Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Unang Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kaya ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao hanggang ang lahat ng maaari nilang isipin ay katanyagan at pakinabang na lamang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagdurusa ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, tinitiis ang kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, isinasakrispisyo ang lahat-lahat na mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at sila’y gagawa ng anumang paghatol o disisyon upang kapwa panatilihin at makamit ang katanyagan at pakinabang.