Sagot: Mahalaga ang tinanong ninyo. Alam nating lahat na nabubuhay tayo sa dulong yugto ng mga huling araw. Iprinopesiya noon ng Panginoong Jesus: “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12). Dumarami ang katampalasanan sa mundo ng relihiyon. Hindi sinusunod ng mga pinuno ng relihiyon ang mga utos ng Panginoon, sinusunod lang nila ang mga tradisyon ng tao. Ipinangangaral lang nila ang kaalaman sa biblia para magyabang at magpatotoo sa kanilang mga sarili. Hindi talaga sila nagpapatotoo sa Diyos o nagpaparangal sa Diyos, at lubos na humiwalay sa daan ng Panginoon, kaya tinatanggihan at inaalis sila ng Diyos. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nawala ng mundo ng relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na iglesia ang nagugutom. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na iglesia ang nagugutom. Ipakita ang lahat ng mga post
Oktubre 29, 2018
Tanong 1: Naramdaman ko ang kalungkutan sa ating iglesia nitong mga nakaraang taon. Nawala natin ang pananampalataya at pagmamahal na taglay natin noong simula, at naging mas mahina at mas negatibo. Kahit ang mga nangangaral, hindi alam ang gagawin kung minsan, at hindi alam kung ano ang pag-uusapan. Pakiramdam nami’y nawala namin ang gawain ng Banal na Espiritu. Naghanap din kami sa lahat ng dako ng iglesia na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, pero bawat iglesiang makita nami’y kasinglungkot ng sa amin. Bakit napakaraming iglesia ang nagugutom at nalulungkot?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)