Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Nobyembre 1, 2018

Ang Ikasandaang Pagbigkas

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Ikasandaang Pagbigkas

Kinamumuhian Ko ang lahat ng hindi Ko paunang-naitálágá at pinili. Dapat Ko samakatuwid na alisin ang mga taong ito sa Aking bahay nang isa-isa, sa gayon ay magiging banal ang Aking templo at walang-bahid, ang Aking bahay ay laging magiging bago at hindi kailanman luma, ang banal Kong pangalan ay mapalalaganap magpakailanman at ang Aking banal na bayan ay siyang magiging Aking mga minamahal. Ang uri ng tagpong ito, ang uri ng bahay na ito, ang uri ng kahariang ito ang Aking layunin, ang Aking tahanan at ito ang saligan ng Aking paglikha ng lahat ng mga bagay. Walang makakaugoy o makakapagbago nito. Ako lamang Mismo at ang Aking minamahal na mga anak-na-lalaki ang magkasamang titira sa loob nito at walang sinumang hahayaang tapakan ito, walang anumang hahayaang sumakop dito at higit pa walang hindi-kanais-nais ang hahayaang mangyari kahit kailan.
Lahat ay magiging pagpupuri at pagsasaya, lahat ay magiging isang tagpo na hindi kayang maguni-guni ng tao. Ninanasà Ko lamang na iaalay ninyo ang lahat ng inyong lakas sa Akin ng inyong buong puso at kaluluwa at sa pinakamagaling ninyong kakayahan. Kung ngayon man o bukas, kung ikaw man ay isang taong naglilingkod sa Akin o isang taong nagtatamo ng mga pagpapala, dapat ninyong lahat na ibuhos ang inyong bahagi ng kalakasan para sa Aking kaharian. Ito ay isang obligasyon na dapat ganapin ng lahat ng mga taong nilalang, at ito ay dapat na magawa at maipatupad sa ganitong paraan. Aking pakikilusin ang lahat ng mga bagay upang maglingkod para sa kagandahan ng Aking kaharian para magawang laging bago, at para ang Aking bahay ay magawang nagkakasundo at nagkakaisa. Walang sinumang hinahayaang lumaban sa Akin, at sila ay dapat magdusa ng paghatol at masumpâ. Ngayon ang Aking mga sumpâ ay nagsisimulang bumagsak sa lahat ng mga bansa at lahat ng mga bayan at ang Aking mga sumpâ ay mas mahigpit pa kaysa paghatol. Ngayon ay panahon na upang simulang hatulan ang lahat ng mga tao, kaya ito ay sinasabing mga sumpâ. Ito ay sapagka’t ay ang huling kapanahunan at hindi ang panahon ng paglikha. Habang nagpapalit ang mga kapanahunan, ang bilis ng Aking gawain ay ibang-iba ngayon. Dahil sa mga pangangailangan ng Aking gawain, ang mga taong Aking kinakailangan ay iba rin; yaong mga dapat talikuran ay tatalikuran; yaong mga dapat na putulin ay puputulin; yaong mga dapat patayin ay papatayin at yaong mga dapat na iwan ay dapat na iwanan. Ito ay isang takbong hindi maiiwasan na malaya sa kalooban ng tao at walang taong maaaring magbago nito. Dapat itong magawa ayon sa Aking kalooban! Aking tinatalikuran yaong Aking mga tatalikuran at inaalis yaong Aking mga aalisin; hindi ito maaaring magawa nang basta na lamang. Iniiwan Ko yaong mga gusto Kong iwan at Aking minamahal yaong mga gusto Kong mahalin; dapat itong magawa ayon sa Aking kalooban! Hindi Ako kumikilos batay sa mga damdamin; sa Akin ay mayroon lamang pagkamatuwid, paghatol at poot—wala man lamang emosyon. Walang pantaong pagdama sa Akin, sapagka’t Ako ay ang Diyos Mismo, ang persona ng Diyos. Dahil lahat ng nakikita ng mga tao ay ang aspeto sa Akin ng Aking pagkatao at hindi nila nakita ang aspeto ng Aking pagkaDiyos. Sila ay talagang napakabulag at napakagulo!


Dapat ninyong ingatan ang Aking sinasabi sa inyo sa inyong mga puso, dapat ninyong unawain ang Aking puso sa pamamagitan ng Aking mga salita at magpakita ng pagsasaalang-alang tungo sa Aking pasanin, at sa gayon ay makikilala ang Aking pagka-makapangyarihan at makikita ang Aking persona. Sapagka’t ang Aking mga salita ay mga salita ng karunungan at walang sinuman ang nakakatarok sa mga prinsipyo o mga batas sa likod ng Aking mga salita. Iniisip ng mga tao na nagsasagawa Ako ng pandaraya at kalikuan at hindi nila Ako nakikilala sa pamamagitan ng Aking mga salita, nguni’t sa kabaligtaran sinasalangsang nila Ako. Napakabulag nila at napakamangmang! At sila ay walang anupamang pagtalos. Bawa’t pangungusap na Aking binibigkas ay may taglay na awtoridad at paghatol at walang sinumang makapagbabago sa mga iyon. Sa sandaling ang Aking mga salita ay lumalabas, ang mga bagay-bagay ay matutupad ayon sa Aking mga salita, at ito ang Aking disposisyon. Ang Aking mga salita ay awtoridad at sinupamang bumabago sa mga iyon ay lumalabag sa Aking pagkastigo at dapat Ko silang pabagsakin. Sa seryosong mga katayuan pinababagsak nila ang kanilang sariling mga buhay at napupunta sila sa Hades, o napupunta sa walang-hanggang hukay. Ito ang tanging paraan kung paano Ko pinakikitunguhan ang sangkatauhan at walang paraan ang tao para baguhin ito—ito ay Aking utos sa pangangasiwa. Tandaan ito! Walang sinumang hinahayaang lumabag sa Aking utos; dapat itong magawa ayon sa Aking kalooban! Sa nakalipas, napakaluwag Ko sa inyo at ang nakatagpo lamang ninyo ay ang Aking mga salita. Ang mga salitang Aking sinabi tungkol sa pagpapabagsak sa mga tao ay hindi pa nagaganap. Nguni’t mula ngayon, lahat ng mga sakúnâ (kaugnay ang mga ito sa Aking mga utos sa pangangasiwa) ay babagsak nang sunud-sunod upang parusahan ang lahat ng mga hindi umaayon sa Aking kalooban. Dapat ay may dumating na mga katunayan, kung hindi hindi makikita ng mga tao ang Aking poot kundi paulit-ulit na magiging masama. Ito ay isang hakbang ng Aking planong pamamahala at ito ang paraan kung paano Ko gagawin ang susunod na hakbang ng Aking gawain. Sinasabi Ko ito sa inyo nang patiuna upang maiwasan ninyong makagawa ng paglabag at magdusa ng kapahamakan magpakailanman. Ibig sabihin niyan, mula sa araw na ito gagawin Ko na ang lahat ng mga tao maliban sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki ay lumagay sa kanilang dapat kalagyan ayon sa Aking kalooban, at Akin silang kakastiguhin nang isa-isa. Hindi Ko palilibrihin ang kahit isa sa kanila. Subukan lamang ninyong muling maging masama! Subukan mo lamang na maging mapaghimagsik muli! Nasabi Ko na noong una na Ako ay matuwid sa lahat nang walang katiting mang saloobin, at ito ay nagpapakita na ang Aking disposisyon ay hindi dapat malabag. Ito ang Aking persona. Walang sinumang makapagbabago nito. Naririnig ng lahat ng mga tao ang Aking mga salita at nakikita ng lahat ng mga tao ang Aking maluwalhating mukha. Dapat Akong sundin ng lahat ng mga tao nang ganap at walang-pasubali—ito ay Aking utos sa pangangasiwa. Lahat ng mga tao sa mga kadulu-duluhan ng sansinukob ay dapat magpuri sa Akin, lumuwalhati sa Akin, sapagka’t Ako ay ang natatanging Diyos Mismo, sapagka’t Ako ang persona ng Diyos. Walang sinumang makapagbabago ng Aking mga salita at mga pagbigkas, ng Aking pananalita at galaw, dahil ang mga ito ay mga bagay na para sa Akin lamang, at yaong nataglay Ko na mula sa kawalang-hanggan at siyang iiral magpakailanman.


Ang mga tao ay nagkakandili ng hangaring subukin Ako, at nais nilang makasumpong ng isang bagay sa loob ng Aking mga salita na magagamit nila laban sa Akin, upang sa gayon ay siraan Ako. Ako ba ay sisiraan mo? Ako ba ay hahatulan nang ganung-ganon lamang? Ang Akin bang pinagkakaabalahan ay basta na lamang tinatalakay? Talagang kayo ay isang pangkat na hindi nakakaalam kung ano ang makabubuti sa inyo! Hindi man lamang ninyo Ako nakikilala! Ano ang Bundok Sion? Ano ang Aking tahanan? Ano ang mabuting lupain ng Canaan? Ano ang saligan ng sangnilikha? Bakit sa loob ng nakaraang ilang araw ay palagi Kong binabanggit ang mga salitang ito? Ang Bundok Sion, ang Aking tahanan, ang mabuting lupain ng Canaan, ang saligan ng sangnilikha ay tumutukoy lahat sa Aking persona (tumutukoy sa katawan). Iniisip ng lahat ng mga tao na ang mga iyon ay mga lugar na umiiral sa pisikal. Ang Aking persona ay Bundok Sion at siya Kong tahanan. Sinumang pumapasok sa espirituwal na mundo ay aakyat sa Bundok Sion at papasok sa Aking tahanan. Nilalang Ko ang lahat ng bagay sa loob ng Aking persona, ibig sabihin, lahat ng bagay ay nilikha sa loob ng katawan, samakatuwid ito ang saligan. Bakit Ko sinasabing babalik kayo sa katawan kasama Ko? Naririyan ang orihinal na kahulugan. Tulad lamang ng katawagang “Diyos,” ang mga pangngalang ito ay walang kahulugan sa kanilang mga sarili, bagkus ay iba’t ibang pangalan na Aking ibinibigay sa iba’t ibang lugar. Kaya huwag masyadong pansinin ang literal na kahulugan ng mga iyon, kundi pagtuunan lamang ang pagdinig sa Aking mga salita. Dapat ninyong makita ang mga iyon sa paraang ito at pagkatapos ay makakaya ninyong tarukin ang Aking kalooban. Bakit Ko ipinaaalaala sa inyo nang paulit-ulit na mayroong karunungan sa Aking mga salita? Ilan sa inyo ang nakaalam ng kahulugan sa likod nito? Lahat kayo ay nagsusuri nang pabulag at nagiging wala sa katuwiran!


Hindi pa rin ninyo nauunawaan ngayon ang karamihan sa mga bagay na nasabi Ko sa nakalipas. Nananatili kayo sa isang katayuan ng pag-aalinlangan at hindi nabibigyang-kasiyahan ang Aking puso. Sa anumang sandali na maaari kayong maging tiyak tungkol sa bawa’t pangungusap na Aking binibigkas, iyan ang sandali kung kailan ang inyong buhay ay gumulang. Para sa Akin, ang isang araw ay gaya ng isang libong taon at ang isang libong taon ay gaya ng isang araw; paano ninyo iisipin ang tungkol sa sandali na Aking sinasabi? Paano ninyo ito ipaliliwanag? Nagkakamali kayo ng pakahulugan dito! At higit pa karamihan sa mga tao ay nakikipagtalo pa rin sa Akin tungkol dito, inaasam na makakita ng isang bagay na magagamit laban sa Akin—hindi ninyo alam kung anong mabuti para sa inyo! Pababagsakin kita! Kapag dumating ang araw kung kailan ang lahat ay maliwanag na ay inyong mauunawaan nang ganap. Hindi Ko pa rin sinasabi sa inyo ngayon (ngayon ang panahon para ilantad ang mga tao at lahat ay dapat maging maingat para mabigyang-kasiyahan ang Aking kalooban). Aking ilalantad ang lahat ng mga tao sa pamamagitan ng Aking mga salita at ang kanilang orihinal na mga anyo ay ibubunyag upang ipakita kung sila ay totoo o hindi. Kung siya ay isang patutot o isang masamang babae, dapat Ko silang ilantad. Nasabi Ko na noong una na ginagawa Ko ang mga bagay-bagay nang hindi inaangat ang isang daliri at ginagamit Ko lamang ang Aking mga salita para ilantad ang mga tao. Hindi Ako natatakot sa pagkukunwari; sa sandaling ang Aking mga salita ay binigkas, kailangan mong ibunyag ang orihinal mong anyo, at gaano mo man kagaling magkunwari tiyak na maaaninag Ko ito. Ito ang panuntunan ng Aking mga gawa—paggamit lamang ng mga pagbigkas at hindi paggugol ng anupamang lakas. Nagpapakahirap ang mga tao tungkol sa kung matutupad o hindi ang Aking mga salita, nababalisa sila para sa Aking kapakanan at nag-aalala para sa Akin, nguni’t ang mga pagsisikap na ito ay hindi naman talaga kailangan at ang mga iyon ay isang halaga na hindi kailangang bayaran. Nag-aalala kayo sa Akin nguni’t ang sarili mo bang buhay ay gumulang na? At paano naman ang iyong sariling hantungan? Tanungin mo ang iyong sarili nang malimit at huwag maging pabáyâ. Dapat isaalang-alang ng lahat ng mga tao ang Aking gawain at—sa pamamagitan ng Aking mga gawa at Aking mga salita—makita ang Aking persona, makilala Ako nang higit pa, makilala ang Aking pagkamakapangyarihan, makilala ang Aking karunungan at alamin ang daan at mga pamamaraan kung paano Ko nilikha ang lahat ng mga bagay, sa gayon ay binibigyan Ako ng walang-humpay na papuri. Gagawin Ko na makita ng lahat ng mga tao kung kanino nakasalalay ang mga kamay ng Aking mga utos sa pangangasiwa, na siyang Aking ginagawa, kung ano itong Aking gustong gawin at kung ano itong gusto Kong tapusin. Ito ay isang bagay na dapat makamit ng bawa’t isang tao, dahil ito ay Aking utos sa pangangasiwa. Aking tutuparin ang Aking sinasabi. Walang sinumang dapat basta na lamang magsuri ng Aking mga salita, dapat makita ng lahat ang mga panuntunan sa likod ng Aking mga gawa sa pamamagitan ng Aking mga salita, at mula sa Aking mga salita ay makilala kung ano ang Aking poot, kung ano ang Aking sumpâ at kung ano ang Aking paghatol. Ang mga bagay na ito ay nakasalalay sa Aking mga salita at ang mga bagay na dapat makita ng bawa’t isang tao sa loob ng bawa’t isa sa Aking mga salita.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento