Tagalog Christian Movie | "Kumakatok sa Pintuan"
Dalawang libong taon na ang nakararaan, iprinoposiya ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20). Sa loob ng huling dalawang libong taon, naging mapagmatyag ang mga nananampalataya sa Panginoon at hinihintay ang pagkatok Niya sa pintuan, kung ganon paano Siya tutuktok sa pintuan ng sangkatauhan sa Kanyang pagbabalik?
Sa mga huling araw, pinatototohanan ng ilang tao na nagbalik na ang Panginoong Jesus — ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao — at gagawin Niya ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ginimbal ng balitang ito ang buong mundo ng relihiyon. Si Yang Aiguang, ang bida ng pelikula, ay ilang dekada ng naniniwala sa Panginoon at matagal ng nakikiisa nang buong-puso sa gawain at pangangaral, naghihintay na salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Isang araw, may dumating na dalawang tao at kumatok sa pinto, sinabi nila kay Yang Aiguang at sa asawa nito na nagbalik na ang Panginoong Jesus at ibinahagi sa kanila ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Labis silang naantig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pero dahil natuklasan ni Yang Aiguang ang mga kasinungalingan, panlilinlang at paghihigpit ng mga pastor at elder, pinalayas niya sa bahay nila ang mga saksi ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos noon, ilang beses pang kumatok sa pintuan nila ang mga saksi at ibinahagi kay Yang Aiguang ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pinatotohanan nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa mga sandaling ito, paulit-ulit na ginulo at pinigil ng pastor si Yang Aiguang, at hindi nawala ang kanyang pag-aalinlangan. Ganunpaman, sa pakikinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, tuluyang naintindihan ni Yang Aiguang ang katotohanan at naunawaan ang tungkol sa mga tsismis at kasinungalingang ikinalat ng mga pastor at elder. Naiintindihan na niya sa wakas kung paano kumakatok ang Panginoon sa pintuan ng mga tao sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw, at kung paano natin Siya dapat salubungin. Nung maglaho ang hamog, narinig na ni Yang Aiguang ang tinig ng Diyos at tinanggap na talagang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento