Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na matapat. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na matapat. Ipakita ang lahat ng mga post

Oktubre 30, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Alam Mo ba ang Iyong Misyon" (Tagalog song)

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Songs | Alam Mo ba ang Iyong Misyon


I
Alam mo ba ang pasanin,
ang tungkulin at ang komisyon sa iyong balikat? 
Nasaan ang iyong makasaysayang diwa ng misyon?
Paano ka magiging isang mabuting panginoon
sa susunod na kapanahunan?
Matatag ba ang 'yong diwa ng pagka-puno?
Paano mo maipapaliwanag ang panginoon ng lahat?
Ito ba ang talagang panginoon ng lahat ng nabubuhay,
o panginoon ng lahat ng materyal na mundo?
Anong plano mo sa sunod na hakbang ng gawa? 
Gaano karami ang naghihintay sa iyo na iyong papastulan?
Hindi ka ba nabibigatan sa iyong gawain?

Enero 25, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanino Ka Matapat?

katotohanan, matapat, buhay, Biyaya, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Kanino Ka Matapat?

  
  Bawat araw na pinagdaraanan ninyo ngayon ay lubhang maselan at mahalaga sa inyong hantungan at inyong kapalaran, kaya’t dapat ninyong pakamahalin ang lahat ng inyong mga pag-aari at bawat minutong lumilipas. Maging matalino sa paggamit ng inyong panahon upang bigyan ang inyong mga sarili ng pinaka-malalaking matatamo, nang sa gayon ay hindi mawalan ng saysay ang inyong buhay. Marahil nalilito kayo kung bakit sinasabi Ko ang mga ito. Sa totoo lang, hindi Ako nalulugod sa mga ikinikilos ng sinuman sa inyo. Sapagkat ang mga inaasahan Ko para sa inyo ay hindi lamang kung ano kayo ngayon. Kaya’t maipapahayag Ko ito sa ganitong paraan: Kayong lahat ay nasa bingit ng kapahamakan. Ang inyong dating mga panaghoy para sa kaligtasan maging ang mga dating hangaring makamit ang katotohanan at hanapin ang liwanag ay nalalapit na sa katapusan. Ito ang kung paano ninyo Ako bayaran sa katapusan na hindi Ko inasam kailanman. Hindi Ko nais magsalita ng salungat sa katotohanan, sapagka’t labis ninyo Akong nabigo. Marahil hindi ninyo nais na iwanan ang bagay na ito nang ganoon na lamang o hindi ninyo nais harapin ang realidad, ngunit mataimtim Kong itatanong ito sa inyo: Sa buong panahong ito, napuno ng ano ang inyong mga puso? Kanino tapat ang inyong mga puso? Huwag ninyong sabihin na biglaan ang Aking katanungan at huwag ninyo Akong tanungin kung bakit nagtatanong Ako ng ganito. Kailangan ninyong malaman ito: Ito ay dahil labis Ko kayong kilala, pinagmalasakitan nang labis, at labis na inilaan ang Aking puso sa inyong mga ginagawa; kaya kayo’y tinatanong Ko nang paulit-ulit at tinitiis ang matinding hirap. Gayunman, Ako’y ginantihan ng pagwawalang-bahala at di-makayanang pagpayag. Sobrang mapagpabaya kayo sa Akin; paanong wala Akong nalaman tungkol dito? Kung naniniwala kayo na ito ay posible, higit itong nagpapatunay nang hindi mabuting pakikitungo ninyo sa Akin. Kung gayon, sasabihin Kong nililinlang ninyo ang inyong mga sarili. Masyado kayong tuso na hindi ninyo alam ang inyong mga ginagawa; ano kung gayon ang inyong gagamitin upang magsulit sa Akin?

Enero 24, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tatlong Babala

matapat, katotohanan, Kaalaman, paggalang, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Tatlong Babala

  Bilang isang mananampalataya ng Diyos, nararapat kayong maging tapat lamang sa Kanya at ihanay ang iyong puso sa Kanya sa lahat ng mga bagay. Gayunman, kahit naiintindihan ng lahat ang doktrinang ito, hindi sapat kumatawan ang mga ito maging gaano man ito kalinaw at naging batayan ng katotohanan para sa tao, dahil sa kanilang mga paghihirap, gaya ng kamangmangan, kahangalan, at katiwalian. Samakatuwid, bago matukoy ang inyong katapusan, nararapat lamang na sabihin ko ang ilang mga bagay na lubhang napakahalaga para sa inyo.

Enero 11, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa

katotohanan, pananampalataya sa Diyos, Kaalaman, matapat, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa


  Kayong lahat ay nagagalak na makatanggap ng gantimpala sa harap ng Diyos at makilala ng Diyos. Ito ang nais ng bawat isa pagkatapos niyang magsimulang manampalataya sa Diyos, sapagkat ang tao ay naghahangad ng mas mataas na bagay ng buong puso at wala sa kanila ang may nais mapag-iwanan ng iba. Ito ang pamamaraan ng tao. Sa ganitong katuwiran, marami sa inyo ang laging sinusubukan na makamit ang pagtangi ng Diyos na nasa langit, ngunit sa katotohanan, ang inyong katapatan at sinseridad sa Diyos ay sobrang kakaunti kumpara sa inyong katapatan at sinseridad sa sarili. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat talagang hindi Ko kinikilala ang inyong katapatan sa Diyos, at lalong hindi Ko tatanggapin ang pagkakaroon ng Diyos sa loob ng inyong mga puso. Sa madaling sabi, ang Diyos na inyong sinasamba, ang malabong Diyos na inyong hinahangaan, ay talagang hindi namalagi. Ang dahilan kung bakit nasasabi Ko ito nang tiyak ay sapagkat napakalayo pa ninyo sa tunay na Diyos. Ang katapatan ninyong taglay ay galing sa pagkakaroon ng ibang diyus-diyosan sa inyong mga puso, at para sa Akin, ang Diyos na ipinapalagay bilang malaki o maliit sa inyong mga mata, kinikilala ninyo Ako sa salita lamang. Kapag nagsasalita Ako sa inyong malaking agwat mula sa Diyos, ang tinutukoy Ko ay kung gaano kayo kalayo sa tunay na Diyos, samantalang ang malabong Diyos ay parang napakadaling abutin. Kapag sinabi Kong “hindi dakila” ang tinutukoy nito ay kung paanong ang Diyos na inyong sinasampalatayanan sa kapanahunan ngayon ay mukhang tao lang na walang makapangyarihang kakayanan; isang tao na hindi masyadong matayog. At kapag sinabi Kong “hindi maliit”, ang ibig sabihin nito ay kahit ang taong ito ay hindi kayang tawagin ang hangin at utusan ang ulan, kaya Niyang tumawag sa Espiritu ng Diyos para gumawa ng gawaing makayayanig sa langit at lupa, ito ang nakatutuliro sa tao. Sa panlabas na anyo, makikita kayong napakamasunurin sa Cristong nasa lupa, bagamat sa pinakadiwa wala kayong pananampalataya sa Kanya ni pag-ibig sa Kanya. Ang ibig Kong sabihin ay ang tunay ninyong sinasampalatayanan ay ang malabong Diyos sa inyong damdamin, at ang tunay ninyong minamahal ay ang Diyos ninyong hinahangad sa gabi at sa araw, ngunit hindi nakita ng personal kailanman. At para sa Cristong ito, ang pananampalataya ninyo ay maliit na bahagi lamang, at ang inyong pag-ibig sa Kanya ay balewala. Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay paniniwala at pagtitiwala; ang ibig sabihin ng pag-ibig ay pagsamba at ang paghanga sa puso, na kailanma’y hindi maghihiwalay. Gayunman ang inyong pananampalataya at pag-ibig kay Cristo sa panahong ito ay malayong makaabot dito. Pagdating sa pananampalataya, paano kayo sumampalataya sa Kanya? Pagdating sa pag-ibig, paano bang Siya ay minamahal ninyo? Wala kayong alam sa Kanyang disposisyon, lalong higit pa sa Kanyang sangkap, kaya’t paano kayo nagkaroon ng pananampalataya sa Kanya? Nasaan ang katotohanan ng inyong pananampalataya sa Kanya? Paano ninyo Siya minamahal? Nasaan ang inyong katotohanan sa pag-ibig sa Kanya?