Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Agosto 11, 2019

Ang Pagsasagawa ng mga Salita ng Diyos at Pagpapalugod sa Diyos ang Unahin





Tagalog Christian Songs | Ang Pagsasagawa ng mga Salita ng Diyos at Pagpapalugod sa Diyos ang Unahin


I
Ngayon, ang kinakailangan n'yong kamtin
'di karagdagang hinihingi, kundi ang tungkulin ng tao,
ang s'yang dapat gawin ng lahat.
Kung tungkulin ninyo'y 'di kayang gawin
o gawing mainam,
'di ba’t pinapahamak n'yo lang sarili n'yo?

Agosto 7, 2019

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Paano Makilala ang Diyos sa Lupa" (Salita ng Buhay)


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Paano Makilala ang Diyos sa Lupa" (Salita ng Buhay)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ipinagpalagay ninyo ang mga gawa ni Cristo mula sa pananaw ng di-matuwid at tinatasahan ang lahat ng Kanyang mga gawa, at Kanyang pagkakakilanlan at diwa mula sa perspektibo ng masama. Nakagawa kayo ng malubhang pagkakamali at nagawa ninyo ang hindi nagawa ng mga nauna sa inyo. Iyon ay, pinaglilingkuran lang ninyo ang matayog na Diyos na nasa langit na may korona sa Kanyang ulo at hindi kailanman pinaglingkuran ang Diyos na ipinapalagay na napaka-walang-halaga kaya ni hindi ninyo dapat makita. Hindi ba ito inyong pagkakasala? Hindi ba ito tipikal na halimbawa ng inyong pagkakasala sa disposisyon ng Diyos? Sinasamba ninyo ang Diyos na nasa langit. Sinasamba ninyo ang mga matatayog na imahe at pinahahalagahan yaong mga kinikilalang may kahusayang magsalita. Nagagalak kang utusan ng Diyos na nagbibigay ng sandakot na kayamanan at lubos na nananabik sa Diyos na kayang tumupad ng iyong mga hangarin. Ang tanging ayaw mong sambahin ay ang Diyos na hindi matayog; ang iyong nag-iisang bagay na kinamumuhian ay ang maiugnay sa Diyos na ito na wala kahit isang tao ang lubhang pinagpipitaganan. Ang bagay lamang na hindi mo gustong gawin ay ang maglingkod sa Diyos na hindi ka man lang binigyan kahit isang kusing, at ang tanging Isang hindi ka kayang papanabikin sa Kanya ay itong di-kaibig-ibig na Diyos. Ang ganitong uri ng Diyos ay hindi kayang palawakin ang iyong abot-tanaw, para maramdaman na parang nakahanap ka ng kayamanan, lalo na ang matupad ang iyong pangarap. Bakit, kung gayon, sinusunod mo Siya? Sumagi ba sa isipan mo ang tanong na ito?"
Rekomendasyon:Pagkakatawang-tao ng Diyos

Agosto 6, 2019

Tagalog Christian Skit | "Talaga Bang Nagsisi Ka Na?"


Maikling Dula | "Talaga Bang Nagsisi Ka Na?"


Minsan, si Zhang Ming'en ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia. Maraming taon siyang naniwala sa Panginoon, at sa buong panahong iyon, siya ay nangaral, nagtrabaho, nagdusa, at gumugol para sa Panginoon. Kaya naniwala siya na tunay na siyang nagsisi at nagbago. Ngunit, sa isang halalan sa simbahan, nanood si Zhang Ming'en nang piliin ang iba pang mga kapatid na lalaki’t babae bilang mga pinuno ng simbahan at diyakono, samantalang binigyan siya ng tungkuling maging punong-abala sa mga pulong. Kahit sa tingin ay mukhang tinanggap at sinunod niya ito, ikinalungkot niyang masyado iyon. Nang sabihin ng asawa niya na hindi pa siya taos-pusong nagsisi at nagbago, hindi kumbinsido si Zhang Ming'en, at isang matalinong pagtatalo ang sumunod…. Ano ba talaga ang tunay na pagsisisi at pagbabago? Panoorin ang dula-dulaang Tunay Ka na bang Nagsisi? Para malaman ang mga sagot.
Ang paglilingkod sa Diyos ay isang maluwalhating bagay. Kung paano maglingkod sa Diyos ay maaaring magkatugma sa Diyos, na nangangailangan ng wastong paraan ng paglilingkod sa Diyos.

Agosto 4, 2019

Tagalog Christian Movie 2019 | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"


Tagalog Christian Movies | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"


Para kumita nang sapat para mabuhay nang maayos, talagang nagpursigi si Ding Ruilin at ang kanyang asawa na makapagbukas at magpatakbo ng isang negosyo. Ngunit, dahil sa pananamantala at pang-aabuso ng gobyernong CCP, nanatili silang lubog sa utang, at wala silang nagawa kundi mangibang-bansa para magtrabaho. Para kumita ng mas malaki, nagdalawang trabaho si Ding Ruilin. Dahil sa bigat ng kanyang trabaho at pagwawalang-bahala ng mga tao sa kanyang paligid, napagtanto niya ang sakit at kawalan ng kakayahang mabuhay para kumita. Sa gitna ng kanyang pasakit at pagkalito, nakilala niya ang kaklase niya sa high school na si Lin Zhixin. Sa kanilang mga pag-uusap, nakita ni Ding Ruilin na maraming bagay nang nauunawaan si Lin Zhixin dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos. Sa presensya ng Diyos, nadarama niya ang espirituwal na kapayapaan at kaligayahan at pahingado at maginhawa ang kanyang buhay, kaya ginusto ni Ding Ruilin na maniwala rin sa Diyos. Di naglaon, para kumita ng mas malaki, pumalit si Ding Ruilin at ang kanyang asawa sa isang restawran, ngunit dahil sa pangmatagalang kapaguran ay nagkasakit nang malubha si Ding Ruilin, kaya nanganib siyang maparalisa. Dahil sa hirap ng kanyang karamdaman, nagsimula si Ding Ruilin na magnilay-nilay tungkol sa buhay. Para saan dapat mabuhay ang tao? Sulit bang isakripisyo ang buhay mo para sa kayamanan at katanyagan? Matutulungan ba ng pera ang mga tao na matakasan ang kahungkagan at kalungkutan? Maililigtas ba nito ang mga tao mula sa kamatayan? Sa pagbabahagi ng kanyang mga kapatid na babae ng salita ng Diyos, malinaw na nakita ni Ding Ruilin ang mga sagot sa mga tanong na ito tungkol sa buhay, nalaman niya ang pinakamahalagang bagay na dapat hangarin sa buhay, at sa huli’y natagpuan niya ang espirituwal na paglaya. Sa patnubay na nasa salita ng Diyos, sa wakas ay natuklasan ni Ding Ruilin ang kaligayahan sa buhay…
Ang mga aklat ng ebanghelyo sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay ibubunyag ang lahat ng mga misteryo ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan para sa iyo.