Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Hulyo 29, 2018

Handa Kong Tanggapin ang Pangangasiwa ng Lahat

Biyaya, katotohanan, buhay, Walang hanggan, Espiritu,
🌳❛◡❛🌳

Xianshang    Lungsod ng Jinzhong, Lalawigan ng Shanxi

  Kamakailan, tuwing naririnig ko na ang mga mangangaral ng distrito ay pupunta sa aming iglesia, nakakaramdam ako ng kaunting kaba. Hindi ko ibinunyag ang aking mga damdamin sa panlabas, ngunit ang aking puso ay puno ng lihim na pagsalungat. Naisip ko: "Mas mabuti kung kayong lahat ay hindi dumating. Kung darating kayo, sana man lang huwag kayong gagawa sa iglesia na kasama ko. Kung hindi, malilimitahan ako at hindi makakapagsalita." Nang maglaon, ang sitwasyon ay naging napakasama na talagang kinapootan ko ang kanilang pagdating. Kahit na gayon, hindi ko inisip na may anumang mali sa akin at talagang hindi sinubukang alamin ang aking sarili sa konteksto ng sitwasyong ito.

Hulyo 28, 2018

Basagin Ang Sumpa (1) | Paano Natin Masasalubong ang Pagbabalik ng Panginoon?


🌳🌳۩*•*۩🌳🌳

Lumitaw na ang apat na kulay dugong buwan. Nangangahulugan ito na sasapit na sa atin ang mga malalaking sakuna, tulad ng napropesiya sa libro ni Joel, "At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu. At ako'y magpapakita ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa, dugo, at apoy, at mga haliging usok" (Joel 2:29-31). Bago sumapit sa atin ang mga malalaking sakuna, tutustusan ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang mga tagasilbi at utusang babae, at kukumpletuhin Niya ang isang grupo ng mga mananagumpay. Kung hindi tayo madadala bago ang mga malalaking sakuna, marahil ay mamamatay tayo sa mga sakunang ito. Ngayon, nagpapatotoo ang Kidlat ng Silanganan na nagbalik na ang Panginoong Jesus, inihayag ang katotohanan, at kinumpleto ang isang grupo ng mga mananagumpay. Hindi ba nito tinutupad ang mga propesiya ng Biblia? Hindi ba't pagpapahayag ng gawain ng Panginoon ang Kidlat ng Silanganan?

Hulyo 27, 2018

Tagalog Christian Songs | "Kalooban ng D'yos Nabuksan na sa Lahat" (Tagalog Dubbed)


I
Mula sa paglikha sa tao, 
ang pagiging D'yos, kalooban N'ya, pag-aari't disposisyon
nabuksan na sa bawa't isa't bukas sa lahat.
Di kailanman sinadya ng D'yos na itago diwa N'ya, 
ni ang kanyang disposisyon o kalooban.
Talagang di pansin ng sangkatauhan
ang mga gawa ng Diyos, at ang Kanyang kalooban,
kaya ang pang-unawa ng tao sa D'yos ay kaawa-awang mahina,
ang pang-unawa ng tao sa D'yos ay kaawa-awang mahina.
Mula sa paglikha sa tao,
ang pagiging D'yos, kalooban N'ya, pag-aari't disposisyon
nabuksan na sa bawa't isa't bukas sa lahat.

Hulyo 26, 2018

Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo

Buhay, kaligtasan, kapalaran, Ebanghelyo, Karanasan
🍀 🏰 🍀

Changkai    Lungsod ng Benxi, Lalawigan ng Liaoning

  Ang karaniwang pariralang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos” ay isa na kung saan ako ay masyadong personal na pamilyar. Ang aking asawa at ako ay mga partikular na walang kamuwang-muwang na tao: Pagdating sa mga bagay na sangkot ang aming mga personal na pakinabang o kawalan, hindi kami yung tipo na nakikipagtalo at nag-aabala sa iba. Kung dapat kaming maging matiisin naging matiisin kami, kung dapat kaming maging matulungin ginawa rin namin ang aming makakaya upang maging matulungin. Bilang resulta, madalas naming matagpuan ang aming mga sarili na nagulangan at naabuso ng iba. Talagang tila sa buhay, “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos”—kung labis ang kabutihan sa iyong puso, kung masyado kang matulungin at mapagpakumbaba sa iyong mga gawain, ikaw ay nanganganib na maabuso. Ang gayong mga saloobin sa isipan, napagpasyahan ko na huwag hahayaan ang aking sarili sa lahat ng pang-aabusong ito at mamuhay pa sa pagkasiphayo: Sa mga bagay sa hinaharap at sa pakikitungo sa iba, panata ko na hindi na masyadong maging matulungin pa. Kahit matapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos, inilapat ko pa rin ang prinsipyo na ito sa pagsasagawa ng pag-uugali ko at mga pakikipag-ugnayan sa iba.

Hulyo 25, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Panloob na Kahulugan ng Gawain ng Paglupig"

*¨*•.¸¸

I
Ang panloob na kahulugan ng paglupig ng tao
ay ang bumalik sa Maylalang.
Ito'y para sa tao na talikuran si Satanas
at lubos na pagbalik sa Diyos.
Ito ang kumpletong kaligtasan ng tao.
Paglupig ay ang huling labanan.
Ito ang huling yugto ng matagumpay na plano ng Diyos.
Kung wala ito, walang taong maliligtas,
walang tagumpay na nakukuha laban kay Satanas,
walang taong pumapasok sa isang mabuting hantungan.
Sangkatauhan ay naghihirap sa impluwensiya ni Satanas.
Kaya ang pagkatalo ni Satanas ay dapat mauna 
para madala ang kaligtasan ng tao.
Lahat ng mga gawain ng Diyos ay para sa kapakanan ng tao.

Hulyo 24, 2018

10. Bakit sa pamamagitan lamang ng pagdanas at pagsunod sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao makikilala ng isang tao ang Diyos?

  .•*¨💓*•.¸¸

  Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

  “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

  “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko. Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita” (Juan 14:6-7).

Katapatan, kaligtasan, pag-ibig sa Diyos, Biblia, Salita ng Diyos

  “na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin …” (Juan 14:10).

  “Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30).

  Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Hulyo 23, 2018

9. Paano winawakasan ng pagkakatawang-tao ng Diyos para gawin ang gawain ng paghatol ang pananalig ng sangkatauhan sa malabong Diyos at ang madilim na kapanahunan ng dominyon ni Satanas?

🌳╭✿╮🌹╭✿╮🌹╭✿╮🌳
  Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

  “At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon. At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka't mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem. At siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma. Oh sangbahayan ni Jacob, halikayo, at tayo'y magsilakad sa liwanag ng Panginoon” (Isaias 2:2-5).


  Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Ang pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay nagdala ng katapusan sa Kapanahunan ng Biyaya. Naparito Siya pangunahin na upang bigkasin ang Kanyang mga salita, upang gamitin ang mga salita para gawing perpekto ang tao, upang paliwanagin at liwanagan ang tao, at upang alisin ang lugar ng malabong Diyos sa loob ng puso ng tao. Hindi ito ang yugto ng gawain na ginawa ni Jesus noong Siya ay dumating. Noong dumating si Jesus, nagpakita Siya ng maraming himala, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at isinakatuparan Niya ang gawain ng pagtubos ng pagpapapako sa krus. Bunga nito, sa kanyang mga pagkaintindi, naniniwala ang tao na ganito dapat ang Diyos. Dahil noong dumating si Jesus, hindi Niya ginawang alisin ang imahe ng malabong Diyos mula sa puso ng tao; noong Siya ay dumating, Siya ay ipinako sa krus, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ang lugar na kinalalagyan ng malabong Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na mga salita at aktwal na gawa, Kanyang pagkilos sa buong lupain, at ng natatanging tunay at normal na gawaing Kanyang isinasakatuparan kasama ng tao, Kanyang sinasanhi ang tao na ganap na maunawaan ang pagiging-tunay ng Diyos, at inaalis ang kinalalagyan ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw.