Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Nobyembre 7, 2018

Maikling Dula - "Isang Babala Mula sa Kasaysayan" (Tagalog Christian Video)

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pelikulang Kristiano | "Isang Babala Mula sa Kasaysayan"


Dalawang libong taon na ang nakakaraan, noong nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, pinanghawakan ng mga Fariseo ang mga kautusan at kinondena ang Kanyang gawain, sinasabing ang gawain Niya ay labas sa Banal na Kasulatan. Para maprotektahan ang kanilang katayuan at kabuhayan, ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para pigilan ang mga tao sa paghahanap sa gawain ng Panginoong Jesus, at nakipagsanib puwersa sa pamahalaang Romano para ipako Siya sa krus.

Nobyembre 6, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Kaibig-ibig" (Tagalog Song)

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Music Video | "Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Kaibig-ibig" 

I
Nagpapakumbaba ang Diyos at gumagawa sa mga
marurumi't tiwaling tao para sila'y gawing perpekto. 
Naging tao ang Diyos.
S’ya’y nag-aalaga’t nagpapastol sa kanila,
lumalapit sa puso ng malaking pulang dragon
upang mailigtas at malupig ang mga tiwali,
ginagawa ang tungkulin ng pag-iiba’t pagbabago nila.
Nagpapakumbaba S’ya Mismo bilang tao
at tinitiis ang mga pasakit na dala nito.
Ito’y pinakamalaking pagpapahiya
sa pinakamataas na Espiritu.

Nobyembre 5, 2018

Pag-unawa sa Kalooban ng Diyos Maging sa Gitna ng mga Suliranin

Ang Kalooban ng Diyos

Xiao Rui Siyudad ng Panzhihua, Lalawigan ng Sichuan


Noong nangangaral ako ng ebanghelyo nakasalamuha ko ang mga pinuno ng sekta na nagdadala ng huwad na pagsaksi upang lumaban at mangulo, at tumawag sa pulisya. Nagdulot ito upang hindi magtangka yaong mga pinangangaralan ko na magkaroon ng anumang kinalaman sa amin, at yaong mga katatanggap pa lamang ng ebanghelyo ay hindi makapagtiwala nang husto sa gawain ng Diyos. Dahil nagpakahirap ako nang husto sa trabaho ngunit hindi maganda ang naging resulta, naisip ko: Ang gawaing pag-eebanghelyo ay napakahirap na isagawa. Magiging kahanga-hanga sana kung nagpamalas na lamang ang Diyos ng ilang himala at pinarusahan yaong mga huwad na sumasaksi gayundin yaong mga lubhang lumalaban sa Diyos para ipakita sa mga nalinlang. Kung gayon hindi ba’t mas mabilis na maisasagawa ang gawain ng ebanghelyo? Hindi magiging napakahirap para sa atin na ipangaral ang ebanghelyo…. Ito ang dahilan kung bakit dumarating ang pag-asang ito sa aking puso tuwing makakaranas ako ng ganitong uri ng mga suliranin.

Nobyembre 4, 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII (II) Ang Diyos Ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Mga Bagay (Ikatlong Bahagi)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "ginawa ng Diyos na magkaka-ugnay ang lahat ng bagay, kapwa pinagbuklod, at nagtutulungan. Ginamit Niya ang pamamaraang ito at ang mga patakarang ito upang mapanatili ang kaligtasan at pag-iral ng lahat ng bagay at sa ganitong paraan ang sangkatauhan ay nabuhay nang tahimik at payapa at lumago at dumami mula sa isang salinlahi hanggang sa sumunod sa kapaligirang ito hanggang sa araw na kasalukuyan.

Nobyembre 3, 2018

Clip ng Pelikulang Kumawala sa Bitag (1) | "Paano Malalaman ang Diwa ng mga Relihiyosong Fariseo"


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Movie | "Paano Malalaman ang Diwa ng mga Relihiyosong Fariseo"

Ang mga pastor at elder ng mga relihiyon ay pawang mga tao na naglilingkod sa Diyos sa mga simbahan. Madalas silang magbasa ng Biblia at mangaral sa mga nananalig, ipinagdarasal nila ang mga ito at nagpapakita sila ng habag sa kanila, pero bakit sabi natin, mga ipokritong Fariseo sila? Lalo na sa pag-unawa nila sa pagbalik ng Panginoon, hindi lang nila hindi hinahanap o sinusuri ang anuman, kundi bagkus ay matindi nilang sinusuway at tinutuligsa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Bakit ganito?


Rekomendasyon: 
Tagalog Christian Movie | "Kumawala sa Bitag" | Attending the Wedding Feast With the Lord

Nobyembre 1, 2018

Ang Ikasandaang Pagbigkas

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Ikasandaang Pagbigkas

Kinamumuhian Ko ang lahat ng hindi Ko paunang-naitálágá at pinili. Dapat Ko samakatuwid na alisin ang mga taong ito sa Aking bahay nang isa-isa, sa gayon ay magiging banal ang Aking templo at walang-bahid, ang Aking bahay ay laging magiging bago at hindi kailanman luma, ang banal Kong pangalan ay mapalalaganap magpakailanman at ang Aking banal na bayan ay siyang magiging Aking mga minamahal. Ang uri ng tagpong ito, ang uri ng bahay na ito, ang uri ng kahariang ito ang Aking layunin, ang Aking tahanan at ito ang saligan ng Aking paglikha ng lahat ng mga bagay. Walang makakaugoy o makakapagbago nito. Ako lamang Mismo at ang Aking minamahal na mga anak-na-lalaki ang magkasamang titira sa loob nito at walang sinumang hahayaang tapakan ito, walang anumang hahayaang sumakop dito at higit pa walang hindi-kanais-nais ang hahayaang mangyari kahit kailan.

Oktubre 30, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Alam Mo ba ang Iyong Misyon" (Tagalog song)

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Songs | Alam Mo ba ang Iyong Misyon


I
Alam mo ba ang pasanin,
ang tungkulin at ang komisyon sa iyong balikat? 
Nasaan ang iyong makasaysayang diwa ng misyon?
Paano ka magiging isang mabuting panginoon
sa susunod na kapanahunan?
Matatag ba ang 'yong diwa ng pagka-puno?
Paano mo maipapaliwanag ang panginoon ng lahat?
Ito ba ang talagang panginoon ng lahat ng nabubuhay,
o panginoon ng lahat ng materyal na mundo?
Anong plano mo sa sunod na hakbang ng gawa? 
Gaano karami ang naghihintay sa iyo na iyong papastulan?
Hindi ka ba nabibigatan sa iyong gawain?