Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Mayo 27, 2019

Tagalog Christian Songs | Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan






Tagalog Christian Songs | Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao
sa Isang Bagong Kapanahunan

I
Winak'san ng nagkatawang-taong D'yos ang panahon
nang "ang likod lang ni Jehova ang nagpakita sa tao,"
at tinatapos ang kapanahunan ng paniniwala
sa malabong D'yos.
Gawain ng huling nagkatawang-taong D'yos
dalhin lahat ng sangkatauhan,
dalhin ang tao sa mas totoo,
mas praktikal, at mas mabuting panahon.

Mayo 26, 2019

Alam Ba Ninyo ang Apat na Mahahalagang Elemento ng Kristiyanong Panalangin?


Alam Ba Ninyo ang Apat na Mahahalagang Elemento ng Kristiyanong Panalangin?


Ni Yang Yang, China

Mga kapatid, alam natin na ang pananalangin sa Diyos ang pinakadirektang paraan ng mga Kristiyano upang makipag-usap sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit, maliban sa mula umaga hanggang gabing panalangin, nananalangin din tayo sa iba pang mga panahon tulad ng kapag nagbabasa ng Bibliya, kapag nasa mga pagtitipon, kapag nag-oobserba ng Sabbath, o kapag humaharap sa mga kahirapan.

Mayo 25, 2019

Kristiyanong Video | “Umuwi ang isang Pagala-galang Puso” | Hanapin ang Tunay na Buhay


Magmula noong maliit siya, naniwala si Novo sa Panginoong Jesus, tulad ng kanyang ina. Kahit na madalas siyang nagbabasa ng Biblia, nagdarasal, at dumadalo sa mga sermon, madalas niyang hindi mapigilang sundan ang mga masasamang kalakaran ng mundo, hanapin ang mga kasayahan ng laman, at magsinungaling at mandaya … Maraming beses siyang nagpasyang iwaksi ang buhay na paulit-ulit sa pagkakasala at pangungumpisal, pangungumpisal at pagkakasala. Subalit, palagi siyang nabibigo. Paglaon, noong nagtatrabaho si Novo sa Taiwan, narinig niya ang ebanghelyo ng kaharian, at sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos naisip niya na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, at na ang Kanyang gawain ng paghatol at pagpapadalisay sa mga huling araw ay ganap na makakayang lutasin ang problema ng makasalanang kalikasan ng sangkatauhan. Kaya tinanggap niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw nang may pusong puno ng galak. Pagkalipas ng dalawang taon, bumalik si Novo sa Pilipinas at sinimulang tuparin ang kanyang tungkulin sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natagpuan niya ang kanyang layunin at direksyon sa buhay, at magmula noon nakauwi na sa wakas ang kanyang pagala-galang puso.

Ang mga aklat ng ebanghelyo sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay ibubunyag ang lahat ng mga misteryo ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan para sa iyo.

Mayo 24, 2019

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos"


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung hindi mo alam ang diwa ng Diyos, magiging imposible para sa iyo na magpakita sa Kanya ng pagpipitagan at pagkatakot, pero sa halip tanging walang pakundangang pagwawalang-bahala at paglihis, at bukod diyan, hindi na maiwawastong paglapastangan. Bagama’t ang pag-intindi sa disposisyon ng Diyos ay tunay na mahalaga at ang pag-alam sa diwa ng Diyos ay hindi dapat maliitin, walang sinuman ang kailanman ay lubusang nakapagsuri o nakapagsiyasat na sa mga isyung ito. Malinaw na binalewala ninyong lahat ang mga kautusang administratibo na ipinahayag Ko. Kung hindi ninyo naiintindihan ang disposisyon ng Diyos, madali ninyong malalabag ang Kanyang disposisyon. Ang ganitong paglabag ay katumbas ng pagpapagalit sa Diyos Mismo, at ang katapusang bunga ng iyong kilos ay nagiging isang pagsalangsang laban sa mga kautusang administratibo. Ngayon dapat mong malaman na ang pag-intindi sa disposisyon ng Diyos ay may kasamang pag-alam sa Kanyang diwa, at kasama sa pag-intindi sa disposisyon ng Diyos ay ang pag-intindi sa mga kautusang administratibo. Sigurado, marami sa mga kautusang administratibo ay may kinalaman sa disposisyon ng Diyos, ngunit ang Kanyang disposisyon ay hindi pa naipapahayag sa kabuuan nito sa loob ng mga ito. Kaya kailangan ninyong humakbang pa patungo sa pagpapaunlad ng inyong kaunawaan ng disposisyon ng Diyos."
Magrekomenda nang higit pa:Salita ng Diyos

Mayo 23, 2019

Tagalog Christian Movies | "Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong" (Trailer)


Tagalog Christian Movies | "Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong" (Trailer)


Si Lin Bo'en ay matagal nang mangangaral na maraming dekada nang sumasampalataya sa Panginoon. Mula nang tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, siya ay nakulong, inihiwalay, at pinatalsik mula sa mga komunidad ng relihiyon ng mga pastor at mga elder, na mga puwersang anticristo. Ngunit kahit na si Lin Bo'en ay tinuligsa, hinatulan, at pinaratangan, hindi siya natakot. Sa halip, lalong tumibay ang kanyang pananampalataya, at dahil dito naunawaan niya sa wakas na ang mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig ay nagpapakitang-tao lamang. Kasabay nito, nalaman niya na tanging si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at tanging si Cristo ang makapagliligtas at makapagpapadalisay at magpeperpekto sa tao. Dahil dito, nagpasiya siyang sundin si Cristo, sumaksi para kay Cristo, at gawin ang lahat sa abot-kaya niya para hanapin ang katotohanan, hangaring baguhin ang kanyang disposisyon upang siya'y maging tunay na saksi para sa Diyos. Nang matuklasan ng Chinese Communist Party na nakalaya si Lin Bo'en mula sa bilangguan at hindi nagbago, na hindi niya itinatwa ang kanyang pananampalataya kaliit-liitang paraan at naniwala pa sa Kidlat ng Silanganan, na nagpunta siya kahit saan para magpatotoo na muling dumating ang Panginoong Jesus at na Siya ang Makapangyarihang Diyos, isinama siya ng CCP sa listahan ng mga wanted o pinaghahanap at nagpunta sa lahat ng lugar para arestuhin siya. Napilitan si Lin Bo'en na iwanan ang kanyang pamilya, at sa bawat lugar ay nagpatotoo siya sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nagawa niyang pamunuan ang maraming matatapat, mabubuting mananampalataya sa panig ng Diyos. Ang video na ito ay salaysay ng tunay na kuwento ni Lin Bo'en sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo para sa Diyos.

Malaman ang higit pa:Pagkakatawang-tao ng Diyos

Mayo 22, 2019

Tagalog Christian Movies | 2019 Tagalog Christian Movie "Hindi Naglalaho ang Integridad"


Tagalog Christian Movies | "Hindi Naglalaho ang Integridad" 2019 Tagalog Christian Movie


Wang Xinyu and her husband run a clothing shop, and though at first they try to operate their store with integrity and conscience, they don't earn much money, and their lives are very difficult. But when they see their peers who rely on lying and deception to do business buying cars and houses and living lavish lives, they decide they don't want to be left behind. Guided by their peers, they follow the social trend and begin to do business through lying and trickery. A few years later, although they make some money, their consciences are often uneasy and their hearts feel empty. Then, they accept Almighty God's gospel of the last days, read God's words, through which they discover that God likes honest people and despises deceitful people and learn that honest people receive God's blessings. However, they also see the evil and darkness in the world and worry they won't be able to make money by doing business with integrity, and will even risk losing money, so they continue to use lies and tricks to deceive customers, yet know God detests them for it.... After several struggles and failures, they finally choose to be honest people according to the words of God, and are surprised to receive God's blessings. Not only does their business flourish, they also enjoy the peace and security of being honest people.

Inirekomendang pagbabasa:Matapat na tao

Mayo 20, 2019

Mga Patotoo | 3 Malalaking Obra Maestra para sa Pagtatagumpay sa mga Tukso sa Digmaang Espirituwal



Mga Patotoo |  3 Malalaking Obra Maestra para sa Pagtatagumpay sa mga Tukso sa Digmaang Espirituwal



Hingzing Hilagang Korea

Mga kapatid,

Sumainyo nawa ang kapayapaan ng Panginoon! Kadalasan, ang lahat ng mga uri ng digmaang espirituwal ay magaganap sa buong panahon ng ating pananampalataya sa at pagsunod sa Diyos. May mga tukso na may kinalaman sa salapi, katayuan at pangalan, at mga tukso sa pagitan ng mga lalaki at mga babae, gayundin ang paninirang-puri ng mga hindi mananampalataya, paghadlang at paniniil mula sa mga mahal sa buhay, gayundin ang pagtugis at pag-uusig ng isang mala-satanas na rehimen.