Tanong 3: Ano ang pagkakaiba ng mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propetang katulad nina Isaias, Ezekiel, at Daniel mula sa Kapanahunan ng Kautusan, sa mga salitang ipinahayag ng Diyos sa laman?
Sagot: Dahil sa pagkakaiba ng diwa ng Diyos na nagkatawang-tao sa diwa ng mga propeta, dumarating ang Diyos na nagkatawang-tao para gawin ang gawain ng Diyos samantalang ginampanan lang ng mga propeta ang tungkulin ng tao. Kaya likas na magkaiba ang kanilang gawain.