Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Agosto 4, 2019

Tagalog Christian Movie 2019 | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"


Tagalog Christian Movies | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"


Para kumita nang sapat para mabuhay nang maayos, talagang nagpursigi si Ding Ruilin at ang kanyang asawa na makapagbukas at magpatakbo ng isang negosyo. Ngunit, dahil sa pananamantala at pang-aabuso ng gobyernong CCP, nanatili silang lubog sa utang, at wala silang nagawa kundi mangibang-bansa para magtrabaho. Para kumita ng mas malaki, nagdalawang trabaho si Ding Ruilin. Dahil sa bigat ng kanyang trabaho at pagwawalang-bahala ng mga tao sa kanyang paligid, napagtanto niya ang sakit at kawalan ng kakayahang mabuhay para kumita. Sa gitna ng kanyang pasakit at pagkalito, nakilala niya ang kaklase niya sa high school na si Lin Zhixin. Sa kanilang mga pag-uusap, nakita ni Ding Ruilin na maraming bagay nang nauunawaan si Lin Zhixin dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos. Sa presensya ng Diyos, nadarama niya ang espirituwal na kapayapaan at kaligayahan at pahingado at maginhawa ang kanyang buhay, kaya ginusto ni Ding Ruilin na maniwala rin sa Diyos. Di naglaon, para kumita ng mas malaki, pumalit si Ding Ruilin at ang kanyang asawa sa isang restawran, ngunit dahil sa pangmatagalang kapaguran ay nagkasakit nang malubha si Ding Ruilin, kaya nanganib siyang maparalisa. Dahil sa hirap ng kanyang karamdaman, nagsimula si Ding Ruilin na magnilay-nilay tungkol sa buhay. Para saan dapat mabuhay ang tao? Sulit bang isakripisyo ang buhay mo para sa kayamanan at katanyagan? Matutulungan ba ng pera ang mga tao na matakasan ang kahungkagan at kalungkutan? Maililigtas ba nito ang mga tao mula sa kamatayan? Sa pagbabahagi ng kanyang mga kapatid na babae ng salita ng Diyos, malinaw na nakita ni Ding Ruilin ang mga sagot sa mga tanong na ito tungkol sa buhay, nalaman niya ang pinakamahalagang bagay na dapat hangarin sa buhay, at sa huli’y natagpuan niya ang espirituwal na paglaya. Sa patnubay na nasa salita ng Diyos, sa wakas ay natuklasan ni Ding Ruilin ang kaligayahan sa buhay…
Ang mga aklat ng ebanghelyo sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay ibubunyag ang lahat ng mga misteryo ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan para sa iyo.

Hulyo 29, 2019

Isang Naiibang Karanasan ng Paghahanap ng Trabaho


Isang Naiibang Karanasan ng Paghahanap ng Trabaho


Ni Liang Xin

Sa lipunan ngayon, may iba’t ibang uri ng malalaking negosyo at tila hindi mabilang ang oportunidad para makapagtrabaho. Ngunit sa paglipas ng mga taon, wala nang halaga ang mga nakapagtapos ng kolehiyo. Punung-puno na ang merkado ng mga kuwalipikadong kandidato upang magkaroon ng trabaho na hindi ka na makahanap pa ng lugar. Kaya ang hirap sa paghahanap ng mapapasukang trabaho matapos makapagtapos ay naging isang napaka-praktikal na problema. Para sa bawat kabataan na malapit nang pumasok sa lipunan matapos mag-aral, ang pinakamasakit sa ulong isyu na kailangan nilang harapin ay ang paghahanap ng trabaho, lalo na sa isang magandang kompanya. Ginagawa ng lahat ang lahat ng kanilang makakaya at pinipiga ang kanilang utak para makapasok—napakatindi ng kompetisyon at hirap. Ako, na malapit nang magtapos, ay walang pagpipilian kundi harapin ang suliranin ng paghahanap ng trabaho gaya ng iba pa. Ang naiiba lang sa akin ay isa akong Kristiyano at naniniwala ako na ang lahat ay hinahanda ng Diyos. Gayunman …

Hulyo 25, 2019

Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob "Ang Ikapitong Pagbigkas"


Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob "Ang Ikapitong Pagbigkas"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bayan Ko, kapag nakikinig kayo sa Aking mga salita, nauunawaan ba ninyo ang Aking kalooban? Nakikita ba ninyo ang puso Ko? Sa nakaraan, habang naglalakbay kayo sa daan ng paglilingkod, naranasan ninyo ang mga tagumpay at kabiguan, ang mga pagsulong at mga kabiguan, at may mga panahong nanganib kayong bumagsak at maging sa puntong Ako ay inyong pagtaksilan; ngunit alam ba ninyong sa bawat sandali, nakahanda Akong laging iligtas kayo? Na sa bawat sandali, lagi Kong binibigkas ang Aking tinig upang tawagin at iligtas kayo? Ilang beses na kayong nahulog sa bitag ni Satanas? Ilang beses na kayong nahuli sa mga patibong ng tao? At muli, gaano kayo kadalas mapasama sa walang katapusang pakikipagtalo sa isa’t isa, dahil nabigo kayong palayain ang inyong sarili? Gaano kadalas pumunta ang inyong mga katawan sa Aking tahanan ngunit ang inyong puso, walang nakakaalam kung nasaan? Gayon pa man, ilang beses Kong iniabot ang Aking mapagligtas na kamay upang itayo kayo; ilang beses Kong isinaboy sa inyo ang mga butil ng kaawaan; ilang beses na hindi Ko matiis na makita ang kaawa-awang kalagayan ng inyong paghihirap? Ilang beses … alam ba ninyo?"

Ang mga aklat ng ebanghelyo sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay ibubunyag ang lahat ng mga misteryo ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan para sa iyo.

Hulyo 24, 2019

Best Christian Movie 2018 | “Huwag Kang Makialam” Trailer (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movies | “Huwag Kang Makialam” Trailer (Tagalog Dubbed)


Si Li Qingxin ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa China na naging tapat sa Panginoon nang maraming taon. Palagi niyang masiglang ginagawa ang gawain ng Panginoon na ipangaral ang ebanghelyo, maingat niyang hinihintay ang pagdating ng Panginoon para dalhin siya sa kaharian sa langit. Nitong huling mga taon, nakita ni Li Qingxin na naging mas mapanglaw ang iba't ibang sekta at iglesia. Gayunman, ang Kidlat ng Silanganan ay naging mas masigla, sa kabila ng galit na galit na pagtuligsa at pagpapahirap ng gobyernong Chinese Communist government at iba't ibang relihiyon. Parami nang parami ang mabubuting tupa at namumunong tupa ng iba't ibang denominasyon at sekta na tumanggap na sa Kidlat ng Silanganan. Dahil dito, nag-isip-isip si Li Qingxin. Lalo na, nakita niya na hindi nag-aatubili ang mga pastor at elder ng iba't ibang relihiyon na mag-imbento ng mga tsismis at walang-kabuluhang mga bagay para tuligsain at sirain ang pangalan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakikipag-ugnayan pa sila sa gobyernong Chinese Communist para arestuhin ang mga mangangaral ng Kidlat ng Silanganan. Dama niya na ang mga gawa at kilos ng pastor at elder ay lihis sa paraan ng Panginoon, at alam niya na mabangis na kinakalaban at tinutuligsa ng Chinese Communist Party at iba't ibang relihiyon ay maaaring ang tunay na daan, at ang pagpapakita at gawain ng Panginoon. Noon din ay nagpasiya sila ng ilang katrabaho niya na hanapin at siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, pero naharap sila sa lahat ng uwi ng sagabal at problema mula sa pastor at elder. Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa patotoo ng mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nahiwatigan ni Li Qingxin at ng iba pa ang mga tsismis at kamalian ng pastor at elder. Dahil dito ay naunawaan nila ang napakasamang layunin at lalang sa kanilang mga alagad na humahadlang sa pagsusuri sa tunay na daan, at malinaw nilang nakita ang talagang mapagpaimbabaw ang pastor at elder. Malakas na sinabi ni Li Qingxin at ng iba sa pastor at elder ng relihiyon, "Wala n'yo kaming pakialaman!" Sa huli ay lubos silang nakaalis sa pambibitag at pang-aalipin ng pastor at elder, at nagbalik sa harapan ng luklukan ng Diyos.

Anong uri ng mga tao ang maaaring madala sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit."(Mateo 7:21). Mula sa salita ng Panginoon, makikita natin na tanging yaong mga pagsunod sa kalooban ng Diyos ay makakapasok sa kaharian ng langit.

Hulyo 20, 2019

Tagalog Christian Movies | "Saan Ang Aking Tahanan" (Buong pelikula)


Tagalog Christian Movies | "Saan Ang Aking Tahanan" (Buong pelikula)

Naghiwalay ang mga magulang ni Wenya nang siya ay dalawang taong gulang at pagkatapos ay tumira siya sa kanyang Itay at kanyang madrasta. Ayaw sa kanya ng kanyang madrasta at palagi itong nakikipagtalo sa kanyang Itay. Walang nagawa ang kanyang Itay—kinailangan niyang ibalik si Wenya sa bahay ng kanyang Ina, ngunit nakatuon ang kanyang Ina sa pamamahala sa kanyang negosyo at wala siyang panahon para alagaan si Wenya, kung kaya madalas siyang nagpalipat-lipat sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan para maalagaan. Pagkatapos ng maraming taon na pinangangalagaan ng ibang tao, nakaramdam ng lungkot si Wenya at kawalan ng pag-asa, at pinananabikan ang init ng isang tahanan. Nakabalik lamang siya sa piling ng kanyang Itay noong nagdiborsyo ang kanyang Itay at madrasta at magmula noon nagkaroon na siya ng tahanan, sa hirap o ginhawa.

Manood ng higit pa:Diyos ay Pag-ibig

Hulyo 17, 2019

Sa Pamamagitan ng Pagkawala sa Gapos ng Usap-usapan at sa Aking mga Pagkaunawa, Masaya kong Tinanggap ang Pagbabalik ng Panginoon


Sa Pamamagitan ng Pagkawala sa Gapos ng Usap-usapan at sa Aking mga Pagkaunawa, Masaya kong Tinanggap ang Pagbabalik ng Panginoon


Ni Hevy, Malaysia


Ang landas papasok sa kaharian ng langit ay puno ng lahat ng iba’t ibang kahirapan at mga hadlang. Kung wala tayong pagkilala sa mga usap-usapan, madali tayong malilinlang, at maliligaw sa tunay na daan. Ang ating sariling mga pagkaunawa at mga kathang-isip ay mga hadlang din sa daan ng pagkakamit ng kaalaman ukol sa Diyos. Kailangan nating umasa sa Diyos upang kumawala sa gapos ng usap-usapan at sa ating sariling mga pagkaunawa at makinig sa tinig ng Diyos upang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon.

Hulyo 12, 2019

"Napakagandang Tinig" - Wala bang mga Salita o Gawain ng Diyos sa Labas ng Biblia? (Clip 3/5)


Tagalog Christian Movies | "Napakagandang Tinig" - Wala bang mga Salita o Gawain ng Diyos sa Labas ng Biblia? (Clip 3/5)


Naniniwala ang karamihan sa mga tao sa mga relihiyon na lahat ng salita ng Diyos ay nasa Biblia, at anumang wala sa Biblia ay hindi naglalaman ng Kanyang gawain at mga salita. Hindi nila hinahanap sa labas ng Biblia ang Kanyang mga binanggit sa Kanyang pagbalik. Magagawa ba nilang sumalubong sa pagbalik ng Panginoon kung manghahawakan sila sa ideyang ito? Malilimita lang ba ang sasabihin ng Diyos sa mga salitang nasa Biblia? Sabi sa Biblia: "At mayroon ding iba’t ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin" (Juan 21:25). Sabi ng Diyos: "Ang lahat ng naitala sa loob ng Biblia ay limitado at hindi kayang kumatawan sa lahat ng gawain ng Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Malaman ang higit pa:Gawa ng Diyos