Tanong 1: Namatay sa krus ang Panginoong Jesus para sa atin. Tinubos niya tayo sa mga kasalanan at pinatawad ang ating mga sala, ginawa Niya ito para iligtas tayo at ipinagkaloob sa atin na makapasok sa kaharian ng langit. Kahit patuloy tayong nagkakasala at kailangan pa tayong linisin, pinatawad ng Panginoon ang lahat ng kasalanan natin at ginawa tayong karapat-dapat sa pamamagitan ng ating pananampalataya. Akala ko hangga’t isinasakripisyo natin ang lahat para makagawa para sa Panginoon, hangga’t payag tayong magtiis ng paghihirap at magbigay ng kabayaran, papayagan tayong makapasok sa kaharian ng langit. Akala ko ‘yon ang pinangako sa atin ng Panginoon. Gano’n pa man, ilan sa mga kapatid natin ang kumukwestyon ngayon sa paniniwalang ‘yon. Sabi nila kahit daw nagsikap tayo para sa Panginoon, madalas pa rin tayong magkasala at ikinukumpisal ang mga kasalanan natin, kaya hindi pa rin tayo nalilinis. Inihayag nila na banal ang Panginoon, kaya hindi Siya maaaring makita ng mga taong hindi banal. Ang tanong ko ay: Tayong mga isinakripisyo ang lahat para sa Panginoon, talaga bang madadala tayo sa kaharian ng langit? Talagang hindi pa natin alam ang sagot sa tanong na ‘yon, kaya gusto naming kausapin niyo kami tungkol do’n.
Sagot: Ang iniisip ng lahat ng mga sumasampalataya sa Panginoon: Tinubos tayo ng Panginoong Jesus nang mamatay Siya sa krus, kaya pinatawad na tayo sa lahat ng kasalanan.