Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkakatawang-tao ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkakatawang-tao ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Agosto 7, 2019

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Paano Makilala ang Diyos sa Lupa" (Salita ng Buhay)


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Paano Makilala ang Diyos sa Lupa" (Salita ng Buhay)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ipinagpalagay ninyo ang mga gawa ni Cristo mula sa pananaw ng di-matuwid at tinatasahan ang lahat ng Kanyang mga gawa, at Kanyang pagkakakilanlan at diwa mula sa perspektibo ng masama. Nakagawa kayo ng malubhang pagkakamali at nagawa ninyo ang hindi nagawa ng mga nauna sa inyo. Iyon ay, pinaglilingkuran lang ninyo ang matayog na Diyos na nasa langit na may korona sa Kanyang ulo at hindi kailanman pinaglingkuran ang Diyos na ipinapalagay na napaka-walang-halaga kaya ni hindi ninyo dapat makita. Hindi ba ito inyong pagkakasala? Hindi ba ito tipikal na halimbawa ng inyong pagkakasala sa disposisyon ng Diyos? Sinasamba ninyo ang Diyos na nasa langit. Sinasamba ninyo ang mga matatayog na imahe at pinahahalagahan yaong mga kinikilalang may kahusayang magsalita. Nagagalak kang utusan ng Diyos na nagbibigay ng sandakot na kayamanan at lubos na nananabik sa Diyos na kayang tumupad ng iyong mga hangarin. Ang tanging ayaw mong sambahin ay ang Diyos na hindi matayog; ang iyong nag-iisang bagay na kinamumuhian ay ang maiugnay sa Diyos na ito na wala kahit isang tao ang lubhang pinagpipitaganan. Ang bagay lamang na hindi mo gustong gawin ay ang maglingkod sa Diyos na hindi ka man lang binigyan kahit isang kusing, at ang tanging Isang hindi ka kayang papanabikin sa Kanya ay itong di-kaibig-ibig na Diyos. Ang ganitong uri ng Diyos ay hindi kayang palawakin ang iyong abot-tanaw, para maramdaman na parang nakahanap ka ng kayamanan, lalo na ang matupad ang iyong pangarap. Bakit, kung gayon, sinusunod mo Siya? Sumagi ba sa isipan mo ang tanong na ito?"
Rekomendasyon:Pagkakatawang-tao ng Diyos

Mayo 27, 2019

Tagalog Christian Songs | Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan






Tagalog Christian Songs | Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao
sa Isang Bagong Kapanahunan

I
Winak'san ng nagkatawang-taong D'yos ang panahon
nang "ang likod lang ni Jehova ang nagpakita sa tao,"
at tinatapos ang kapanahunan ng paniniwala
sa malabong D'yos.
Gawain ng huling nagkatawang-taong D'yos
dalhin lahat ng sangkatauhan,
dalhin ang tao sa mas totoo,
mas praktikal, at mas mabuting panahon.

Mayo 23, 2019

Tagalog Christian Movies | "Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong" (Trailer)


Tagalog Christian Movies | "Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong" (Trailer)


Si Lin Bo'en ay matagal nang mangangaral na maraming dekada nang sumasampalataya sa Panginoon. Mula nang tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, siya ay nakulong, inihiwalay, at pinatalsik mula sa mga komunidad ng relihiyon ng mga pastor at mga elder, na mga puwersang anticristo. Ngunit kahit na si Lin Bo'en ay tinuligsa, hinatulan, at pinaratangan, hindi siya natakot. Sa halip, lalong tumibay ang kanyang pananampalataya, at dahil dito naunawaan niya sa wakas na ang mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig ay nagpapakitang-tao lamang. Kasabay nito, nalaman niya na tanging si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at tanging si Cristo ang makapagliligtas at makapagpapadalisay at magpeperpekto sa tao. Dahil dito, nagpasiya siyang sundin si Cristo, sumaksi para kay Cristo, at gawin ang lahat sa abot-kaya niya para hanapin ang katotohanan, hangaring baguhin ang kanyang disposisyon upang siya'y maging tunay na saksi para sa Diyos. Nang matuklasan ng Chinese Communist Party na nakalaya si Lin Bo'en mula sa bilangguan at hindi nagbago, na hindi niya itinatwa ang kanyang pananampalataya kaliit-liitang paraan at naniwala pa sa Kidlat ng Silanganan, na nagpunta siya kahit saan para magpatotoo na muling dumating ang Panginoong Jesus at na Siya ang Makapangyarihang Diyos, isinama siya ng CCP sa listahan ng mga wanted o pinaghahanap at nagpunta sa lahat ng lugar para arestuhin siya. Napilitan si Lin Bo'en na iwanan ang kanyang pamilya, at sa bawat lugar ay nagpatotoo siya sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nagawa niyang pamunuan ang maraming matatapat, mabubuting mananampalataya sa panig ng Diyos. Ang video na ito ay salaysay ng tunay na kuwento ni Lin Bo'en sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo para sa Diyos.

Malaman ang higit pa:Pagkakatawang-tao ng Diyos

Mayo 1, 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan"


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa noong mga huling araw ang lugar na pinanghahawakan ng malabong Diyos sa pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng walang katiyakang Diyos sa puso ng tao. Gamit ang Kanyang aktwal na salita at aktwal na gawa, kumilos Siya sa buong lupain, at ang gawaing Kanyang isinakatuparan kasama ng tao ay natatanging totoo at normal, nang sa gayon ang tao ay ganap na maunawaan ang katotohanan ng Diyos, at mawala nang tuluyan ang malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw."
Manood ng higit pa:gawa ng Diyos

Marso 20, 2019

The bible tagalog movies | "Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong" (Tagalog Dubbed)


The bible tagalog movies | "Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong" (Tagalog Dubbed)

Si Lin Bo'en ay matagal nang mangangaral na maraming dekada nang sumasampalataya sa Panginoon. Mula nang tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, siya ay nakulong, inihiwalay, at pinatalsik mula sa mga komunidad ng relihiyon ng mga pastor at mga elder, na mga puwersang anticristo. Ngunit kahit na si Lin Bo'en ay tinuligsa, hinatulan, at pinaratangan, hindi siya natakot. Sa halip, lalong tumibay ang kanyang pananampalataya, at dahil dito naunawaan niya sa wakas na ang mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig ay nagpapakitang-tao lamang. Kasabay nito, nalaman niya na tanging si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at tanging si Cristo ang makapagliligtas at makapagpapadalisay at magpeperpekto sa tao.

Marso 15, 2019

Tagalog Christian Music Video | “Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” (Tagalog song)


Awit ng papuri | “Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” (Tagalog song)

I
Diyos na nagkakatawang tao'y tinatawag na Cristo,
ang Cristong makapagbibigay ng katotohana'y Diyos.
Hindi kalabisang sabihin nang gayon.
Dahil angkin N'ya ang diwa ng Diyos.
Angkin N'ya ang disposisyon ng Diyos at dunong sa gawa N'ya,
na di-maabot ng tao.

Marso 11, 2019

Tagalog Praise Songs|Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Pinaka-kaibig-ibig



Tagalog Praise Songs|Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Pinaka-kaibig-ibig


 I
Matapos maging tao ang Diyos, at namuhay kasama ng tao,
nakita Niya kasamaan at kalagayan ng buhay nila.
Sa katawang-tao'y nadama Niya
ang kawalang kakayahan ng tao,
na kaawa-awa, naramdaman Niya ang kanilang kalungkutan.
Mas lalong nahabag ang Diyos sa kalagayan ng tao,
at mas mapagmalasakit sa Kanyang
mga taga-sunod dahil namuhay sa katawang-tao.

Pebrero 25, 2019

Kailangan ng Masamang Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Nagkatawang-taong Diyos



I
Diyos naging tao dahil pakay ng gawain N'ya
ay 'di espiritu ni Satanas, ni anumang 'di,
'di ng laman, pero ng tao.
Pinasama ni Satanas laman ng tao't
naging pakay ng gawain ng Diyos.

Nobyembre 18, 2018

Kanina lamang, sinabi ninyo na ang pinakahinuhulaang bagay sa Biblia ay ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Mayroong hindi bababa sa 200 bahagi ng Biblia ang nabanggit na gagawin ng Diyos ang Kanyang paghatol. Talagang totoo ito. Nakasaad pa nga ito nang mas malinaw sa 1 Pedro 4:17: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.” Parang ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling mga araw ay may kasiguraduhan. Ngunit ang inyong nasaksihan ay ang Diyos ng mga huling araw na nagkakatawang-tao para gampanan ang kanyang gawain ng paghatol. Iba ito sa aming paniniwala. Naniniwala kami na ang Panginoon sa mga huling araw ay magpapakita sa sangkatauhan at gagawa sa anyo ng espiritwal na katawan ni Jesus kasunod ng muling pagkabuhay. Ito rin ang pananaw ng karamihan sa mga relihiyosong sekta. Ang konsepto ng nagbalik na Panginoon na nagpapakita sa tao at gumagawa sa katawang-tao ay isang bagay na di pa namin nakikita, kaya maaari bang makipag-talastas ka pa sa amin.


Sagot: Magandang makita na pinagtibay ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay upang hatulan at linisin ang mga tao. Kaso nga lang hindi parin kayo malinaw sa paraan ng pagdating ng Panginoon. Iniisip ng karamihan ng mga mananampalataya na ang muling pagpapakita ng Panginoon sa sangkatauhan ay sa pamamagitan ng espiritual na katawan ni Jesus na puma-langit matapos ang muling pagkabuhay, at ang Diyos ay posibleng hindi na magkatawang-tao muli bilang Anak ng tao. Kung gayon sa papaanong paraan magpapakitang muli sa sangkatauhan ang nagbabalik na Panginoon upang gawin ang Kanyang paghatol? Sa espiritual na katawan o Diyos na nagkatawang-tao? Naging napakaimportanteng katanungan ito sa mga naniniwala sa Diyos. Ang ating patotoo sa Diyos sa pagkakatawang-tao sa mga huling araw upang gampanan ang Kanyang gawaing paghatol ay isang bagay na mayroong malinaw na propesiya sa Biblia.