ang pang-unawa sa disposisyon at gawain ng Diyos. Ang mga ganitong tao lamang ang tunay na sumailalim sa Diyos. Ang ganitong mga tao ay magagawang magkamit ng bagong kaalaman mula sa mga bagong gawain at makararanas ng bagong mga pagbabago mula doon din. Tanging ang ganoong mga tao ang may pag-sang-ayon ng Diyos; ang ganitong uri ng tao lamang ang ginawang perpekto at sumailalim sa pagbabagong-anyo ng kanyang disposisyon. Ang mga sinang-ayunan ng Diyos ay ang mga masayang sumailalim sa Diyos, pati na rin sa Kanyang gawa at salita. Tanging ang ganitong uri ng tao ang nasa tama; tanging ang ganitong uri ng tao ang tunay na nagnanasa at naghahanap sa Diyos."

Hunyo 28, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! (Trailer)


╭✿╮╭✿╮╭✿╮

Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw …



Hunyo 26, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (7)


Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (7)


Alam ng lahat ng nananalig sa Panginoon na kung hindi sa pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus, walang mananalig o sumusunod sa Panginoon. Bukod pa rito, hindi sana nagkaroon ng Kristiyanismo—gaano man katalino ang mga apostol, hindi maaaring sila ang lumikha sa iglesia. Gayundin, nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil lang sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Dahil iyan sa nagpahayag ng maraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos at nagsibalik ang mga tao sa Diyos matapos marinig ang Kanyang tinig kaya nabuo ang iglesia. Pero sinisiraan ng gobyernong Chinese Communist ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sinasabi na organisasyon ito ng tao. Ano ang kanilang masamang motibo?


Hunyo 15, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis


╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮

Ang pag-ibig ay isang dalisay na damdamin,
dalisay na walang dungis.
Gamitin ang iyong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Ang pag-ibig ay 'di nagtatakda ng mga kondisyon
o mga hadlang o agwat.
Gamitin ang 'yong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Kung ikaw ay nagmamahal, 'di ka manlilinlang,
magrereklamo at tatalikod,
naghihintay ng kapalit.
Kung ikaw ay umiibig magpapakasakit ka,
tinatanggap ang hirap at makaisa ng Diyos sa pagkaayon.

Hunyo 8, 2018

Yaong Ililigtas ng Diyos ay Kauna-unahan sa kanyang Puso





I
Gaano kahalaga ang gawaing pagliligtas ng Diyos,
mas mahalaga kaysa sa lahat
ng iba pang mga bagay sa Kanya.
Kasama ng tinalagang plano at kalooban,
'di lamang pag-iisip at mga salita,
ginagawa Niya ang lahat
para sa buong sangkatauhan.
O kung gaano ito kahalaga,
ang gawain ng pagliligtas ng Diyos,
para sa tao at sa sarili Niya.
Kahit gaanong kaabala ang Diyos,
anong pagsisikap ang ginagawa Niya.
Pinamamahalaan Niya ang Kanyang gawain,
pinamumunuan Niya ang lahat ng mga bagay,
ang lahat ng mga tao.
Nang hindi pa nakita, sa malaking halaga.
Sa Kanyang gawain,
inihahayag ng Diyos sa tao ng unti-unti
kung ano at mayroon ang Diyos,
ang halaga na binayaran Niya,
karunungan, kapangyarihan,
lahat ng Kanyang disposisyon.
Hindi mahalaga kung gaano kahirap ang gawain,
anuman ang mga hadlang,
gaano man kahirap at mapanghimagsik ang tao,
walang makakahinto sa Diyos,
walang gaanong mahirap.

Hunyo 7, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos




I
Yaong ipinagkakaloob sa'yo ng Diyos ngayon
lumalampas kay Moises
at mas mahigit pa kaysa kay David,
kaya naman hinihiling Niya na
ang iyong patotoo ay malampasan ang kay Moises
at ang iyong mga salita ay higit sa kay David.
Binibigyan ka ng Diyos ng makasandaan,
kaya naman hinihiling Niya sa'yo na tumbasan mo rin ito.

Hunyo 6, 2018

"Red Re-Education sa Bahay" (5) | Paano ba Dapat Unawain ang Kristiyanismo?



Ang karaniwang kaalaman na ang Kristiyanismo, Katolisismo, at Eastern Orthodox Church ay pawang mga relihiyon na nananalig sa Panginoong Jesucristo. Nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Cristo ng mga huling araw. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang iglesia ni Cristo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bahagi rin ng Kristiyanismo. Kaya bakit ikinakaila ng Chinese Communist Party na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang iglesiang Kristiyano? Ano ba talaga ang Kristiyanismo?

Hunyo 5, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (4)



Sabi ng Panginoong Jesus, "Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal" (Marcos 16:15). Ang pagkakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos ay isang mabuti at matuwid na gawa ng mga Kristiyano. Ngunit malupit na inaaresto at pinahihirapan ng Chinese Communist Party ang mga Kristiyano, na humantong sa pagkasira ng maraming pamilya, ang ilan ay wala nang tahanang maaaring balikan, at maraming naaresto at nakulong. Ang ilan ay pinahirapan pa hanggang sa mamatay, pero patuloy na binaligtad ng CCP ang katotohanan, na sinasabi na nasira ang kanilang pamilya dahil sa kanilang pananalig sa Diyos. sino ang tunay na salarin sa pagkasira ng napakaraming pamilyang mga Kristiyano?

Hunyo 1, 2018

Musical Documentary "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | Ang Pag-angat at Pagbagsak ng mga Bansa



Kagagawan ba ng tao ang pag-angat at pagbagsak ng isang bansa? Batas ba ito ng kalikasan? Anong hiwaga ang nakapaloob dito? Sino ba talaga ang namamahala sa pag-angat at pagbagsak ng isang bansa? Malapit nang ihayag ang hiwaga sa Kristiyanong dokumentaryong musikal na Isa na Naghahari sa Lahat!

Mayo 27, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (2)


Pagkatapos ng nangyari sa Zhaoyuan noong Mayo 28 sa Shandong na nakagulat kapwa sa China at sa iba pang mga bansa, nang litisin ng CCP ang kaso, malinaw na ipinagtapat ng mga sangkot na hindi sila mga miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Gayunman, ipinilit pa rin ng CCP na tukuyin silang mga tao na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ano ang motibo nila? Anong klaseng pakana ang nasa likod ng kasong ito?

Mayo 26, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (1)



Mula nang magkaroon ng kapangyarihan, walang-tigil nang sinugpo at pinagmalupitan ng Chinese Communist Party ang mga paniniwala sa relihiyon, at hayagan pang binansagan ang Kristiyanismo at Katolisismo na mga kulto at tinawag na babasahing pangkulto ang Biblia. Sa pagdaan ng mga taon, nagpapatotoo na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyossa pagbalik ng Panginoong Jesus, at hinatulan din ito ng CCP na isang kulto. Ang CCP ay isang ateistang partido. Isa itong napakasamang rehimen na kaaway ng Diyos, kaya paano ito nagkaroon ng karapatang magsabi na ang anumang partikular na relihiyon ang tunay na daan, o isang kulto? Paano maiintindihan ng isang tao kung ano talaga ang kulto?

Mayo 23, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Paghihinagpis ng Makapangyarihan


Nakikita ng Makapangyarihan sa lahat
ang pag-iyak at kawalanghiyaan ng mga nagdurusa't nasaktan,
dama ang takot at hina ng taong nawalan ng kaligtasan.
Tumatanggi sila sa kalinga Niya, sa sariling landas dumaraan,
iniiwasan mga mata Niyang naghahanap.
Mas gusto nilang danasin mga pasakit ng dagat, 
kasama ang kaaway.
Ang paghihinagpis ng Makapangyarihan sa lahat 
ay di na maririnig ninuman.
Mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat ayaw nang abutin,
ayaw na Niyang hipuin ang miserableng sangkatauhan.

Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon

⋰ * ⋱⋰ *⋱⋰*⋱⋰ * ⋱⋰ *⋰ * ⋱⋰ *⋱⋰*⋱⋰ * ⋱⋰ *

Qingxin, Myanmar

  Parehong mga Kristiano ang ang aking mga magulang at mula pagkabata, nagsimula akong sumama sa kanila papunta sa iglesia upang dumalo ng mga gawain. Sa edad na labindalawa, dumalo ako ng isang engrandeng kampo pang-Kristiano sa Myanmar, at habang naroon ako, sinabi sa akin ng isang pastor: “Ang mabinyagan ang siyang tanging paraan upang iwasan ang kamatayan at makatuloy sa kaharian ng langit.” At kaya naman upang marating ang kaharian ng langit, nagdesisyon akong magpabinyag habang nasa kampo ako. Mula noong panahong iyon, naging isa akong tunay na Kristiano.