Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao-o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito.
Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang ibinubunyag ang di-matiis na pagiging kakila-kilabot ni Satanas. Lalong higit pa, ito ay upang turuan ang Aking mga nilalang na kumiling sa pagitan ng mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa mababa, ang siyang masama, at upang makita, nang may katiyakang walang-pasubali, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at kung ano ang hamak. Sa ganitong paraan, ang mangmang na sangkatauhan ay makakayang maging saksi sa Akin na hindi Ako ang tumitiwali ng sangkatauhan, at tanging Ako lamang-ang Panginoon ng sangnilikha-ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang makapagbibigay sa tao ng mga bagay na ikasisiya nila; at kanilang malalaman na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa Aking mga nilikha at nang naglaon ay kumalaban sa Akin. Ang Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto upang makamit ang mga sumusunod na resulta: upang mapahintulutan ang Aking mga nilalang na maging Aking mga saksi, upang malaman ang Aking kalooban, upang makita na Ako ang katotohanan.
mula sa “Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang layunin ng tatlong mga yugto ng gawain ay ang kaligtasan ng buong sangkatauhan-na nangangahulugang ang ganap na kaligtasan ng tao mula sa sakop ni Satanas. Bagaman ang bawa't isa sa tatlong mga yugto ng gawain ay may ibang layunin at kabuluhan, ang bawa't isa ay bahagi ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at ito ay naiibang gawain ng pagliligtas na isinasakatuparan ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan.
…………
Kapag ang buong pamamahala ng Diyos ay malapit na sa katapusan, uuriin ng Diyos ang lahat ng bagay ayon sa uri. Ang tao ay ginawa ng mga kamay ng Maylalang, at sa katapusan dapat Niyang ganap na ibalik ang tao sa ilalim ng Kanyang dominyon; ito ang konklusyon ng tatlong mga yugto ng gawain. …
… Kapag ang tatlong mga yugto ng gawain ay dumating sa katapusan, magkakaroon ng isang pangkat niyaong mga nagdadala ng patotoo sa Diyos, isang pangkat niyaong mga nakakakilala sa Diyos. Ang mga taong ito ay makikilala ang Diyos at makakayang isagawa ang katotohanan. Magtataglay sila ng pagkatao at katinuan, at malalaman lahat ang tatlong mga yugto ng gawain ng pagliligtas ng Diyos. Ito ang gawain na matutupad sa katapusan, at ang mga taong ito ay ang pagbubuu-buo ng gawain ng 6,000 taon ng pamamahala, at ang pinakamakapangyarihang patotoo sa sukdulang pagkatalo ni Satanas.
mula sa “Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa araw na ito ay una muna nating ibubuod ang mga saloobin ng Diyos, mga ideya, at ang bawat galaw buhat nang likhain ang mga tao, at upang matingnan kung anong gawain ang Kanyang isinakatuparan mula sa paglikha ng mundo hanggang sa opisyal na nagsimula ang Kapanahunan ng Biyaya. Madidiskubre natin pagkatapos kung alin sa mga saloobin at mga ideya ng Diyos ang hindi nalalaman ng tao, at mula roon ay mabibigyang-linaw natin ang pagkakasunod-sunod ng plano sa pamamahala ng Diyos, at ganap na maintindihan ang nilalaman kung saan nilikha ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala, ang pinagmulan at ang proseso ng pag-unlad nito, at gayundin lubusang maintindihan kung anong mga resulta ang Kanyang nais mula sa Kanyang gawaing pamamahala—iyon ay, ang pinakasentro at ang layunin ng Kanyang gawaing pamamahala. Upang maitindihan ang mga bagay na ito kailangan nating bumalik sa isang malayo, payapa at tahimik na panahon nang wala pa ang mga tao …
Noong ang Diyos ay bumangon mula sa Kanyang higaan, ang una Niyang iniisip ay ito: upang lumikha ng isang buhay na tao, isang tunay, na buhay na tao—yaong makakasalamuha at Kanyang madalas na makakasama. Ang taong ito ay maaaring makinig sa Kanya, at maaaring pagtiwalaan ng Diyos at maaaring makipag-usap sa kanya. Sa gayon, sa unang pagkakataon, ang Diyos ay kumuha ng isang dakot na lupa at ginamit ito upang likhain ang kauna-unahang buhay na tao na Kanyang inisip, at pagkatapos ang buhay na nilalang na ito ay binigyan Niya ng isang pangalan—Adan. Sa sandaling nakamit ng Diyos ang buhay at humihingang taong ito, ano ang Kanyang nadama? Sa unang pagkakataon, nakaramdam Siya ng kagalakan sa pagkakaroon ng isang minamahal, ng isang makakasama. Naramdaman din Niya sa unang pagkakataon ang pananagutan ng pagiging isang ama at ang pagmamalasakit na kaagapay nito. Ang buhay at humihingang taong ito ay nakapagdulot ng kasiyahan at kagalakan sa Diyos; naginhawaan Siya sa unang pagkakataon. Ito ang unang bagay na kailanman ay ginawa ng Diyos na hindi naisakatuparan gamit ang Kanyang mga saloobin o maging ng mga salita, ngunit nagawa gamit ang Kanyang sariling dalawang kamay. Kapag ang uri ng nilalang na ito—isang buhay at humihingang tao—ay tumayo sa harap ng Diyos, gawa sa laman at sa dugo, na may katawan at anyo, at nagagawang makipag-usap sa Diyos, nakaranas Siya ng isang uri ng kagalakan na hindi pa Niya nadama noong una. Tunay Niyang nadama ang Kanyang pananagutan at ang buhay na nilalang na ito hindi lamang may hatak sa kanyang puso, ngunit ang bawat kanyang maliit na galaw ay nakakaantig din sa Kanya at nagpapasigla sa Kanyang puso. Kaya kapag ang buhay na nilalang na ito ay tumatayo sa harapan ng Diyos, ito ang unang pagkakataon na inisip Niya na magkamit ng mas maraming mga tao na kagaya nito. Ito ang magkakasunod na mga pangyayari na nagsimula sa unang saloobing ito ng Diyos. Para sa Diyos, ang lahat ng mga pangyayaring ito ay nagaganap sa unang pagkakataon, ngunit sa unang mga pangyayaring ito, maging anuman ang Kanyang nadama noon—kagalakan, pananagutan, pagmamalasakit—wala Siyang mababahaginan na sinuman. Simula sa sandaling iyon, tunay na nadama ng Diyos ang isang kalumbayan at isang kalungkutan na hindi pa Niya nadama noong una. Nadama Niya na hindi matatanggap o mauunawaan ng mga tao ang Kanyang pagmamahal at pagmamalasakit, o ang Kanyang mga layunin sa mga tao, kaya nakaramdam pa rin Siya ng kalungkutan at hapdi sa Kanyang puso. Bagamat ginawa Niya ang mga bagay na ito para sa tao, walang malay ang tao ukol rito at hindi naiintindihan. Maliban sa kaligayahan, ang kagalakan at kaaliwan na idinulot ng tao sa Kanya ay mabilis na nakasama nito ang Kanyang unang mga pagkaramdam ng kalumbayan at kalungkutan. Yaon ang mga saloobin at mga damdamin ng Diyos sa panahong iyon. Habang ginagawa ng Diyos ang lahat ng mga bagay na ito, sa Kanyang puso napunta Siya mula sa kagalakan patungo sa kalumbayan at mula sa kalumbayan patungo sa pagdurusa, lahat ay may kahalong bagabag. Ang gusto Niyang gawin ay mabilis na hayaan ang taong ito, ang sangkatauhang ito na malaman kung ano ang nasa Kanyang puso at kaagad na maintindihan ang Kanyang mga saloobin. Sa gayon, sila ay magiging Kanyang mga tagasunod at maging kaayon Niya. Hindi na sila makikinig sa pagsasalita ng Diyos ngunit mananatiling walang kibo; hindi na sila magiging walang malay sa kung paano ang pagsama sa Diyos sa Kanyang gawain; sa ibabaw ng lahat, hindi na sila magiging mga taong nagwawalang-bahala sa mga kinakailangan ng Diyos. Ang unang mga bagay na ito na binuo ng Diyos ay totoong makabuluhan at nagtataglay ng malaking kahalagahan para sa Kanyang plano sa pamamahala at para sa mga tao sa araw na ito.
Pagkatapos likhain ang lahat ng mga bagay at mga tao, ang Diyos ay hindi nagpahinga. Hindi Siya makapaghintay na ipatupad ang Kanyang pamamahala, ni hindi Siya makapaghintay na makamit ang mga taong mahal na mahal Niya sa gitna ng sangkatauhan.
…………
… Nakikita ng Diyos ang halimbawang ito sa pamamahala ng sangkatauhan, sa pagliligtas sa mga tao, bilang higit na mahalaga kaysa anupaman. Ginagawa Niya ang mga bagay na ito hindi lamang sa Kanyang isip, o hindi lamang sa Kanyang mga salita, at sadyang hindi Niya isinasagawa ito nang basta-basta—ginagawa Niya ang lahat ng mga bagay na ito ayon sa isang plano, ayon sa isang layunin, ayon sa mga panuntunan, at ayon sa Kanyang kalooban. Maliwanag na ang gawaing ito na mailigtas ang mga tao ay nagtataglay ng malaking kahalagahan kapwa sa Diyos at sa tao. Kahit na gaano kahirap ang gawain, gaano man kalaki ang mga hadlang, gaano man kahihina ang mga tao, o gaano man kalalim ang suwail ng tao, wala sa mga ito ang mahirap para sa Diyos. Pinananatiling abala ng Diyos ang Sarili Niya, ginugugol ang Kanyang napakaingat na pagsisikap at pinamamahalaan ang gawain na Siya Mismo ay gustong ipatupad. Isinasaayos din Niya ang lahat, at pinamamahalaan ang lahat ng mga tao at ang gawain na nais Niyang makumpleto—wala sa mga ito ang ginawa noong una. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang mga pamamaraang ito at nagbayad ng isang malaking halaga para sa proyektong ito sa pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan. Habang ipinatutupad ng Diyos ang gawaing ito, unti-unti Niyang ipinahahayag sa mga tao nang walang pag-aatubili ang Kanyang mahirap na gawain, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan, at ang bawat aspeto ng Kanyang disposisyon. Walang pasubali Niyang ibinubunyag ang lahat ng ito sa sangkatauhan nang paunti-unti, ibinubunyag at ipinapahayag ang mga bagay na ito sa paraang hindi Niya kailanman ginawa noong una. Kaya, sa buong daigdig, maliban sa mga taong nilalayon ng Diyos na pamahalaan at iligtas, walang mga nilalang ang kailanman ay naging malapit sa Diyos, na may gayong katalik na kaugnayan sa Kanya. Sa Kanyang puso, ang sangkatauhan na ito na nais Niyang pamahalaan at iligtas ang pinakamahalaga, at pinahahalagahan Niya ang sangkatauhang ito sa ibabaw ng lahat; kahit na nagbayad Siya ng napakalaking halaga para rito, at kahit na patuloy Siyang sinasaktan at sinusuway ng mga ito, hindi Siya sumuko sa mga ito at nagpapatuloy nang walang kapaguran sa Kanyang gawain, nang walang reklamo o pagsisisi. Ito ay dahil nalalaman Niyang sa malaot-madali, ang mga tao ay magigising isang araw sa Kanyang panawagan at maaantig sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, makikilala na Siya ang Panginoon ng paglikha, at magbabalik sa Kanyang panig …
mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ganyan ang pamamahala ng Diyos: upang ipasa ang sangkatauhan kay Satanas-isang sangkatauhan na hindi kilala kung ano ang Diyos, kung ano ang Lumikha, kung paano sambahin ang Diyos, at kung bakit kinakailangang magpasakop sa Diyos-at bigyang-kalayaan ang katiwalian ni Satanas. Isa-isang hakbang, binabawi ng Diyos pagkatapos ang tao mula sa mga kamay ni Satanas, hanggang ang tao ay ganap na sumasamba sa Diyos at tinatanggihan si Satanas. Ito ang pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng ito ay may himig na tila isang kathang-isip na kuwento; at ito ay tila nakalilito. Nararamdaman ng mga tao na ito ay tila isang kathang-isip na kuwento, at iyon ay dahil wala silang pahiwatig kung gaano katindi ang nangyari sa tao sa nakalipas na ilang libong taon, mas lalo nang hindi nila alam kung ilang kuwento ang nangyari sa kalawakan ng sansinukob na ito. At karagdagan dito, iyon ay dahil hindi nila mapahalagahan ang mas kahanga-hanga, mas nakapagsasanhi-ng-takot na mundong umiiral sa kabila ng materyal na mundo, nguni't kung saan pinipigilan sila ng kanilang mortal na mata na makita. Pakiramdam dito ay hindi maaabot ng tao, at iyon ay dahil ang tao ay walang pagkaunawa sa kabuluhan ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan at kabuluhan ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at hindi naaabot kung paano sukdulang ninanais ng Diyos na ang sangkatauhan ay maging ganoon. Ito ba ay isang sangkatauhang katulad kina Adan at Eba, na di-magawang tiwali ni Satanas? Hindi! Ang pamamahala ng Diyos ay upang makamtan ang isang pangkat ng mga tao na sumasamba sa Diyos at nagpapasakop sa Kanya. Ang sangkatauhang ito ay ginawang tiwali ni Satanas, nguni't hindi na nakikita si Satanas bilang kanyang ama; nakikilala niya ang pangit na mukha ni Satanas, at tinatanggihan ito, at lumalapit sa harap ng Diyos upang tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Alam niya kung ano ang pangit, at kung gaano ito kasalungat ng kung ano ang banal, at kinikilala niya ang kadakilaan ng Diyos at ang kasamaan ni Satanas. Ang sangkatauhang tulad nito ay hindi na maglilingkod kay Satanas, o sasamba kay Satanas, o idadambana si Satanas. Iyon ay dahil sila ay isang pangkat ng mga tao na tunay na nakamit ng Diyos. Ito ang kahalagahan ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan. …
…………
Ang pag-ibig at habag ng Diyos ay nanunuot sa bawa’t kaliit-liitang himaymay ng Kanyang gawaing pamamahala, at hindi alintana kung makakaya mang maunawaan ng mga tao ang mga mabubuting intensyon ng Diyos, Siya ay wala pa ring kapagurang gumagawa ng gawaing ninanais Niyang tuparin. Walang pagsasaalang-alang sa kung gaano nauunawaan ng mga tao ang pamamahala ng Diyos, ang mga pakinabang at tulong ng gawaing ginawa ng Diyos ay maaaring mapahalagahan ng bawa’t isa. Marahil, ngayon, hindi mo pa nadama ang alinman sa pag-ibig o buhay na ipinagkaloob ng Diyos, nguni’t hangga’t hindi mo tinatalikuran ang Diyos, at hindi sumusuko sa iyong determinasyong hanapin ang katotohanan, kung gayon palaging magkakaroon ng araw kung kailan mabubunyag sa iyo ang ngiti ng Diyos. Dahil ang layunin ng gawain ng pamamahala ng Diyos ay upang bawiin ang sangkatauhang nasa ilalim ng sakop ni Satanas, hindi upang talikuran ang sangkatauhang nagáwáng tiwali ni Satanas at lumalaban sa Diyos.
mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kahit pa ano ang ginagawa ng Diyos o ang paraan na ginagamit Niya para gawin ito, kahit pa ano ang halaga, o ang Kanyang layunin, ang layunin ng Kanyang mga kilos ay hindi nagbabago. Ang Kanyang layunin ay ang ipasok sa tao ang mga salita ng Diyos, mga kahilingan ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos para sa tao; sa madaling salita, ito ay upang ipasok sa tao ang lahat ng pinaniniwalaan ng Diyos na positibo at alinsunod sa Kanyang mga hakbang, na nagbibigay sa tao ng pang-unawa sa puso ng Diyos at pag-intindi sa diwa ng Diyos, at nagpapahintulot sa kanya upang sundin ang dakilang kapangyarihan at kaayusan ng Diyos, at sa gayon ay nagbibigay-daan sa tao upang matamo ang takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan-ang lahat ng ito ay isang aspeto ng layunin ng Diyos sa lahat ng Kanyang ginagawa. Ang isa pang aspeto ay, dahil si Satanas ay ang kabaligtaran at nagsisilbing gamit sa gawain ng Diyos, ang tao ay madalas na ibinibigay kay Satanas; paraan ito na ginagamit ng Diyos upang ipakita sa mga tao ang mga kasamaan, kapangitan, at pagiging kasuklam-suklam ni Satanas sa gitna ng pagtutukso at paglusob ni Satanas, na nagiging dahilan upang kamuhian ng mga tao si Satanas upang magawang malaman at makilala ang mga bagay na negatibo. Ang prosesong ito ay nagbibigay-daan sa kanila upang unti-unting palayain ang kanilang mga sarili mula sa pamamahala ni Satanas, at mula sa mga paratang ni Satanas, pagkagambala, at paglusob-hanggang sa, salamat sa mga salita ng Diyos, ang kanilang kaalaman at pagsunod sa Diyos, at ang kanilang pananampalataya sa Diyos at takot sa Kanya, mapagtagumpayan nila ang mga paratang ni Satanas; doon lamang sila ganap na maiaadya mula sa dominyon ni Satanas. Ang paglaya ng mga tao ay nangangahulugan na si Satanas ay natalo, ito ay nangangahulugan na hindi na sila pagkain sa bibig ni Satanas-na sa halip na lunukin sila, pinakawalan sila ni Satanas. Ito ay dahil ang mga taong ito ay matuwid, dahil mayroon silang pananampalataya, pagkamasunurin, at takot sa Diyos, at dahil tuluyan silang humihiwalay kay Satanas. Nagdadala sila ng kahihiyan kay Satanas, ginagawa nilang duwag si Satanas, at tuluyan nilang tinatalo si Satanas. Ang kanilang paniniwala sa pagsunod sa Diyos, at ang pagsunod at takot nila sa Diyos ang tumalo kay Satanas, at nagiging dahilan kung bakit ganap silang isinuko ni Satanas. Tanging ang mga taong tulad ng mga ito ang mga tunay na nakamtan ng Diyos, at ito ang tunay na layunin ng Diyos sa pagligtas sa mga tao.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pamamahala sa tao ay Aking tungkulin, at ang pagsakop Ko sa kanya ay mas lalo pang nakatalaga mula noong Aking nilikha ang mundo. Hindi alam ng mga tao na sila ay lubusan Kong lulupigin sa mga huling araw, hindi rin nila alam na ang katibayan sa aking pagdaig kay Satanas ay ang paglupig sa mga suwail na kaanib ng sangkatauhan. Ngunit naiparating Ko na sa Aking katunggali nang ito ay nakipagbuno sa Akin na Ako ang magiging manlulupig ng mga taong kinuha ni Satanas at matagal nang naging kanyang mga anak, at ang kanyang mga tapat na mga lingkod na nagbabantay sa kanyang tahanan. … Ang sangkatauhan, na noon pa man ay nayurakan na sa ilalim ng mga paa ni Satanas, ay kumikilos nang naaayon sa anyo ni Satanas-naging mismong larawan pa nito. Sila ang katibayan ng pagiging "malakas at malinaw na saksi," ni Satanas. Ang gayong sangkatauhan, ang gayong mga latak, o ang gayong mga supling nitong tiwaling pamilya ng tao, paano sila makapagpapatotoo sa Diyos? Saan manggagaling ang Aking kaluwalhatian? Nasaan ang Aking saksi? Ang kaaway na naninindigan laban sa Akin at ginagawang tiwali ang sanagkatauhan ay naparumi na ang sangkatauhan, ang Aking likha, nag-uumapaw sa Aking kaluwalhatian at Aking pagsasabuhay. Ninakaw nito ang Aking kaluwalhatian, at ang ipinuno nito sa tao ay walang iba kundi lason na nahahaluang maigi ng kapangitan ni Satanas at ang katas mula sa bunga ng puno ng pagkaalam ng mabuti at masama. … Babawiin Ko ang Aking kaluwalhatian, babawiin ang Aking patotoo sa mga tao at ang lahat na dati Kong pag aari, na Aking ibinigay sa sangkatauhan matagal na panahon na ang nakalilipas-lubusang lulupigin ang sangkatauhan. Ngunit dapat mong malaman, ang mga taong Aking nilikha ay mga banal na tao kasama ng Aking sariling anyo at Aking kaluwalhatian. Sila ay hindi dating kay Satanas, o sumailalim sa kanyang pang-aapak, ngunit lubos na ang Aking pagpapahayag, wala ni katiting na bakas ng lason. Kaya, hahayaan Kong malaman ng lahat na ang nais Ko lamang ay iyong nilikha ng Aking kamay, Aking minamahal na mga walang bahid na hindi kailanman kabilang sa kahit na anumang nilikha. Gayundin, Ako ay masisiyahan sa kanila at titingnan sila bilang Aking kaluwalhatian. Ngunit, ang Aking nais ay hindi ang sangkatauhan na pinasama ni Satanas, pag-aari ni Satanas ngayon, na hindi Ko na orihinal na nilikha. Dahil nais Kong bawiin ang Aking kaluwalhatian sa mundo ng mga tao, Aking lubos na lulupigin ang natitirang mga nakaligtas na sangkatauhan, bilang patunay ng Aking kaluwalhatian sa Aking tagumpay laban kay Satanas. Ginagamit Ko lamang ang Aking patotoo bilang kalinawan, bilang layunin ng Aking kagalakan. Ang gayon ay ang Aking layunin.
mula sa “Ang Kahulugan ng Tunay na Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at inilagay sila sa lupa, na Kanyang pinangunahan hanggang sa araw na ito. Pagkatapos ay iniligtas Niya ang sangkatauhan at nagsilbi bilang isang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Sa katapusan ay kailangan pa rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, iligtas nang buo ang sangkatauhan at ibalik sila sa kanilang orihinal na wangis. Ito ang gawain na Kanyang pinag-aabalahan mula sa simula hanggang sa katapusan—ang pagpapanumbalik sa tao sa kanyang dating larawan at sa kanyang orihinal na wangis. Itatatag Niya ang Kanyang kaharian at ibabalik ang orihinal na wangis ng tao, ibig sabihin na ibabalik Niya ang Kanyang awtoridad sa ibabaw ng lupa at ibabalik ang Kanyang awtoridad sa gitna ng buong sangnilikha. Naiwala ng tao ang kanyang pusong takot sa Diyos matapos na gawing tiwali ni Satanas at naiwala ang tungkulin na dapat mataglay ng isa sa mga nilalang ng Diyos, at naging isang kaaway na suwail sa Diyos. Namuhay ang tao sa ilalim ng sakop ni Satanas at sumunod sa mga utos ni Satanas; kaya, walang paraan ang Diyos na kumilos sa gitna ng Kanyang mga nilikha, at lalo pang hindi nagawang makamit ang takot mula sa Kanyang mga nilikha. Ang tao ay nilalang ng Diyos, at kinakailangang sumamba sa Diyos, nguni’t ang tao ay tunay na tumalikod sa Diyos at sumamba kay Satanas. Naging idolo si Satanas sa puso ng tao. Kaya naiwala ng Diyos ang Kanyang katayuan sa puso ng tao, na ibig sabihin ay naiwala Niya ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao, kaya’t upang ibalik ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao ay dapat Niyang ibalik ang tao sa orihinal nitong wangis at alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon. Upang mabawi ang tao mula kay Satanas, kailangan Niyang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging sa ganitong paraan maaari Niyang unti-unting ibalik ang orihinal na wangis ng tao at ibalik ang orihinal na tungkulin ng tao, at sa katapusan ay mapanumbalik ang Kanyang kaharian. Ang kahuli-hulihang pagkawasak niyaong mga anak ng pagsuway ay isasakatuparan din upang tulutan ang tao na sambahin ang Diyos nang mas mabuti at mamuhay sa mundong ibabaw nang mas maayos. Yamang nilalang ng Diyos ang tao, gagawin Niyang sambahin Siya ng tao; dahil ibig Niyang ibalik ang orihinal na tungkulin ng tao, panunumbalikin Niya itong lubos, at nang walang anumang halo. Ang kahulugan ng pagpapanumbalik ng Kanyang awtoridad ay ang gawin ang tao na sambahin Siya at gawin ang tao na sumunod sa Kanya; ang ibig sabihin nito ay gagawin Niya na ang tao ay nabubuhay dahil sa Kanya at gagawin na mamatay ang Kanyang mga kaaway dahil sa Kanyang awtoridad; ito ay nangangahulugan na gagawin Niya ang bawa’t huling bahagi Niya na manatili sa gitna ng sangkatauhan at nang walang anumang pagtutol ng tao. Ang kaharian na ninanais Niyang maitatag ay ang Kanyang sariling kaharian. Ang sangkatauhan na inaasam Niya ay isa na sumasamba sa Kanya, isa na ganap na sumusunod sa Kanya at mayroong Kanyang kaluwalhatian. Kung hindi Niya ililigtas ang tiwaling sangkatauhan, ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao ay mauuwi sa wala; mawawalan Siya ng awtoridad sa tao, at ang Kanyang kaharian ay hindi na magagawang umiral sa ibabaw ng lupa. Kung hindi Niya wawasakin ang mga kaaway na iyon na hindi masunurin sa Kanya, hindi Niya makukuha ang Kanyang ganap na kaluwalhatian, at hindi rin Niya maaaring itatag ang Kanyang kaharian sa ibabaw ng lupa. Ito ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang gawain at ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang dakilang pagsasakatuparan: upang lubos na wasakin yaong mga nasa gitna ng sangkatauhan na hindi sumusunod sa Kanya, at upang dalhin yaong mga nagáwáng ganap tungo sa kapahingahan. Kapag ang sangkatauhan ay naibalik na sa kanilang orihinal na wangis, kapag nakakaya nang tuparin ng sangkatauhan ang kani-kanilang mga tungkulin, napapanatili ang kanilang sariling lugar at nasusunod ang lahat ng mga pagsasaayos ng Diyos, ang Diyos ay nakatamo ng isang grupo ng mga tao sa ibabaw ng lupa na sumasamba sa Kanya, at naitatag na rin Niya ang isang kaharian sa ibabaw ng lupa na sumasamba sa Kanya. Siya ay magkakaroon ng walang-hanggang tagumpay sa ibabaw ng lupa, at yaong mga salungat sa Kanya ay malilipol magpasawalang-hanggan. Mapanunumbalik nito ang Kanyang orihinal na layunin sa paglikha sa tao; mapanunumbalik nito ang Kanyang layunin sa paglikha ng lahat ng mga bagay, at ito rin ang magpapanumbalik ng Kanyang awtoridad sa ibabaw ng lupa, ng Kanyang awtoridad sa gitna ng lahat ng mga bagay at ng Kanyang awtoridad sa gitna ng Kanyang mga kaaway. Ang mga ito ang mga simbolo ng Kanyang kabuuang tagumpay. Simula roon ang sangkatauhan ay papasok sa kapahingahan at papasok sa isang buhay na sumusunod sa tamang landas. Ang Diyos ay papasok din sa walang-hanggang kapahingahan kasama ang tao at papasok sa isang buhay na walang-hanggan na pagsasaluhan ng Diyos at tao. Ang karumihan at pagsuway sa lupa ay mawawala, at gayundin ang pananaghoy sa ibabaw ng lupa. Ang lahat ng sumasalungat sa Diyos sa ibabaw ng lupa ay hindi na iiral. Tanging ang Diyos at yaong mga tao na Kanyang nailigtas ang mananatili; ang Kanyang nilikha lamang ang mananatili.
mula sa “Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Matapos Niyang isagawa ang Kanyang 6,000 taon ng gawain hanggang sa kasalukuyan, naibunyag na ng Diyos ang marami Niyang pagkilos, una sa lahat upang matalo si Satanas at mailigtas ang buong sangkatauhan. Ginagamit Niya ang pagkakataong ito upang pahintulutan ang lahat sa langit, ang lahat sa lupa, ang lahat ng nasasakop ng mga dagat gayundin ang lahat ng bagay sa lupa na nilikha ng Diyos na makita ang Kanyang pagka-makapangyarihan at upang makita ang lahat ng mga pagkilos ng Diyos. Sinusunggaban Niya ang pagkakataong talunin si Satanas upang ibunyag ang lahat ng Kanyang pagkilos sa sangkatauhan at pahintulutan ang mga tao na Siya ay sambahin at purihin ang Kanyang karunungan sa pagtalo kay Satanas. Ang lahat ng nasa lupa, sa langit at napapaloob sa karagatan ay nagbibigay sa Kanya ng kaluwalhatian, pinupuri ang Kanyang pagka-makapangyarihan, pinupuri ang lahat ng Kanyang mga pagkilos at isinisigaw ang Kanyang banal na pangalan. Ito ay patunay ng pagtalo Niya kay Satanas; ito ang patunay ng paglupig Niya kay Satanas; mas mahalaga, ito ay patunay ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan. Ang buong nilikha ng Diyos ay nagbibigay sa Kanya ng kaluwalhatian, pinupuri Siya sa pagtalo sa Kanyang kaaway at matagumpay na pagbabalik at pinupuri Siya bilang dakilang matagumpay na Hari. Ang Kanyang layunin ay hindi lamang upang talunin si Satanas, kaya ang gawain Niya ay nakapagpatuloy sa loob ng 6,000 taon. Ginamit Niya ang pagkatalo ni Satanas upang iligtas ang sangkatauhan; ginamit Niya ang pagkatalo ni Satanas upang ibunyag ang lahat ng Kanyang mga pagkilos at ibunyag ang Kanyang kaluwalhatian. Siya ay magkakamit ng kaluwalhatian, at ang pulutong ng mga anghel ay makikita rin ang Kanyang kaluwalhatian. Ang mensahero sa langit, ang mga tao sa lupa at ang lahat ng sangnilikha sa lupa ay makikita ang kaluwalhatian ng Maylalang. Ito ang gawain na Kanyang isinasagawa. Ang sangnilikha Niya sa langit at lupa ay lahat makikita ang Kanyang kaluwalhatian, at magbabalik Siya nang matagumpay matapos na lubos na talunin si Satanas at pahihintulutan ang sangkatauhan na purihin Siya. Matagumpay Niyang makakamit ang parehong aspetong ito. Sa katapusan, ang lahat ng sangkatauhan ay malulupig Niya, at Kanyang lilipulin ang sinumang lalaban o susuway, ibig sabihin, lilipulin ang lahat ng kabilang kay Satanas.
mula sa “Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang lahat ng mga tao ay kailangang maunawaan ang layunin ng Aking gawa sa daigdig, iyan ay, ang pangwakas na layunin ng Aking gawa at kung anong antas ang dapat Kong makamit sa gawaing ito bago ito maging ganap. Kung, pagkaraang maging kasama Ko hanggang sa araw na ito, ang mga tao ay hindi pa rin nauunawaan kung ano ang tungkol sa Aking gawa, kung gayon hindi ba walang kabuluhan ang pagsama nila sa Akin? Ang mga tao na sumusunod sa Akin ay dapat malaman ang Aking kalooban. Ginagawa Ko ang Aking gawain sa daigdig ng libu-libong taon, at hanggang sa araw na ito ay ginagawa Ko pa rin ang Aking gawain sa paraang ito. Bagaman may maraming mga pambihirang bagay na kabilang sa Aking gawa, ang layunin ng gawaing ito ay nanatiling hindi nagbabago; tulad lang ng, bilang halimbawa, kahit na Ako ay puno ng paghatol at pagkastigo sa tao, ang Aking ginagawa ay alang-alang pa rin sa pagliligtas sa kanya, at alang-alang sa mas mainam na pagpapalaganap ng Aking ebanghelyo at pagpapalawak pa ng Aking gawain sa lahat ng mga bansang Gentil, kapag ang tao ay nagawa nang ganap. … Sa pangwakas na kapanahunang ito, maitataas ang Aking pangalan sa mga bansang Gentil, na maging sanhi para makita ng mga Gentil ang Aking mga gawa, na maaari nila Akong tawaging ang Makapangyarihan sa lahat dahil sa Aking mga gawa, at magawa ito upang ang Aking mga salita ay maaaring malapit nang matupad. Gagawin Kong malaman ng lahat ng tao na hindi lamang Ako ang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos rin ng lahat ng mga bansa ng mga Gentil, kahit na iyong Aking isinumpa. Hahayaan Ko na makita ng lahat ng tao na Ako ang Diyos ng buong sangnilikha. Ito ang Aking pinakadakilang gawa, ang layunin ng Aking plano ng paggawa para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na dapat matupad sa mga huling araw.
mula sa “Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo Ay ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento