Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Pebrero 10, 2019

Awit at Papuri | "Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay"


Awit at Papuri | "Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay"


I
Ang ''Katotohanan'' ay ang pinaka-tunay
sa mga talinghaga ng buhay,
at pinakamataas ito sa buong sangkatauhan.
Tinatawag itong "talinghaga ng buhay",
ito ang hinihingi ng Diyos sa tao
at ginagawa Niyang personal,
hinihingi ng Diyos sa tao at ginagawa Niya nang personal.

Pebrero 9, 2019

Ang kahalagahan ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay maaaring makita sa mga resultang natamo ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
Sapagka’t tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. Ako’y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong. Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:10-12).

Pebrero 8, 2019

Awit ng papuri|Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian




I
Nang sa mundo ng tao dumating si Jesus,
dinala N'ya panahon ng Biyaya,
tinapos Panahon ng Kautusan.
Muli Diyos naging tao sa mga huling araw.
Dinala N'ya Panahon ng Kaharian,
tinapos Panahon ng Biyaya.
Gumawa sa gitna ng tao si Jesus
para sangkatauha'y tubusin,
inialay na handog sa sala ng tao ang Sarili.

Pebrero 7, 2019

Pag-bigkas ng Diyos | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Unang Bahagi)


Pag-bigkas ng Diyos | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Unang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang mga taong makakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol ng Diyos at pagkastigo sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay ang lahat na nakawala sa impluwensya ni Satanas at natamo ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis.

Pebrero 6, 2019

Filipino Variety Show | "Mga Kamera sa Buong Lungsod" (Tagalog Crosstalk 2018)



Filipino Variety Show | "Mga Kamera sa Buong Lungsod" (Tagalog Crosstalk 2018)


Sa ngalan ng kaligtasan ng publiko, nagkakabit ng mga kamera ang Chinese Communist Party sa buong paligid, na ang tunay na layunin ay gamitin ang mga high-tech na pamamaraan para batikusin ang pagtutol at pahirapan ang mga nananalig sa Diyos. Nahaharap ang mga Kristiyano sa matitinding hamon sa pagsisikap na maligtasan ang gayon katinding pagmamatyag. Ang crosstalk na Mga Kamera sa Buong Lungsod ay gumagamit ng nakakatawa at malinaw na pagtatanghal ng dalawang tao para ihayag ang masamang katotohanan kung paano ginagamit ng CCP ang mga kamera nito para kontrolin ang mga Kristiyano, gayundin ang maiitim na lihim na balak ng CCP sa pagpapahirap sa relihiyon …

Pebrero 5, 2019

Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon


Hu Ke    Lungsod ng Dezhou, Lalawigan ng Shandong

Sa tuwing nakikita ko ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, hindi ako mapalagay: “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko. Makabubuti para sa inyo ang pagnilay-nilayan ang Aking mga salita nang maingat, at siguradong labis ninyong mapapakinabangan ang mga ito.” Hindi ako mapalagay dahil ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos ay kapwa napakahalaga sa pag-unawa ng tao sa Diyos at sa kanilang paghahangad na mahalin at pasayahin Siya.

Pebrero 4, 2019

Ang Kaugnayan ng Diyos sa Biblia (2/6) - "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia"


Natuklasan: Ang Kaugnayan ng Diyos sa Biblia (2/6) - "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia"



Naniniwala ang mga pastor at elder ng mga relihiyon na lahat ng salita at gawain ng Diyos ay nasa loob ng Biblia, na kumpleto na ang pagliligtas ng Diyos at basta’t ibinabase ng mga tao sa Biblia ang kanilang paniniwala sa Panginoon at nananangan sila sa Biblia, maaari silang madala at makapasok sa kaharian ng langit. Talaga bang ganito ang nangyayari? Ang Diyos ba ang makapagliligtas sa atin, o ang Biblia? Ang Diyos ba ang makapagpapahayag ng katotohanan, o ang Biblia? Para malaman ang iba pa, panoorin lamang ang videong ito!