Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog praise and worship Songs | Purihin ang Diyos nang Buong Puso
I
Kung nais mong purihin ang Diyos,
kumanta nang malakas hangga't kaya mo.
Kung nais mong sumayaw, tumayo at sumayaw.
Kung nais mong kaini’t inumin ang mga salita ng Diyos,
kaini’t inumin ang mga ito.
Kung nais mong manalangin, manalangin ka.
Isipin ang Diyos, manalangin-magbasa at magbahagi,
magbulay, pagnilayan at hanapin ang Diyos nang higit pa.
Makulay ang buhay ng iglesia,
ang papuri ay maaaring may maraming anyo.
Sa pamumuhay sa mga salita ng Diyos araw-araw,
makikita ang kagandahan ng Diyos.
Ang pagpupuri sa Diyos ay nagpapalaya sa puso,
walang mga tuntunin o pagpipigil.
Sa totoong papuri may kasiyahan,
at kapayapaan at kagalakan.
Ang pamumuhay sa presensiya ng Diyos,
nagdudulot ng kagalakang walang kaparis,
totoong maligaya tayo.
II
Nagtipon-tipon upang matamasa ang mga salita ng Diyos,
matatamo natin ang gawain ng Banal na Espiritu.
Sa pagbabahagi sa katotohana't karanasan,
natatamasa natin mga pagpapala ng Diyos.
Ang pagsamba sa Diyos na may puso
at katapatan ay ang buhay ng kaharian.
Tayong lahat ay tao ng kaharian ng Diyos,
nagtataglay ng pusong totoong mapagmahal sa Diyos.
Sa buhay sa iglesia,
natatamasa natin ang mga salita ng Diyos
at nauunawaan ang katotohanan.
Sa pagtanggal ng kasamaan at pagiging bago,
nagpapasalamat sa Diyos at sa ating puso’y pinupuri Siya.
Sa paghatol ay nagiging dalisay tayo,
nararanasan tunay na pag-ibig ng Diyos.
Sa nakikitang kadakilaan ng kaligtasan ng Diyos,
nagpapasalamat’ nagpupuri tayo sa Diyos.
Mga kapatid, hindi madali sa ating magkatipun-tipon
upang purihin ang Diyos.
Ang masigasig na pagpigil
ng malaking pulang dragon ay lubhang mapoot.
III
Napagdusahan natin ang pag-uusig at kahirapan,
naranasang lahat na maaaring maranasan sa buhay.
Walang nakagiba sa ating paninindigan,
ito’y lubos na mula sa pag-ibig ng Diyos.
Ang maselang halagang binayad ng Diyos
para sa ating kaligtasa’y hindi masusukat.
Ang Diyos ay nabubuhay kasama natin,
nabubuhay Siyang kaagapay natin.
Itong magandang panahon,
itong magandang buhay, ito’y hindi malilimutan.
Mahal natin ang Diyos,
mahal natin ang Diyos magpakailanman,
tayo’y aawit ng papuri sa Kanya.
Mahal natin ang Diyos,
mahal natin ang Diyos magpakailanman,
tayo’y aawit ng papuri sa Kanya.
Tayo’y aawit ng papuri sa Kanya.
Tayo’y aawit ng papuri sa Kanya magpakailanman.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento