Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Oktubre 30, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Alam Mo ba ang Iyong Misyon" (Tagalog song)

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Songs | Alam Mo ba ang Iyong Misyon


I
Alam mo ba ang pasanin,
ang tungkulin at ang komisyon sa iyong balikat? 
Nasaan ang iyong makasaysayang diwa ng misyon?
Paano ka magiging isang mabuting panginoon
sa susunod na kapanahunan?
Matatag ba ang 'yong diwa ng pagka-puno?
Paano mo maipapaliwanag ang panginoon ng lahat?
Ito ba ang talagang panginoon ng lahat ng nabubuhay,
o panginoon ng lahat ng materyal na mundo?
Anong plano mo sa sunod na hakbang ng gawa? 
Gaano karami ang naghihintay sa iyo na iyong papastulan?
Hindi ka ba nabibigatan sa iyong gawain?

Oktubre 29, 2018

Tanong 1: Naramdaman ko ang kalungkutan sa ating iglesia nitong mga nakaraang taon. Nawala natin ang pananampalataya at pagmamahal na taglay natin noong simula, at naging mas mahina at mas negatibo. Kahit ang mga nangangaral, hindi alam ang gagawin kung minsan, at hindi alam kung ano ang pag-uusapan. Pakiramdam nami’y nawala namin ang gawain ng Banal na Espiritu. Naghanap din kami sa lahat ng dako ng iglesia na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, pero bawat iglesiang makita nami’y kasinglungkot ng sa amin. Bakit napakaraming iglesia ang nagugutom at nalulungkot?

iglesia ang nagugutom, relihiyon
Sagot: Mahalaga ang tinanong ninyo. Alam nating lahat na nabubuhay tayo sa dulong yugto ng mga huling araw. Iprinopesiya noon ng Panginoong Jesus: “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12). Dumarami ang katampalasanan sa mundo ng relihiyon. Hindi sinusunod ng mga pinuno ng relihiyon ang mga utos ng Panginoon, sinusunod lang nila ang mga tradisyon ng tao. Ipinangangaral lang nila ang kaalaman sa biblia para magyabang at magpatotoo sa kanilang mga sarili. Hindi talaga sila nagpapatotoo sa Diyos o nagpaparangal sa Diyos, at lubos na humiwalay sa daan ng Panginoon, kaya tinatanggihan at inaalis sila ng Diyos. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nawala ng mundo ng relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu.

Oktubre 28, 2018

Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Patotoo ng isang Cristiano | Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo

Changkai    Lungsod ng Benxi, Lalawigan ng Liaoning

parusa, kawikaan ni Satanas


Ang karaniwang pariralang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos” ay isa na kung saan ako ay masyadong personal na pamilyar. Ang aking asawa at ako ay mga partikular na walang kamuwang-muwang na tao: Pagdating sa mga bagay na sangkot ang aming mga personal na pakinabang o kawalan, hindi kami yung tipo na nakikipagtalo at nag-aabala sa iba. Kung dapat kaming maging matiisin naging matiisin kami, kung dapat kaming maging matulungin ginawa rin namin ang aming makakaya upang maging matulungin. Bilang resulta, madalas naming matagpuan ang aming mga sarili na nagulangan at naabuso ng iba. Talagang tila sa buhay, “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos”—kung labis ang kabutihan sa iyong puso, kung masyado kang matulungin at mapagpakumbaba sa iyong mga gawain, ikaw ay nanganganib na maabuso.

Oktubre 27, 2018

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos

pananalig sa diyos, Karanasan, buhay, Kaalaman, Salita ng Diyos


Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagka’t ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, kung gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang ninanasa ng Diyos.

Oktubre 26, 2018

Tagalog Christian Movie | "Kumawala sa Bitag" | Attending the Wedding Feast With the Lord


2,000 taon na ang nakararaan, nang gawin ng Panginoong Jesus ang pagtubos, siniraan at tinuligsa siya ng mga relihiyosong Judio. Nakipagtulungan ang mga pinunong Judio sa gobyernong Romano at ipinako Siya sa krus. Sa mga huling araw, dumating na sa China ang Makapangyarihang Diyos—ang Panginoong Jesus sa katawang-tao—para gawin ang paghatol. Muli, matindi Siyang tinuligsa, sinupil, at inaresto sa pagkakataong ito ng gobyernong Chinese Communist at mga relihiyon. Ang laganap na mga tsismis at maling pagkaunawa na nanghusga at nanira sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay parang di-nakikitang bitag, na bumabalot at kumokontrol sa napakaraming nananalig. Naulit ang trahedya ng kasaysayan …

Oktubre 25, 2018

Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Unang Bahagi)

Tian Ying

Tandaan: Ang may-katha ay nalinlang at nagapos ng mga ideya ng “pananampalataya lamang” at “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman” na ikinalat ng mga pastor at tumanggi na makipag-ugnayan sa kapatiran na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Gayunman, hindi nagtagal nang masaksihan niya ang isang kapatid na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos sa bahay ng kaniyang nakatatandang kapatid, at sa pamamagitan ng pakikibahagi, ang may-katha ay dumating sa pagkaunawa sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at nagsimulang makita nang malinaw ang pagiging kakatwa ng mga relihiyosong paniniwala. Siya ay nakawala sa kontrol ng pastor at tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nanumbalik sa Diyos.


Oktubre 24, 2018

Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Makakamit ang Daan ng Buhay na Walang Hanggan"


Sa loob ng libu-libong taon ginusto ng mga mananampalataya sa Panginoon na makamit ang walang hanggang buhay, pero walang nakatupad sa hangaring ito. Ngayon, nalilito ka ba tungkol sa kung mayroon nga ba o walang daan ng walang hanggang buhay o nalilito ka ba tungkol sa kung paano mo hahanapin ito sa paraang makakamit mo ang daan ng walang hanggang buhay? Sasabihin sa iyo ng maikling video na ito kung paano makakamit ang daan ng walang hanggang buhay.

Rekomendasyon: 
Tagalog Bible Movie | Ang Pagsisikap ba sa Pagtatrabaho ay Nangangahulugang Sinusunod Natin ang Kalooban ng Ama sa Langit?

Oktubre 22, 2018

Ang Pagsasagawa ng Katotohanan ay Nangangailangan ng Tunay na Kabayaran

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Pagsasagawa ng Katotohanan
ay Nangangailangan ng Tunay na Kabayaran 

 I
Kung nahihirapan ka, ika'y magdasal:
"O Diyos! Nais Kitang bigyang kasiyahan,
paghihirap tinitiis, para Ika'y masiyahan,
gaano man kalaki haraping balakid.
Kahit pa ibuwis aking buhay,
bibigyan pa rin Kita ng kasiyahan."
Sa ganitong panata, 'pag nagdarasal ka,
paninindigan mo ang patotoo mo.

Oktubre 21, 2018

The Best Christian Music Video | "Kaharian ng Diyos ay Lumitaw na sa Lupa" (Tagalog Dubbed)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | The Best Christian Music Video | "Kaharian ng Diyos ay Lumitaw na sa Lupa" 

A ... a ... a ... a ... a ... a ... a ... a …
I
Ang makapangyarihang tunay na D'yos,
hari sa trono naghahari sa buong sansinukob, 
buong sansinukob, nakaharap sa lahat ng bansa't mga tao. 
Nagniningning l'walhati ng D'yos sa buong mundo.
Hanggang sa dulo ng sansinukob,
lahat ng buhay dapat makita.
Mga lawà, ilog, dagat, lupa, bundok, 
lahat ng nabubuhay nabubunyag sa liwanag
ng presensya ng tunay na D'yos, 
napanumbalik, nagising sa panaginip,
sumisibol sa lupa! 

Oktubre 20, 2018

Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga Salita para Magtatag ng Kasunduan Sa Tao

Salita ng Diyos | Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga Salita para Magtatag ng Kasunduan Sa Tao

Salita ng Diyos,Awtoridad ng Maylalang

(Gen 9:11-13) At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa. At sinabi ng Dios, Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo, at sa bawa’t kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon: Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.

Matapos Niyang Gawin ang Lahat ng mga Bagay, Nakumpirma at Muling Naipakita ang Awtoridad ng Maylalang sa Kasunduan ng Bahaghari

Oktubre 19, 2018

Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito

Ang gawain at ang salita ng Diyos ay itinalaga upang maghatid ng pagbabago sa inyong disposisyon; ang Kanyang layunin ay hindi lamang basta ipaunawa o ipakilala sa inyo ito at iyon na lamang ang maging katapusan nito. Bilang isang may kakayahang makatanggap, hindi kayo dapat mahirapan sa pag-unawa sa salita ng Diyos, sapagkat karamihan sa salita ng Diyos ay nakasulat sa wika ng tao na napakadaling maintindihan. Gaya halimbawa, malalaman ninyo kung ano ang gusto ng Diyos na maintindihan ninyo at maisagawa; ito ay isang bagay na dapat gawin ng isang wastong taong may kakayahang makaunawa. Ang sinasabi ng Diyos ngayon ay lalong maliwanag at malinaw, at nagsasabi ang Diyos ng maraming bagay na hindi naisaalang-alang ng mga tao o ang iba’t-ibang mga kalagayan ng mga tao.

Oktubre 18, 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Masama ay Dapat Parusahan" (Salita ng Buhay)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Masama ay Dapat Parusahan"

Dati, nang ang Diyos ay nasa langit, sinubukan ng tao na linlangin ang Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagkilos; ngayon, pumarito ang Diyos sa gitna ng mga tao—kung gaano katagal ay walang nakaaalam—nguni’t basta gumagawa lamang ang tao sa Diyos, sinusubukang linlangin ang Diyos. Hindi ba sukdulang paurong ang pag-iisip ng tao? Pareho ito kay Judas: Bago dumating si Jesus, nagsasabi ng mga kasinungalingan si Judas sa kanyang mga kapatid na lalaki at babae, at matapos dumating si Jesus ay hindi siya nagbago; hindi siya nagkaroon ng kahit katiting na kaalaman kay Jesus, at sa katapusan pinagkanulo niya si Jesus. Hindi ba ito dahil hindi niya kilala ang Diyos?

Oktubre 16, 2018

Ang Saloobin ni Job Tungo sa mga Pagpapala ng Diyos

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Saloobin ni Job Tungo sa mga Pagpapala ng Diyos

 I
Naniwala si Job sa kanyang puso na lahat ng pag-aari niya
ay bigay ng Diyos at hindi sa sarili niyang sikap.
Hindi niya nakita na dapat samantalahin ang mga pagpapala,
pero nanghawak sa paraang dapat n'yang sundin
bilang gabay niya sa pamumuhay.
Si Job ay hindi magulong nagsaya o nagwala sa tuwa
dahil sa mga pagpapalang kaloob ng Diyos,
ni binalewala ang paraan ng Diyos
o nilimot ang biyaya ng Diyos
dahil sa mga pagpapalang madalas niyang tinatamasa.

Oktubre 15, 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Unang Bahagi)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Unang Bahagi)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kaya ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao hanggang ang lahat ng maaari nilang isipin ay katanyagan at pakinabang na lamang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagdurusa ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, tinitiis ang kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, isinasakrispisyo ang lahat-lahat na mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at sila’y gagawa ng anumang paghatol o disisyon upang kapwa panatilihin at makamit ang katanyagan at pakinabang.

Oktubre 14, 2018

Salita ng Buhay | "Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao"


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pinagmulan ng buhay ay nanggaling sa Diyos, para sa lahat ng nilikha, anuman ang pagkakaiba sa anyo o kayarian. Anumang klase ng buhay na nilalang ka, hindi mo magagawang salungatin ang landas ng buhay na itinakda ng Diyos. Sa anumang pagkakataon, ang aking tanging hiling para sa tao ay kanyang maintindihan na kung walang pangangalaga, pag-iingat, at pagtustos ng Diyos, hindi matatanggap ng tao ang lahat ng dapat niyang matanggap, kahit gaano pa katindi ang pagsisikap o pagpupunyagi. Kung walang pagtutustos ng buhay mula sa Diyos, nawawala sa tao ang diwa ng pagpapahalaga sa buhay at nawawala ang diwa ng layunin sa buhay."

Oktubre 13, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan" (Tagalog Song)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Music Video | "Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan" (Tagalog Song)

I
Tunay na daan ay ipinapakita ng anong mga pangunahing prinsipyo? Tingnan kung Espiritu'y gumagawa, kung katotohana'y inihahayag; tingnan kung sinong pinatotohana't anong dulot nito sa'yo. Paniniwala sa Diyos ay sa Espiritu din. Pananalig sa naging-taong Diyos ay pananalig na Siyang kumakatawan sa Espiritu ng Diyos, Siyang Espiritu ng Diyos na kumukuha sa anyo ng katawang-tao, Siya ang Salita na ngayo'y naging katawang-tao na.

Oktubre 10, 2018

Ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw ay Upang Wakasan ang Kapanahunan

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw ay Upang Wakasan ang Kapanahunan

 I

Ang mga huling araw 'di tulad ng Kapanahunan ng Biyaya't
Kapanahunan ng Kautusan.
Ang gawain sa huling araw ay hindi ginagawa sa Israel,
kundi sa mga Hentil.
Ito'y pagsakop ng lahat ng bansa sa harap ng trono ng Diyos.
L'walhati ng Diyos pupunuin ang kalawakan.
Ipahahayag 'to sa lahat ng bansa, sa lahat ng henerasyon at,
bawa't nilalang kita l'walhating nakamit ng Diyos sa mundo.

Oktubre 9, 2018

Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan (Tagalog Song)


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Layunin ng  Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan" (Tagalog Christian Song)

Pag-ibig at awa ng Diyos
lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala
mula sa una hanggang sa huling detalye.
I
Kung nararamdaman man ng tao ang kalooban Niya o hindi,
Siya ay walang humpay na nagpapatuloy sa gawain 
na kailangan Niyang gawin
Kung naiintindihan man ng tao ang pamamahala Niya o hindi,
Ang gawain ng Diyos ay nagdudulot ng tulong 
at tustos na maaaring madama ng lahat.

Oktubre 8, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Noong ating huling pulong ay naibahagi natin ang napakahalagang paksa. Naalala ba ninyo kung ano iyon? Hayaan ninyong ulitin Ko. Ang paksa ng ating huling pagsasama ay ang: Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo. Mahalaga ba ang paksang ito para sa inyo? Aling mga bahagi ang pinakamahalaga para sa inyo? Gawain ng Diyos, Disposisyon ng Diyos, o ang Diyos Mismo? Saan kayo pinaka-interesado? Aling mga bahagi ang pinakagusto ninyong marinig? Alam Kong mahirap ito para sa inyo na sagutin ang tanong na iyan, dahil ang disposisyon ng Diyos ay makikita sa bawat aspeto ng Kanyang gawain, at ang Kanyang disposisyon ay palaging ibinubunyag sa Kanyang gawain at sa lahat ng lugar, at, sa katunayan, kumakatawan sa Diyos Mismo; sa pangkalahatang plano sa pamamahala ng Diyos, ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo ay hindi mapaghihiwalay mula sa bawat isa.

Oktubre 7, 2018

Tagalog Crosstalk "Ang Hiwaga ng Pangalan ng Diyos" | Can the Lord Be Called Jesus When He Returns?


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Crosstalk "Ang Hiwaga ng Pangalan ng Diyos" 


Sa loob ng dalawang libong taon, palaging nagdarasal at nananawagan ang mga Kristiyano sa pangalan ng Panginoong Jesus, nananalig na ang pangalan ng Diyos ay palaging magiging Jesus. Gayunman, ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag, kapitulo 3, bersikulo 12, na magkakaroon ng bagong pangalan ang Panginoon pagbalik Niya. Kaya ngayong nagbalik na ang Panginoon sa mga huling araw, matatawag pa rin ba natin siyang Jesus?

Oktubre 6, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Sa araw na ito tayo ay magpapahayag ng isang mahalagang paksa. Ito ay isang paksa na tinalakay na mula pa noong simula ng gawain ng Diyos maging hanggang ngayon, at ito ay may napakahalagang kabuluhan para sa bawat tao. Sa madaling salita, ito ay isang suliranin na haharapin ng lahat sa buong proseso ng kanilang pananampalataya sa Diyos at isang suliranin na dapat ay bigyang-pansin. Ito ay isang napakahalaga, at di-maiiwasang suliranin kung saan hindi magagawa ng sangkatauhang ihiwalay ang kanyang sarili mula rito. Kung pag-uusapan ang kahalagahan, ano ang pinakamahalagang bagay para sa bawat mananampalataya ng Diyos? Ang palagay ng ilan, ang pinakamahalagang bagay ay ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa paniniwala ng ilan ang pinakamahalaga ay ang makakain at makainom ng mas marami pang mga salita ng Diyos; sa pakiramdam naman ng iba ang pinakamahalagang bagay ay ang makilala ang kanilang mga sarili; sa iba naman ay ang opiniyon na ang pinakamahalagang bagay ay ang malaman kung paano mahahanap ang kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos, paano ang susunod sa Diyos, at paano matutupad ang kalooban ng Diyos.

Oktubre 5, 2018

Tagalog Christian Movie | "Kumakatok sa Pintuan" God Knocks at the Door of My Heart (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie | "Kumakatok sa Pintuan" 

Dalawang libong taon na ang nakararaan, iprinoposiya ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20). Sa loob ng huling dalawang libong taon, naging mapagmatyag ang mga nananampalataya sa Panginoon at hinihintay ang pagkatok Niya sa pintuan, kung ganon paano Siya tutuktok sa pintuan ng sangkatauhan sa Kanyang pagbabalik?

Oktubre 4, 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod"


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa ngayon, pormal na gagawing perpekto ng Diyos yaong mga walang relihiyosong paniwala, na handang isantabi ang kanilang dating mga sarili, at sumusunod sa Diyos sa matapat na paraan, at Kanyang gagawing perpekto yaong mga nananabik sa salita ng Diyos. Ang mga taong ito ay dapat manindigan at maglingkod sa Diyos. Sa Diyos ay naroroon ang walang-katapusang kasaganaan at walang-hangganang karunungan. Ang Kanyang kahanga-hangang gawa at mahahalagang salita ay naghihintay sa lalo pang mas maraming bilang ng mga tao upang masiyahan sa mga iyon.

Oktubre 2, 2018

Mga Prinsipyo ng Pagkilos para sa mga Mananampalataya


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Songs | Mga Prinsipyo ng Pagkilos para sa mga Mananampalataya

I
Tuwing gagawin mo ang anumang bagay,
dapat mong suriin kung tama ang iyong mga motibo.
Kung kumikilos ka sa mga paraan na hinihiling ng Diyos,
ang iyong relasyon sa Diyos ay tama.
Ito ang pinakamaliit na inaasahan ng Diyos.
Ngunit kung ang mga motibo ay mali, dapat mong talikuran,
dapat kang kumilos ayon sa salita ng Diyos
at maging isang taong tama sa harapan ng Diyos,
ginagawa ang lahat para sa Diyos, wala para sa iyong sarili.