Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Enero 22, 2019

Tagalog Christian Skit | Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Maikling Dula | Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor

Si Yang Xiangming ay isang manggagawa sa isang denominasyon, at nang matiyak niya na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ginagabayan na niya ang ilan niyang kapatid na bumaling sa Makapangyarihang Diyos. Dahil dito, naligalig ang kanyang pastor, kaya ginagamit ng pastor niya ang katayuan at pera upang tuksuhin siya, at ginagamit din ang kasal ng anak niya upang pagbantaan si Yang Xiangming na talikuran ang tunay na daan. Sa pagharap sa mga "mabuting" intensyon ng kanyang pastor, ano kaya ang kanyang gagawin sa huli?  Sa kritikal na sandaling ito kung kailan natin sasalubungin ang pagdating ng Panginoon, bakit pinipigilan ng pastor na iyon ang mga mananampalataya sa pagsusuri sa tunay na daan? Matutulungan kayo ng maikling dulang "Ang Mga 'Mabuting' Intensyon ng Pastor" na maunawaan ang katotohanan ng ganitong sitwasyon.

Enero 21, 2019

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Patotoo | Pagbangon sa Madilim na Pang-aapi

Mo Zhijian Lalawigan ng Guangdong

Isinilang ako sa isang mahirap at malayong bundok na lugar kung saan kami nagsunog ng insenso at sinamba si Buddha sa napakaraming henerasyon. May mga templong Budista sa buong lugar na kung saan lahat ng pamilya ay pumupunta upang magsunog ng insenso; walang sinuman ang naniwala kailanman sa Diyos. Noong 1995, ako at ang aking asawa ay nasa isang bahagi ng bansa kung saan kami ay naniwala sa Panginoong Jesus; pagkatapos naming bumalik nagsimula kaming magbahagi ng ebanghelyo at ang bilang ng mga tao na tumanggap dito ay unti-unting dumami nang mahigit sa 100 tao. Dahil parami nang parami ang mga taong naniniwala sa Diyos, naalarma ang lokal na pamahalaaan. Isang araw noong 1997, tinawag ako ng pulisya upang pumunta sa lokal na himpilan ng pulisya, na kung saan ay naghihintay sa akin ang hepe ng Kawanihan ng Pampublikong Seguridad ng Probinsya, ang hepe ng Kawanihan ng Pambansang Seguridad, ang hepe ng Kawanihan ng Relihiyon at ang pinuno ng himpilan ng pulisya at pati na rin ang ilang opisyal na pulis. Tinanong ako ng hepe ng Kawanihan ng Pampublikong Seguridad: “Bakit ka naniniwala sa Diyos? Kanino ka mayroong kaugnayan? Saan nanggaling ang mga Biblia? Bakit hindi kayo pumunta sa iglesia para sa mga pagtitipon?”

Enero 20, 2019

"Bakit Napakadilim at Napakasama ng Mundo?"


Tagalog Christian Movies | Sa Lipunan | "Bakit Napakadilim at Napakasama ng Mundo?"


Sa maraming kabataang nahuhumaling ngayon sa online gaming at hindi makaalpas doon, at sa bawat henerasyon ng mga kabataan na mas malala pa kaysa sa huli, hindi maiwasang magtanong ang maraming tao ng: Bakit kailangang patuloy na tangkilikin, paunlarin at itaguyod ng lipunang ito ang online gaming para lasunin ang ating mga kabataan? Bakit napakadilim at napakasama ng mundo?

Manood ng higit pa: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Movies | Amazing Grace of God (Tagalog Dubbed)

Enero 19, 2019

Tagalog Christian Songs | Ang Epekto ng Dalanging Tunay

Panalangin



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Awit ng Pagsamba | Ang Epekto ng Dalanging Tunay 

I
Lumakad nang may katapatan,
at manalangin na mawala
ang malalim na panlilinlang sa 'yong puso.
Manalangin, para malinis ang sarili;
manalangin, para maantig ng Diyos.
Kung gayon, ang disposisyon mo'y magbabago.
Ang disposisyon ng tao'y nagbabago habang sila'y nananalangin.
Mas kumikilos ang Espiritu, mas susunod sila,
mas magiging aktibo sila.
At ang puso nila'y dahan-dahang dadalisay
dahil sa dalanging tunay.

Enero 18, 2019

Tagalog Song | "Kailangan ng Masamang Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Nagkatawang-taong Diyos"


Tagalog Gospel Songs | "Kailangan ng Masamang Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Nagkatawang-taong Diyos"

I
Diyos naging tao dahil pakay ng gawain N'ya
ay 'di espiritu ni Satanas, ni anumang 'di,
'di ng laman, pero ng tao.
Pinasama ni Satanas laman ng tao't 
naging pakay ng gawain ng Diyos.
Ang lugar ng kaligtasan ng Diyos ay tao, ay tao.
Ang tao ay isang mortal, tanging laman at dugo,
Diyos lang makapagliligtas sa kanya.
Dapat taglayin ng Diyos katawang-tao,
upang gawin ang Kanyang gawain,
makamit pinakamagandang resulta.

Enero 17, 2019

Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang paghatol ng malaking puting luklukan, tulad ng ipinropesia sa Aklat ng Pahayag.

      
      Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).

At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila’y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy” (Pahayag 20:11-15).

Enero 16, 2019

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX" (Pagpapatuloy ng Ikatlong Bahagi)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng mga Bagay (III)


"Nang nilkha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, ginamit Niya ang lahat ng uri ng sistema at pamamaraan upang mabalanse sila, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa mga kabundukan at mga lawa, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa lahat ng halaman at lahat ng mga uri ng mga hayop, mga ibon, mga insekto—ang Kanyang layunin ay upang tulutan ang lahat ng uri ng mga nilalang upang mabuhay at magparami sa loob ng mga kautusang Kanyang itinatag. Ang lahat ng nilalang ay hindi makalalabas sa mga kautusang ito at hindi sila maaaring labagin. Sa loob lamang ng ganitong uri ng kapaligiran maaaring ligtas na makapanatili at makapagparami ang mga tao, sa maraming salinlahi."