Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Enero 27, 2019

Tagalog Christian Music Video | "Dalawang Libong Taon ng Pananabik" | Meet With the Lord


Tagalog Worship Songs | "Dalawang Libong Taon ng Pananabik" | Meet With the Lord

Na ang Diyos ay nagkatawang-tao
niyayanig ang relihiyosong mundo,
nagugulong pangrelihiyong kaayusan,
at ginigising lahat ng kaluluwang 
nananabik sa pagpapakita ng Diyos.
Sinong 'di namamangha dito? 
Sino ang hindi nasasabik na makita ang Diyos?
Ilang taon ang ginugol ng Diyos sa piling ng tao,
ngunit 'di ito namalayan ng tao.
Ngayon, ang Diyos Mismong nagpakita
para muling ibalik ang dati Niyang pagmamahal sa tao.

Enero 25, 2019

Tagalog Worship Songs | Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan

gawa ng Diyos, Kaligtasan

Tagalog Christian Songs | Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan

Pag-ibig at awa ng Diyos
lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala
mula sa una hanggang sa huling detalye.
I
Kung nararamdaman man ng tao ang kalooban Niya o hindi,
Siya ay walang humpay na nagpapatuloy sa gawain
na kailangan Niyang gawin
Kung naiintindihan man ng tao ang pamamahala Niya o hindi,
Ang gawain ng Diyos ay nagdudulot ng tulong
at tustos na maaaring madama ng lahat.

Enero 24, 2019

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan" (Unang Bahagi)


Salita ng Diyos | "Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan" (Unang Bahagi)


"Kinatawan ni Jesus ang Espiritu ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos na direktang gumagawa. Ginawa Niya ang gawain sa bagong panahon, ang gawain na walang pang nakagagawa. Nagbukas Siya ng bagong daan, kinatawan Niya si Jehova, at kinatawan Niya ang Diyos Mismo. Samantalang sina Pedro, Pablo at David, anuman ang tawag sa kanila, kinatawan lang nila ang pagkakakilanlan ng nilalang ng Diyos, o ipinadala ni Jesus o Jehova.

Enero 23, 2019

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Pag-alam sa Layunin at Kahalagahan ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos si Adan at Eba, at mula sa alabok sa lugar na iyon nilikha ni Jehova ang tao; ang lugar na ito ay naging himpilan ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang mga Israelita, na siyang mga inapo ni Noe at mga inapo din ni Adan, ay ang mga pantaong saligan ng gawain ni Jehova sa daigdig.

Enero 22, 2019

Tagalog Christian Skit | Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Maikling Dula | Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor

Si Yang Xiangming ay isang manggagawa sa isang denominasyon, at nang matiyak niya na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ginagabayan na niya ang ilan niyang kapatid na bumaling sa Makapangyarihang Diyos. Dahil dito, naligalig ang kanyang pastor, kaya ginagamit ng pastor niya ang katayuan at pera upang tuksuhin siya, at ginagamit din ang kasal ng anak niya upang pagbantaan si Yang Xiangming na talikuran ang tunay na daan. Sa pagharap sa mga "mabuting" intensyon ng kanyang pastor, ano kaya ang kanyang gagawin sa huli?  Sa kritikal na sandaling ito kung kailan natin sasalubungin ang pagdating ng Panginoon, bakit pinipigilan ng pastor na iyon ang mga mananampalataya sa pagsusuri sa tunay na daan? Matutulungan kayo ng maikling dulang "Ang Mga 'Mabuting' Intensyon ng Pastor" na maunawaan ang katotohanan ng ganitong sitwasyon.

Enero 21, 2019

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Patotoo | Pagbangon sa Madilim na Pang-aapi

Mo Zhijian Lalawigan ng Guangdong

Isinilang ako sa isang mahirap at malayong bundok na lugar kung saan kami nagsunog ng insenso at sinamba si Buddha sa napakaraming henerasyon. May mga templong Budista sa buong lugar na kung saan lahat ng pamilya ay pumupunta upang magsunog ng insenso; walang sinuman ang naniwala kailanman sa Diyos. Noong 1995, ako at ang aking asawa ay nasa isang bahagi ng bansa kung saan kami ay naniwala sa Panginoong Jesus; pagkatapos naming bumalik nagsimula kaming magbahagi ng ebanghelyo at ang bilang ng mga tao na tumanggap dito ay unti-unting dumami nang mahigit sa 100 tao. Dahil parami nang parami ang mga taong naniniwala sa Diyos, naalarma ang lokal na pamahalaaan. Isang araw noong 1997, tinawag ako ng pulisya upang pumunta sa lokal na himpilan ng pulisya, na kung saan ay naghihintay sa akin ang hepe ng Kawanihan ng Pampublikong Seguridad ng Probinsya, ang hepe ng Kawanihan ng Pambansang Seguridad, ang hepe ng Kawanihan ng Relihiyon at ang pinuno ng himpilan ng pulisya at pati na rin ang ilang opisyal na pulis. Tinanong ako ng hepe ng Kawanihan ng Pampublikong Seguridad: “Bakit ka naniniwala sa Diyos? Kanino ka mayroong kaugnayan? Saan nanggaling ang mga Biblia? Bakit hindi kayo pumunta sa iglesia para sa mga pagtitipon?”

Enero 20, 2019

"Bakit Napakadilim at Napakasama ng Mundo?"


Tagalog Christian Movies | Sa Lipunan | "Bakit Napakadilim at Napakasama ng Mundo?"


Sa maraming kabataang nahuhumaling ngayon sa online gaming at hindi makaalpas doon, at sa bawat henerasyon ng mga kabataan na mas malala pa kaysa sa huli, hindi maiwasang magtanong ang maraming tao ng: Bakit kailangang patuloy na tangkilikin, paunlarin at itaguyod ng lipunang ito ang online gaming para lasunin ang ating mga kabataan? Bakit napakadilim at napakasama ng mundo?

Manood ng higit pa: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Movies | Amazing Grace of God (Tagalog Dubbed)