Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post

Hulyo 29, 2019

Isang Naiibang Karanasan ng Paghahanap ng Trabaho


Isang Naiibang Karanasan ng Paghahanap ng Trabaho


Ni Liang Xin

Sa lipunan ngayon, may iba’t ibang uri ng malalaking negosyo at tila hindi mabilang ang oportunidad para makapagtrabaho. Ngunit sa paglipas ng mga taon, wala nang halaga ang mga nakapagtapos ng kolehiyo. Punung-puno na ang merkado ng mga kuwalipikadong kandidato upang magkaroon ng trabaho na hindi ka na makahanap pa ng lugar. Kaya ang hirap sa paghahanap ng mapapasukang trabaho matapos makapagtapos ay naging isang napaka-praktikal na problema. Para sa bawat kabataan na malapit nang pumasok sa lipunan matapos mag-aral, ang pinakamasakit sa ulong isyu na kailangan nilang harapin ay ang paghahanap ng trabaho, lalo na sa isang magandang kompanya. Ginagawa ng lahat ang lahat ng kanilang makakaya at pinipiga ang kanilang utak para makapasok—napakatindi ng kompetisyon at hirap. Ako, na malapit nang magtapos, ay walang pagpipilian kundi harapin ang suliranin ng paghahanap ng trabaho gaya ng iba pa. Ang naiiba lang sa akin ay isa akong Kristiyano at naniniwala ako na ang lahat ay hinahanda ng Diyos. Gayunman …

Hulyo 17, 2019

Sa Pamamagitan ng Pagkawala sa Gapos ng Usap-usapan at sa Aking mga Pagkaunawa, Masaya kong Tinanggap ang Pagbabalik ng Panginoon


Sa Pamamagitan ng Pagkawala sa Gapos ng Usap-usapan at sa Aking mga Pagkaunawa, Masaya kong Tinanggap ang Pagbabalik ng Panginoon


Ni Hevy, Malaysia


Ang landas papasok sa kaharian ng langit ay puno ng lahat ng iba’t ibang kahirapan at mga hadlang. Kung wala tayong pagkilala sa mga usap-usapan, madali tayong malilinlang, at maliligaw sa tunay na daan. Ang ating sariling mga pagkaunawa at mga kathang-isip ay mga hadlang din sa daan ng pagkakamit ng kaalaman ukol sa Diyos. Kailangan nating umasa sa Diyos upang kumawala sa gapos ng usap-usapan at sa ating sariling mga pagkaunawa at makinig sa tinig ng Diyos upang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon.

Hunyo 20, 2019

Mga Patotoo | 3 Pinakamahalagang Prinsipyo para sa Malugod na Pagsalubong sa Pagdating ng Panginoon


Mga Patotoo | 3 Pinakamahalagang Prinsipyo para sa Malugod na Pagsalubong sa Pagdating ng Panginoon


Ni Yanjin

Ang kakayahang salubungin ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus ang pinakadakilang pagnanais ng mga tunay na naniniwala sa Panginoon. Kaya’t paano natin sasalubungin ang Panginoong Jesus? Ang sumusunod ay pagbabahaginan ng tatlong pangunahing mga daan tungo sa sabay-sabay na pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon.

Hunyo 6, 2019

Mga Patotoo | Nauunawaan Mo Ba ang 4 na Prinsipyo ng Epektibong Panalangin?


Mga Patotoo | Nauunawaan Mo Ba ang 4 na Prinsipyo ng Epektibong Panalangin?

Ni Yang Yang, China

Mga kapatid, alam natin na ang pananalangin sa Diyos ang pinakadirektang paraan ng mga Kristiyano upang makipag-usap sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit, maliban sa mula umaga hanggang gabing panalangin, nananalangin din tayo sa iba pang mga panahon tulad ng kapag nagbabasa ng Bibliya, kapag nasa mga pagtitipon, kapag nag-oobserba ng Sabbath, o kapag humaharap sa mga kahirapan. Nguni’t ang ating mga panalangin ba ay ayon sa kalooban ng Panginoon, at tayo ba ay pakikinggan Niya?

Mayo 26, 2019

Alam Ba Ninyo ang Apat na Mahahalagang Elemento ng Kristiyanong Panalangin?


Alam Ba Ninyo ang Apat na Mahahalagang Elemento ng Kristiyanong Panalangin?


Ni Yang Yang, China

Mga kapatid, alam natin na ang pananalangin sa Diyos ang pinakadirektang paraan ng mga Kristiyano upang makipag-usap sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit, maliban sa mula umaga hanggang gabing panalangin, nananalangin din tayo sa iba pang mga panahon tulad ng kapag nagbabasa ng Bibliya, kapag nasa mga pagtitipon, kapag nag-oobserba ng Sabbath, o kapag humaharap sa mga kahirapan.

Mayo 20, 2019

Mga Patotoo | 3 Malalaking Obra Maestra para sa Pagtatagumpay sa mga Tukso sa Digmaang Espirituwal



Mga Patotoo |  3 Malalaking Obra Maestra para sa Pagtatagumpay sa mga Tukso sa Digmaang Espirituwal



Hingzing Hilagang Korea

Mga kapatid,

Sumainyo nawa ang kapayapaan ng Panginoon! Kadalasan, ang lahat ng mga uri ng digmaang espirituwal ay magaganap sa buong panahon ng ating pananampalataya sa at pagsunod sa Diyos. May mga tukso na may kinalaman sa salapi, katayuan at pangalan, at mga tukso sa pagitan ng mga lalaki at mga babae, gayundin ang paninirang-puri ng mga hindi mananampalataya, paghadlang at paniniil mula sa mga mahal sa buhay, gayundin ang pagtugis at pag-uusig ng isang mala-satanas na rehimen.

Mayo 12, 2019

Mga Patotoo | Ang Maging Isang Matapat na Tao ay Tunay na Dakila!


Mga Patotoo | Ang Maging Isang Matapat na Tao ay Tunay na Dakila!


Wu Ming, China

Isang araw noong 2004 sinabi sa akin ng isang kaibigan: “Bawat araw gumigising ka nang maaga at buong araw na abala sa paggupit ng tela, pinapagod mo ang sarili mo, ngunit hindi ka pa rin kumikita ng pera.

Mayo 7, 2019

Ang Maging Isang Matapat na Tao ay Tunay na Dakila!

Panalangin sa Diyos: Naalis Ko sa Aking Sarili ang Kaba Bago ang Pagsusulit



Ni Xiaohuan

Ang pagsusulit ko bago makapasok sa senior high school noong 2012 ang unang malaking pagbabago sa buhay ko. Inasahan ng buong pamilya ko na maganda ang magiging lagay ko, at malaki ang tiwala ko na maipapasa ko ang aking mga pagsusulit at makakapasok sa senior high school.

Abril 28, 2019

Pananampalataya at Buhay | Paano Dapat Pumili Tayong mga Kristiyano ng Mapapangasawa

Pananampalataya at Buhay | Paano Dapat Pumili Tayong mga Kristiyano ng Mapapangasawa

Mga kapatid sa Espiritwal na Tanong at Sagot:

Nasa tamang gulang na ako upang humanap ng makakatuwang sa buhay. Nababahala ang aking mga magulang sa pananaw ko sa pagpapakasal, at madalas itong itanong sa akin ng aking mga kamag-anak at kaibigan, dahilan upang maramdaman ko ang bigat na dala niyon.

Abril 23, 2019

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos | Ano ang Batayan sa Pagpasok sa Kaharian sa Langit?

Mga Patotoo ng Pagbabalik sa Diyos | Ano ang Batayan sa Pagpasok sa Kaharian sa Langit?


Sa labas ng bintana, nakakikilabot ang lamig at malakas ang buhos ng niyebe. Alas-9 na ng gabi nang makauwi si Xuesong mula sa pangangaral ng ebanghelyo.

Abril 16, 2019

Pananampalataya at Buhay | Natagpuan Niya ang Tunay na Kaligayahan Matapos ang isang Nasirang Pagsasama


Pananampalataya at Buhay | Natagpuan Niya ang Tunay na Kaligayahan Matapos ang isang Nasirang Pagsasama


Ni Zhu Li

Sa kabila nang panghihimok ng kanyang mga magulang at mga kaibigan, determinadong pinakasalan ni Xinping ang kanyang nobyo, Matapos ang kasal, masaya ang buhay nila. Maganda ang pakikitungo sa kanya ng kanyang asawa, na palagi niyang pinahahalagahan at ipinagpapasalamat. Naniwala siya na iyon ang matamis at masayang buhay na matagal na niyang inaasam. Para makagawa ng isang masayang pamilya, pinangalagaan niya ang puso at kaluluwa ng kanyang asawa, inuuna ito sa lahat ng bagay, at hinaharap lahat ng problema ng kanilang pamilya nang hindi ito inaabala.

Abril 7, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Nakakapagpalaya ang Pagtapon sa Kapangyarihan ni Satanas


Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Nakakapagpalaya ang Pagtapon sa Kapangyarihan ni Satanas


Momo    Lungsod ng Hefei, Lalawigan ng Anhui

Bago ako naniwala sa Diyos, anuman ang ginagawa ko, hindi ko ginustong mapag-iwanan. Handa akong tanggapin ang anumang paghihirap hangga't nangangahulugan ito na maaari akong umangat kaysa kaninuman. Matapos kong tanggapin ang Diyos, nanatiling pareho ang aking saloobin, dahil matibay akong naniwala sa kasabihang, "Walang paghihirap, walang makakamtam," at nakita ko ang aking saloobin bilang patunay ng aking adhikain. Nang ibunyag ng Diyos ang katotohanan sa akin, sa wakas ay nalaman ko na ako ay nabubuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, nabubuhay sa ilalim ng kaharian nito.

Marso 18, 2019

Matapos Ang Pagtataksil ng Kanyang Asawa Sinagip Siya ng Diyos sa Dilim ng Kalungkutan



Gawa ni Ouyang Mo, Probinsya ng Hubei

Mabilis na tumatakbo ang panahon. Lumaki si Hong’er mula sa isang simpleng bata sa isang kaaya-ayang dalaga, at nagising ang kanyang umuusbong na interes sa pag-ibig. Hindi siya interesado sa yaman o estado, gusto niya lang ng isang relasyon kung saan, ano mang bagyo ang kanilang pagdaanan, may pag-ibig at pagmamahalan, magtutulungan sila sa oras ng pangangailangan, at tatanda silang magkasama. Tahimik niyang hinihintay ang pagdating ng sandaling ‘yon…

Pebrero 22, 2019

Hindi Ako Karapat-Dapat na Makita si Cristo


Huanbao    Lungsod ng Dalian, Lalawigan ng Liaoning

Magmula nang magsimula akong manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, palagi kong hinahangaan ang mga kapatid na nakakatanggap sa personal na ministeryo ni Cristo, na nakakarinig sa Kanyang mga sermon sa sarili nilang mga tainga. Sa aking puso, naisip ko kung gaano kamangha-mangha sana kung isang araw sa hinaharap ay maririnig ko ang mga sermon ni Cristo, siyempre mas lalo pang kamangha-mangha ang makita Siya. Subalit nitong mga huling araw, sa pamamagitan ng pakikinig sa Kanyang pagbabahagi, taos-puso kong naramdaman na hindi ako karapat-dapat na makita si Cristo.

Pebrero 13, 2019

Pananampalataya at Buhay|Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Ikalawang Bahagi)

Ni Xiyue, Lalawigan ng Henan
Sa mga sumunod na araw, hindi man nahulog si Jingru sa tukso ni Satanas at alam niyang hindi na sila maaaring magsama ni Wang Wei, patuloy na naglaro sa kanyang isipan ang pakikipagkita niyang iyon kay Wang Wei tulad ng isang eksena sa pelikula …
Nang muli siyang tawagan ni Wang Wei, saglit siyang hindi napakali, at sinabi niya sa kanyang sarili: “Hindi na maaring maging tayo, pero maaari pa naman tayong maging ordinaryong magkaibigan.

Pebrero 12, 2019

Patotoo ng Isang Kristiyano: Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Unang Bahagi)

Ni Xiyue, Lalawigan ng Henan
Isang gabi, naglilinis ng kanyang bahay si Jingru.
“Kring, kring.” Nagsimulang tumunog ang telepono. Sinagot niya ito at isang kakaiba ngunit pamilyar na boses ang kanyang narinig: “Hello! Si Wang Wei ito. Nasa bahay ka!”
“Wang Wei?” Medyo nabigla si Jingru: Bakit siya napatawag ngayon makalipas ang napakaraming taon?

Pebrero 5, 2019

Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon


Hu Ke    Lungsod ng Dezhou, Lalawigan ng Shandong

Sa tuwing nakikita ko ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, hindi ako mapalagay: “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko. Makabubuti para sa inyo ang pagnilay-nilayan ang Aking mga salita nang maingat, at siguradong labis ninyong mapapakinabangan ang mga ito.” Hindi ako mapalagay dahil ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos ay kapwa napakahalaga sa pag-unawa ng tao sa Diyos at sa kanilang paghahangad na mahalin at pasayahin Siya.

Enero 29, 2019

Mga Patotoo | Ano ang Kahulugan ng Tunay na Pagbabago?

Jinru Lungsod ng Nanyang, Lalawigan ng Henan

Kapag ang isang kapatid ay nagpakilala ng aking mga pagkakamali o hindi nakinig sa aking opinyon ay nadarama ko ang hindi pagsang-ayon o nakikipagtalo sa kanila. Ikinalungkot ko ang aking mga pagkilos pagkatapos, ngunit kapag nahaharap sa mga bagay na ito, hindi ko mapigilan ang aking sarili sa pagbubunyag ng aking masamang disposisyon. Malubha akong nabagabag nito, at naisip ko: Bakit ang mga salita ng iba ay nadadaig ako sa pagkagalit? At bakit hindi ako nagbago ni kaunti sa kabila ng walong taon ng pagsunod sa Diyos? Nag-alala ako at paulit-ulit na hinanap ang Diyos para sa kasagutan.

Enero 21, 2019

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Patotoo | Pagbangon sa Madilim na Pang-aapi

Mo Zhijian Lalawigan ng Guangdong

Isinilang ako sa isang mahirap at malayong bundok na lugar kung saan kami nagsunog ng insenso at sinamba si Buddha sa napakaraming henerasyon. May mga templong Budista sa buong lugar na kung saan lahat ng pamilya ay pumupunta upang magsunog ng insenso; walang sinuman ang naniwala kailanman sa Diyos. Noong 1995, ako at ang aking asawa ay nasa isang bahagi ng bansa kung saan kami ay naniwala sa Panginoong Jesus; pagkatapos naming bumalik nagsimula kaming magbahagi ng ebanghelyo at ang bilang ng mga tao na tumanggap dito ay unti-unting dumami nang mahigit sa 100 tao. Dahil parami nang parami ang mga taong naniniwala sa Diyos, naalarma ang lokal na pamahalaaan. Isang araw noong 1997, tinawag ako ng pulisya upang pumunta sa lokal na himpilan ng pulisya, na kung saan ay naghihintay sa akin ang hepe ng Kawanihan ng Pampublikong Seguridad ng Probinsya, ang hepe ng Kawanihan ng Pambansang Seguridad, ang hepe ng Kawanihan ng Relihiyon at ang pinuno ng himpilan ng pulisya at pati na rin ang ilang opisyal na pulis. Tinanong ako ng hepe ng Kawanihan ng Pampublikong Seguridad: “Bakit ka naniniwala sa Diyos? Kanino ka mayroong kaugnayan? Saan nanggaling ang mga Biblia? Bakit hindi kayo pumunta sa iglesia para sa mga pagtitipon?”

Enero 5, 2019

Mga Patotoo | Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?

pag-ibig ng Diyos

Siqiu Lungsod ng Suihua, Lalawigan ng Heilongjiang


Sa tuwing nakikita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwat ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ang mga hadlang sa buhay, at ang pag-abandona ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o tinitiis ang anumang ibang mga kasawian sa buhay, sa gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). lubha akong hindi nasisiyahan- ang pakiramdam ng kalungkutan ay namumuo sa loob ko at nagsasalita ang puso ko ng mga walang tinig na karaingan nito: Mahal na Diyos, bakit Mo pinapayagan na makasagupa ng ganoong kasawian ang mga matapat sa Iyo at nagmamahal sa Iyo? Bilang resulta, nahirapan ako sa pag-unawa sa kahulugan ng taong ginamit ng Banal na Espiritu na nagsabing, “Ang huling hiling ng Diyos sa tao ay mapagmahal at taos-puso.”