Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao-o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito.
Enero 10, 2019
Enero 9, 2019
"May Paraan para Maputol ang Adiksyon ng mga Kabataan sa Online Gaming"
Tagalog Gospel Movie | Ang Kaligtasan ng Diyos | "May Paraan para Maputol ang Adiksyon ng mga Kabataan sa Online Gaming"
Maraming kabataan sa modernong lipunan na nahuhumaling sa online gaming at hindi makalaya rito. Matindi ang epekto nito kapwa sa kanilang kalusugan at sa kanilang pag-aaral. Anuman ang subukang gawin ng mga magulang para mapigil ang kanilang mga anak sa online games, walang saysay ang lahat ng iyon, at naging malaking sakit ng ulo sa maraming pamilya ang pagputol sa adiksyon ng kanilang mga anak sa online gaming. Ang maikling videong ito na, May Paraan para Maputol ang Adiksyon ng mga Kabataan sa Online Gaming, ay magbibigay-liwanag sa atin.
Manood ng higit pa: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Movies | "Bakit Napakadilim at Napakasama ng Mundo?"
Enero 8, 2019
Himno | Purihin ang Diyos nang Buong Puso
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog praise and worship Songs | Purihin ang Diyos nang Buong Puso
I
Kung nais mong purihin ang Diyos,
kumanta nang malakas hangga't kaya mo.
Kung nais mong sumayaw, tumayo at sumayaw.
Kung nais mong kaini’t inumin ang mga salita ng Diyos,
kaini’t inumin ang mga ito.
Kung nais mong manalangin, manalangin ka.
Isipin ang Diyos, manalangin-magbasa at magbahagi,
magbulay, pagnilayan at hanapin ang Diyos nang higit pa.
Makulay ang buhay ng iglesia,
ang papuri ay maaaring may maraming anyo.
Sa pamumuhay sa mga salita ng Diyos araw-araw,
makikita ang kagandahan ng Diyos.
Enero 6, 2019
Clip ng Pelikulang Paggising Mula sa Panaginip (2) "Kung Walang Kabanalan Walang Taong Makakapasok sa Kaharian ng Diyos"
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Movies | "Kung Walang Kabanalan Walang Taong Makakapasok sa Kaharian ng Diyos"
Kapag ang mga kasalanan nating mga mananampalataya sa Panginoon ay pinatawad, makakamit ba natin ang paglilinis? Kung hindi tayo nagsisikap para sa paglilinis, at binibigyang pansin lang ang paggugol sa sarili para sa Panginoon at masigasig na paggawa ng gawain ng Panginoon, madadala ba tayo sa kaharian ng langit? Ang pelikulang ito ng Paggising Mula sa Panaginip, ang magbibigay sa ‘yo ng lahat ng kasagutan!
Recommended:
Tagalog Gospel Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven
Enero 5, 2019
Mga Patotoo | Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?
Sa tuwing nakikita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwat ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ang mga hadlang sa buhay, at ang pag-abandona ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o tinitiis ang anumang ibang mga kasawian sa buhay, sa gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). lubha akong hindi nasisiyahan- ang pakiramdam ng kalungkutan ay namumuo sa loob ko at nagsasalita ang puso ko ng mga walang tinig na karaingan nito: Mahal na Diyos, bakit Mo pinapayagan na makasagupa ng ganoong kasawian ang mga matapat sa Iyo at nagmamahal sa Iyo? Bilang resulta, nahirapan ako sa pag-unawa sa kahulugan ng taong ginamit ng Banal na Espiritu na nagsabing, “Ang huling hiling ng Diyos sa tao ay mapagmahal at taos-puso.”
Enero 4, 2019
Tagalog Christian Music Video | “Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” (Tagalog song)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Songs | “Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos”
I
Diyos na nagkakatawang tao'y tinatawag na Cristo,
ang Cristong makapagbibigay ng katotohana'y Diyos.
Hindi kalabisang sabihin nang gayon.
Dahil angkin N'ya ang diwa ng Diyos.
Angkin N'ya ang disposisyon ng Diyos at dunong sa gawa N'ya,
na di-maabot ng tao.
Yaong tinatawag ang sarili na Cristo
pero di magawa ang gawain ng Diyos ay mga mandaraya,
'di katagala'y babagsak lahat.
Sapagka't kahit tinatawag nila ang sarili na Cristo,
ala silang taglay alinmang diwa ni Cristo.
Enero 3, 2019
Tinubos ng Diyos ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya kaya bakit kailangan pa rin Niyang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal” (Levitico 11:45).
“At ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14).
“At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)