•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ღ .•*¨*•.¸¸ ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸
Max Estados Unidos
•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ღ .•*¨*•.¸¸ ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸
Noong 1994, ipinanganak ako sa Estados Unidos. Parehong Tsino ang mga magulang ko. Ang nanay ko ay klasikong halimbawa ng isang matagumpay na babaeng may karera. Nakapag-iisip siya para sa sarili at napakahusay niya. Mahal na mahal ko ang nanay ko. Noong nasa Ikalawang Baitang ako, ibinalik ako ng mga magulang ko sa Tsina para mag-aral para matutunan ko ang wikang Tsino. Iyon din ang panahong nagsimula kong makilala ang Panginoong Jesus. Natatandaan ko isang araw noong 2004, pagkauwi ko galing sa eskuwelahan, may panauhin kami sa bahay. Ipinakilala siya ng nanay ko at sinabi sa aking pastora siya mula sa Estados Unidos. Napakasaya ko dahil noon ko nalaman na matagal-tagal nang naniniwala sa Panginoong Jesus ang nanay ko. Dati, hindi siya naniniwala. Tuwing Bagong Taon ng mga Tsino, magsisindi siya ng insenso at sasamba kay Buddha. Gayon man, pagkaraang magsimulang maniwala sa Panginoong Jesus ang nanay ko, hindi ko na kailangang maamoy ang samyo ng sunog na perang papel at insenso. Sa araw na iyon, nagkuwento sa akin ang Amerikanang pastora tungkol sa Panginoong Jesus. Pagkatapos na pagkatapos, dinala ako sa banyo at bago ako makahuma, “plok,” naingudngod na ng pastora ang ulo ko sa bathtub at pagkaraan ng ilang saglit, iniangat ang ulo ko. Ang tanging narinig ko ay ang nanay ko at ang pastora na nagsasabi sa akin, “Tuloy sa yakap ng Panginoong Jesus. Tayong lahat ay nawawalang tupa.” Sa paraang ito, nagsimula ako sa bagong paglalakbay sa buhay bago ko pa nalaman. Gayon man, dahil kasama ko ang Panginoon, napakasaya ng puso ko. Pagkaraan, tuwing Linggo, pupunta ako sa iglesia para sumamba at pakinggan ang pastorang nagsasalita tungkol sa mga kuwento ng Bibliya at nagbabasa mula sa mga banal na kasulatan. Napakasaya ko habang nangyayari ito. Matatag ang puso ko at dama kong ang paniniwala sa Panginoong Jesus ay tunay na mabuting bagay.