Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "ginawa ng Diyos na magkaka-ugnay ang lahat ng bagay, kapwa pinagbuklod, at nagtutulungan. Ginamit Niya ang pamamaraang ito at ang mga patakarang ito upang mapanatili ang kaligtasan at pag-iral ng lahat ng bagay at sa ganitong paraan ang sangkatauhan ay nabuhay nang tahimik at payapa at lumago at dumami mula sa isang salinlahi hanggang sa sumunod sa kapaligirang ito hanggang sa araw na kasalukuyan.
Nobyembre 4, 2018
Nobyembre 3, 2018
Clip ng Pelikulang Kumawala sa Bitag (1) | "Paano Malalaman ang Diwa ng mga Relihiyosong Fariseo"
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Movie | "Paano Malalaman ang Diwa ng mga Relihiyosong Fariseo"
Ang mga pastor at elder ng mga relihiyon ay pawang mga tao na naglilingkod sa Diyos sa mga simbahan. Madalas silang magbasa ng Biblia at mangaral sa mga nananalig, ipinagdarasal nila ang mga ito at nagpapakita sila ng habag sa kanila, pero bakit sabi natin, mga ipokritong Fariseo sila? Lalo na sa pag-unawa nila sa pagbalik ng Panginoon, hindi lang nila hindi hinahanap o sinusuri ang anuman, kundi bagkus ay matindi nilang sinusuway at tinutuligsa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Bakit ganito?
Rekomendasyon:
Tagalog Christian Movie | "Kumawala sa Bitag" | Attending the Wedding Feast With the Lord
Nobyembre 1, 2018
Ang Ikasandaang Pagbigkas
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Ikasandaang Pagbigkas
Kinamumuhian Ko ang lahat ng hindi Ko paunang-naitálágá at pinili. Dapat Ko samakatuwid na alisin ang mga taong ito sa Aking bahay nang isa-isa, sa gayon ay magiging banal ang Aking templo at walang-bahid, ang Aking bahay ay laging magiging bago at hindi kailanman luma, ang banal Kong pangalan ay mapalalaganap magpakailanman at ang Aking banal na bayan ay siyang magiging Aking mga minamahal. Ang uri ng tagpong ito, ang uri ng bahay na ito, ang uri ng kahariang ito ang Aking layunin, ang Aking tahanan at ito ang saligan ng Aking paglikha ng lahat ng mga bagay. Walang makakaugoy o makakapagbago nito. Ako lamang Mismo at ang Aking minamahal na mga anak-na-lalaki ang magkasamang titira sa loob nito at walang sinumang hahayaang tapakan ito, walang anumang hahayaang sumakop dito at higit pa walang hindi-kanais-nais ang hahayaang mangyari kahit kailan.
Oktubre 30, 2018
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Alam Mo ba ang Iyong Misyon" (Tagalog song)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Songs | Alam Mo ba ang Iyong Misyon
I
Alam mo ba ang pasanin,
ang tungkulin at ang komisyon sa iyong balikat?
Nasaan ang iyong makasaysayang diwa ng misyon?
Paano ka magiging isang mabuting panginoon
sa susunod na kapanahunan?
Matatag ba ang 'yong diwa ng pagka-puno?
Paano mo maipapaliwanag ang panginoon ng lahat?
Ito ba ang talagang panginoon ng lahat ng nabubuhay,
o panginoon ng lahat ng materyal na mundo?
Anong plano mo sa sunod na hakbang ng gawa?
Gaano karami ang naghihintay sa iyo na iyong papastulan?
Hindi ka ba nabibigatan sa iyong gawain?
Oktubre 29, 2018
Tanong 1: Naramdaman ko ang kalungkutan sa ating iglesia nitong mga nakaraang taon. Nawala natin ang pananampalataya at pagmamahal na taglay natin noong simula, at naging mas mahina at mas negatibo. Kahit ang mga nangangaral, hindi alam ang gagawin kung minsan, at hindi alam kung ano ang pag-uusapan. Pakiramdam nami’y nawala namin ang gawain ng Banal na Espiritu. Naghanap din kami sa lahat ng dako ng iglesia na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, pero bawat iglesiang makita nami’y kasinglungkot ng sa amin. Bakit napakaraming iglesia ang nagugutom at nalulungkot?
Sagot: Mahalaga ang tinanong ninyo. Alam nating lahat na nabubuhay tayo sa dulong yugto ng mga huling araw. Iprinopesiya noon ng Panginoong Jesus: “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12). Dumarami ang katampalasanan sa mundo ng relihiyon. Hindi sinusunod ng mga pinuno ng relihiyon ang mga utos ng Panginoon, sinusunod lang nila ang mga tradisyon ng tao. Ipinangangaral lang nila ang kaalaman sa biblia para magyabang at magpatotoo sa kanilang mga sarili. Hindi talaga sila nagpapatotoo sa Diyos o nagpaparangal sa Diyos, at lubos na humiwalay sa daan ng Panginoon, kaya tinatanggihan at inaalis sila ng Diyos. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nawala ng mundo ng relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu.
Oktubre 28, 2018
Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Patotoo ng isang Cristiano | Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo
Changkai Lungsod ng Benxi, Lalawigan ng Liaoning
Ang karaniwang pariralang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos” ay isa na kung saan ako ay masyadong personal na pamilyar. Ang aking asawa at ako ay mga partikular na walang kamuwang-muwang na tao: Pagdating sa mga bagay na sangkot ang aming mga personal na pakinabang o kawalan, hindi kami yung tipo na nakikipagtalo at nag-aabala sa iba. Kung dapat kaming maging matiisin naging matiisin kami, kung dapat kaming maging matulungin ginawa rin namin ang aming makakaya upang maging matulungin. Bilang resulta, madalas naming matagpuan ang aming mga sarili na nagulangan at naabuso ng iba. Talagang tila sa buhay, “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos”—kung labis ang kabutihan sa iyong puso, kung masyado kang matulungin at mapagpakumbaba sa iyong mga gawain, ikaw ay nanganganib na maabuso.
Oktubre 27, 2018
Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos
Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagka’t ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, kung gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang ninanasa ng Diyos.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)