Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kalayaan ng Paniniwala sa Relihiyon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kalayaan ng Paniniwala sa Relihiyon. Ipakita ang lahat ng mga post

Abril 1, 2019

Maikling Dula | "Ang Pagmamatyag" | Why Are Christians Unable to Return Home? (Tagalog Dubbed)


Maikling Dula | "Ang Pagmamatyag" | Why Are Christians Unable to Return Home? (Tagalog Dubbed)


Si Xu Huilin at ang kanyang asawang si Zhiyong ay mga lider sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tumakas sila mula sa kanilang bayang sinilangan matapos malaman na tinutugis sila ng pamahalaan ng China dahil sa kanilang mga paniniwala. Ang kaisa-isa nilang anak na si Lingling ay nakitira sa lola niya, at umaasa sila sa isa’t isa. Lihim na umuwi si Xu Huilin noong Bisperas ng Bagong Taon para makasama ang kanyang pamilya, pero nagmamatyag na ang mga pulis, sa pag-asang maaresto ang mag-asawa. Doon nagsisimula ang kuwento …

Manood ng higit pa:pananampalataya

Marso 4, 2019

Filipino Variety Show | "Pagtitipon sa isang Kamalig" | Why Do Christians Meet in a Cowshed?


Filipino Variety Show | "Pagtitipon sa isang Kamalig" | Why Do Christians Meet in a Cowshed?


Sa kasalukuyan, ang pagpapahirap ng ateistang gobyerno ng CCP sa mga Kristiyano ay tumitindi araw-araw. Ang mga mananampalataya ay nahaharap sa mga pagbabawal na isagawa ang kanilang pananalig sa lahat ng oras; ni hindi sila makahanap ng lugar para makapagtipon nang payapa. Dahil wala nang pagpipilian, sa kamalig na lamang ni Liu Xiumin ginanap ang pagtitipon nila ng kanyang mga kapatid.

Pebrero 15, 2019

Filipino Variety Show - "Pagmamatyag" The CCP Uses High Tech to Violate Human Rights


Filipino Variety Show - "Pagmamatyag" The CCP Uses High Tech to Violate Human Rights

Mula nang magkaro'n ng kapangyarihan ang CCP, palagi na nitong inaatake ang mga sumasalungat at pinahihirapan ang relihiyosong  Para tuluyang makontrol ang mga mamamayan ng Tsina, gumastos ng malaking halaga ang CCP para gumawa ng maraming uri ng surveillance network sa bansa, at naging lubhang matindi ang pagsubaybay sa mga Kristiyano.

Enero 21, 2019

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Patotoo | Pagbangon sa Madilim na Pang-aapi

Mo Zhijian Lalawigan ng Guangdong

Isinilang ako sa isang mahirap at malayong bundok na lugar kung saan kami nagsunog ng insenso at sinamba si Buddha sa napakaraming henerasyon. May mga templong Budista sa buong lugar na kung saan lahat ng pamilya ay pumupunta upang magsunog ng insenso; walang sinuman ang naniwala kailanman sa Diyos. Noong 1995, ako at ang aking asawa ay nasa isang bahagi ng bansa kung saan kami ay naniwala sa Panginoong Jesus; pagkatapos naming bumalik nagsimula kaming magbahagi ng ebanghelyo at ang bilang ng mga tao na tumanggap dito ay unti-unting dumami nang mahigit sa 100 tao. Dahil parami nang parami ang mga taong naniniwala sa Diyos, naalarma ang lokal na pamahalaaan. Isang araw noong 1997, tinawag ako ng pulisya upang pumunta sa lokal na himpilan ng pulisya, na kung saan ay naghihintay sa akin ang hepe ng Kawanihan ng Pampublikong Seguridad ng Probinsya, ang hepe ng Kawanihan ng Pambansang Seguridad, ang hepe ng Kawanihan ng Relihiyon at ang pinuno ng himpilan ng pulisya at pati na rin ang ilang opisyal na pulis. Tinanong ako ng hepe ng Kawanihan ng Pampublikong Seguridad: “Bakit ka naniniwala sa Diyos? Kanino ka mayroong kaugnayan? Saan nanggaling ang mga Biblia? Bakit hindi kayo pumunta sa iglesia para sa mga pagtitipon?”