Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II
Noong ating huling pulong ay naibahagi natin ang napakahalagang paksa. Naalala ba ninyo kung ano iyon? Hayaan ninyong ulitin Ko. Ang paksa ng ating huling pagsasama ay ang: Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo. Mahalaga ba ang paksang ito para sa inyo? Aling mga bahagi ang pinakamahalaga para sa inyo? Gawain ng Diyos, Disposisyon ng Diyos, o ang Diyos Mismo? Saan kayo pinaka-interesado? Aling mga bahagi ang pinakagusto ninyong marinig? Alam Kong mahirap ito para sa inyo na sagutin ang tanong na iyan, dahil ang disposisyon ng Diyos ay makikita sa bawat aspeto ng Kanyang gawain, at ang Kanyang disposisyon ay palaging ibinubunyag sa Kanyang gawain at sa lahat ng lugar, at, sa katunayan, kumakatawan sa Diyos Mismo; sa pangkalahatang plano sa pamamahala ng Diyos, ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo ay hindi mapaghihiwalay mula sa bawat isa.
Ang nilalaman ng ating huling pagsasama tungkol sa gawain ng Diyos ay ang mga salaysay sa Biblia na naganap matagal na panahon na ang nakalipas. Mga kuwento ang lahat ng ito tungkol sa tao at Diyos, at nangyari ang mga ito sa tao at sabay na nasali ang paglahok at pagpapahayag ng Diyos, upang ang mga kuwentong ito ay magkaroon ng partikular na halaga at kabuluhan sa pagkilala sa Diyos. Pagkatapos na pagkatapos Niyang nilikha ang sangkatauhan, nagsimulang makipag-ugnayan ang Diyos sa tao at nakipag-usap sa tao, at ang Kanyang disposisyon ay nagsimulang maipahayag sa tao. Sa ibang salita, mula sa unang pakikipag-ugnay ng Diyos sa sangkatauhan nagsimula Siyang magpakita sa tao, nang walang hinto, ang Kanyang diwa at kung anong mayroon Siya at ano Siya. Hindi alintana kung ang mga mas naunang tao o ang mga tao ng panahong ito ay nakikita o nauunawaan ito, sa madaling salita nakikipag-usap ang Diyos sa tao at gumagawa kasama ng tao, ibinubunyag ang Kanyang disposisyon at ipinapahayag ang Kanyang diwa—na isang katotohanan, at hindi maikakaila ng sinumang tao. Nangangahulugan din ito na ang disposisyon ng Diyos, diwa ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay tuluy-tuloy na lumalabas at ibinubunyag habang gumagawa at nakikipag-ugnayan Siya sa tao. Hindi Siya kailanman naglihim o nagtago ng anumang bagay mula sa tao, ngunit sa halip ay nagpapakita sa madla at inilalabas ang Kanyang sariling disposisyon nang walang pag-aatubili. Kaya, umaasa ang Diyos na kilalanin Siya ng tao at unawain ang Kanyang disposisyon at diwa. Hindi Niya nais tratuhin ng tao ang Kanyang disposisyon at diwa bilang walang hanggang mga misteryo, hindi rin Niya gustong tingnan ng sangkatauhan ang Diyos bilang isang palaisipan na hindi kailanman maaaring malutas. Kapag nakikilala ng sangkatauhan ang Diyos ay saka lamang malalaman ng tao ang daan pasulong at magagawang tanggapin ang gabay ng Diyos, at tanging ang taong tulad nito ang magagawang tunay na mabuhay sa ilalim ng dominyon ng Diyos, at mabuhay sa liwanag, kapiling ang mga biyaya ng Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento