Disyembre 31, 2017
Disyembre 29, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay
I
Ang landas ng buhay ay bagay na di-taglay ng sinuman;
bagay na di madaling kunin ng kahit na sino.
Dahil buhay ay sa Diyos lang nagmumula,
Diyos lang ang may diwa ng buhay,
Diyos lang ang may landas ng buhay.
Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay,
at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay.
Mula sa paglikha ng mundo, maraming gawaing nagawa ang Diyos
na kasama ang sigla, na nagbibigay ng buhay sa tao;
Nagbayad Siya nang mahal upang tao'y makatamo ng buhay.
Dahil ang Diyos Mismo ang walang hanggang buhay;
Siya ang daan upang tao'y muling mabuhay.
Ang landas ng buhay ay bagay na di-taglay ng sinuman;
bagay na di madaling kunin ng kahit na sino.
Dahil buhay ay sa Diyos lang nagmumula,
Diyos lang ang may diwa ng buhay,
Diyos lang ang may landas ng buhay.
Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay,
at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay.
Mula sa paglikha ng mundo, maraming gawaing nagawa ang Diyos
na kasama ang sigla, na nagbibigay ng buhay sa tao;
Nagbayad Siya nang mahal upang tao'y makatamo ng buhay.
Dahil ang Diyos Mismo ang walang hanggang buhay;
Siya ang daan upang tao'y muling mabuhay.
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Habang Daan Kasama Mo
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Habang Daan Kasama Mo
Ako'y parang bangka, palutang-lutang sa dagat.
Pinili Mo ako, at sa isang kanlungan inakay Mo ako.
Ngayon sa'Yong pamilya, dama ang pag-ibig Mo,
payapang-payapa ako.
Pinagpapala Mo ako, humahatol ay salita Mo.
Nguni't bigo pa rin akong pahalagahan biyaya Mo.
Malimit nagrerebelde, sa paanuma'y sinasaktan Iyong puso.
Nguni't 'di Mo alintana sala ko
kundi gumagawa para sa 'king kaligtasan.
Disyembre 27, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Simbolo ng Disposisyon ng
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Simbolo ng Disposisyon ng
I
Ang disposisyon ng Diyos kasamang pag-ibig
N'ya't pag-aliw sa sangkatauhan,
kasama poot N'ya't lubos na pag-unawa sa mga tao.
Ang disposisyon ng Diyos,
ang disposisyon ng Diyos
ay isang Pinuno sa lahat ng may buhay
o Diyos ng mga nilikha'y dapat nagtataglay.
Ang disposisyon ng Diyos
kumakatawan ng dangal, kapangyariha't maharlika.
Disyembre 26, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulin sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa.
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos
Ngayon ako'y muling humaharap sa aking Diyos.
Puso ko'y mangungusap
pag makita ang mukha Niyang kalugod-lugod.
Iniwan ko na ang halaghag na nakaraan.
Biyaya Niyang Salita'y pinupuno ako ng kalugura't kaligayahan.
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili't dumilig sa'king pagsibol.
Disyembre 24, 2017
Ang Koro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono
Ang Koro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono
Ang matagumpay na Hari
ay nakaupo sa Kanyang maluwalhating trono.
Natapos na Niya ang pagtubos at napangunahan na
ang lahat ng Kanyang bayan upang magpakita sa kaluwalhatian.
Tangan niya ang sansinukob sa Kanyang mga kamay
at sa pamamagitan ng Kanyang dibinong karunungan at kapangyarihan
ay itinayo Niya at pinatatag ang Sion.
Disyembre 23, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita
Nagmamahal sa isa't-isa, tayo ay pamilya.
Ahh ... ahh ... ahh …
Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita;
isang pagtitipon ng mga nagmamahal sa Diyos.
Na walang kinikilingan; malapit na samasama,
ang tamis at saya sa puso'y umaapaw.
Pagsisisi sala'y iniwan natin kahapon;
ngayon tayo'y nagkakaintindihan, namumuhay sa pag-ibig ng Diyos.
Gaano kasaya kung tayo'y
nagkakaintindihan at walang katiwalian.
Mga kapatid na nagmamahal, tayo ay pamilya.
Na walang kinikilingan, malapit na samasama.
Ahh ... ahh ... ahh ...
oohing……
Tagalog Christian Movie | "Ang Sandali ng Pagbabago" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Movie | "Ang Sandali ng Pagbabago"
Si Su Mingyue ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa mainland China. Sa paglipas ng mga taon, naging tapat na lingkod siya ng Panginoon na nagpipilit mangaral para sa Panginoon at magpasan ng pasanin ng gawain para sa iglesia. Sumusunod siya sa salita ni Pablo sa Biblia, dama na sapat na ang manalig sa Panginoon para matawag na matuwid at maligtas sa pamamagitan ng biyaya. Kahit patuloy pa ring nagkakasala ang tao, napatawad na ng Panginoon ang kanyang mga kasalanan, agad babaguhin ang kanyang imahe para maging banal at iaangat siya sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon.
Disyembre 21, 2017
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Awa ng Diyos sa Sangkatauhan
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Awa ng Diyos sa Sangkatauhan
Ang "awa" ay pwedeng unawain sa iba't-ibang paraan.
Ang magmahal at pag-iingat at pag-aalaga.
Ang "awa" ito'y malalim at masidhing pagkapit.
Ito ay pag-aalagang ayaw manakit.
Ang lahat ng ito'y sumasalamin sa pag-ibig at lambing,
ito'y pahayag ng damdaming sila'y di isusuko.
Ang lahat ng ito'y sumasalamin sa pag-ibig at lambing,
ito'y pahayag ng damdaming sila'y di isusuko.
Ito'y awa ng Diyos at pagpaparaya sa tao.
Salitang karaniwan gamit ng Diyos sa tao,
ito'y nagdadala ng Kanyang puso't saloobin sa tao.
Nang Diyos ay nagwika, binunyag lahat ng ganap.
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ito ang Sangkatauhang ibig Iligtas ng Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ito ang Sangkatauhang ibig Iligtas ng Diyos
sina Eba at Adan ay di na naging tulad sa simula ng paglikha.
Ngunit puno ng mga paniwala, kaalaman, imahinasyon
at mga bagay na salungat sa Maylikha.
Puno ng tiwaling disposisyon.
Gayunpaman, sa mata ng Diyos sila'y Kanya pa ring nilikha.
Disyembre 20, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos
ay lumalaganap sa sansinukob
at dinadakila sa gitna ng lahat ng sangkatauhan.
Siyudad ng kalangita’y tumatawa,
sumasayaw kaharian sa lupa.
Sinong di magagalak? Sinong di maluluha?
Mga tao'y walang alitan;
hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.
Disyembre 18, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pananalig sa Diyos | Ano ba ang Ibig Sabihin ng Tunay na Pananalig sa Diyos?
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pananalig sa Diyos | Ano ba ang Ibig Sabihin ng Tunay na Pananalig sa Diyos?
Maraming taong naniniwala na ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, at ang masusing pagsusumikap para sa Panginoon ay ang reyalidad ng paniniwala sa Diyos. Walang sinuman sa relihiyosong mundo ang ganap na nakakaintindi sa kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pananalig sa Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang 'paniniwala sa Diyos' ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos.
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pananalig sa Diyos | Ang Masusing Pagsusumikap ba para sa Panginoon ang Reyalidad ng Paniniwala sa Panginoon?
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pananalig sa Diyos | Ang Masusing Pagsusumikap ba para sa Panginoon ang Reyalidad ng Paniniwala sa Panginoon?
Karamihan sa mga mananampalataya ay naniniwala na hangga’t sinusunod natin ang pangalan ng Panginoon, madalas na nananalangin, nagbabasa ng Biblia at nagkakaroon ng mga pulong, at hangga’t inaabandona natin ang mga bagay, gumagastos at masusing nagsusumikap para sa Panginoon, ito ang tunay na paniniwala sa Panginoon, at madadala tayo sa kaharian ng langit kapag nagbalik ang Panginoon.
Disyembre 17, 2017
Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?
Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?
Karamihan sa mga tao sa relihiyosong mundo ay naniniwala na ang Biblia ay ang panuntunan ng Cristianismo, na ang isang tao ay kailangang kumapit sa Biblia at ibatay ng buo ang paniniwala ng isang tao sa Panginoon sa Biblia, at ang isang tao ay hindi matatawag na mananampalataya kung ang isang tao ay humihiwalay sa Biblia. Kaya ang paniniwala ba sa Panginoon at paniniwala sa Biblia ay iisa at parehas? Ano ba ang eksaktong kaugnayan sa pagitan ng Biblia at ng Panginoon?
Disyembre 14, 2017
Pananalig sa Diyos | Ano ang Dinadala ng Gawain at Pagpapakita ng Diyos sa Relihiyosong Komunidad?
Pananalig sa Diyos | Ano ang Dinadala ng Gawain at Pagpapakita ng Diyos sa Relihiyosong Komunidad?
Sa bawat panahon na nagkakatawang-tao ang Diyos at nagpapakita para gawin ang Kanyang gawain, malupit na sinusuway at binabatikos ng masasamang puwersa ni Satanas ang tunay na daan. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng digmaan sa loob ng espirituwal na mundo na humahati at naglalantad sa relihiyosong mundo. Sinabi ng Panginoong Jesus, "Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak" (Mateo 10:34).
Disyembre 13, 2017
Pananalig sa Diyos | Ang Landas bang Binabatikos ng CCP at ng Relihiyosong Samahan ay Hindi ang Tunay na Daan?
Pananalig sa Diyos | Ang Landas bang Binabatikos ng CCP at ng Relihiyosong Samahan ay Hindi ang Tunay na Daan?
Maraming tao ang naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan nang hindi binabatay ang mga pagkilos na ito sa mga salita at gawain ng Diyos. Sa halip, sinusunod nila ang mga takbo ng relihiyosong mundo at naniniwala sila na ang binabatikos ng Komunistang gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo ay hindi ang tunay na daan—ito ba ang tamang daan para tahakin? Sinasabi ng Biblia, “ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19).
Pananalig sa Diyos | Ang Pagsunod ba sa Yaong nasa Kapangyarihan ay Talagang Pareho sa Pagsunod sa Diyos?
Pananalig sa Diyos | Ang Pagsunod ba sa Yaong nasa Kapangyarihan ay Talagang Pareho sa Pagsunod sa Diyos?
Sa Biblia, sabi ni Pablo, “Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios. Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili. (Roma 13:1-2). Paano ang pagtrato nating mga mananampalataya sa yaong nasa kapangyarihan? Ang pagsunod ba sa yaong nasa kapangyarihan ay talagang pareho sa pagsunod sa Diyos?
Disyembre 12, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Himno | Mga Salita ng Diyos Ang Katotohanang Kailanma'y Di-nagbabago
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Himno | Mga Salita ng Diyos Ang Katotohanang Kailanma'y Di-nagbabago
Diyos ang naglalaan sa buhay, tanging gabay.
Halaga't kahulugan ng Kanyang salita nababatid ng isip at diwa nila,
kahit pa 'di tanggapin o kilalanin.
Kahit pa walang taong tumanggap ng salita N'ya,
kahalagaha't pagtulong N'ya sa tao'y 'di masusukat.
Salita ng Diyos ay totoo, kailan ma'y 'di magbabago.
Diyos ang naglalaan sa buhay, tanging gabay.
Disyembre 11, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Himno | Ang Pag-iral ng Sangkatauha'y Nakasalalay sa Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Himno | Ang Pag-iral ng Sangkatauha'y Nakasalalay sa Diyos
ito'y para hantungan ng tao'y isaayos,
para rin kilalanin ng lahat ang Kanyang ginawa.
Nais Niyang makita ng tao na lahat ng 'to ay tama,
at pahayag ng likas Niyang disposisyon.
Kung walang D'yos, tao'y maglalaho at sasalutin ng kalamidad;
luntiang mundo'y 'di na muling makikita,
pati kagandahan ng araw at buwan.
Kung walang Diyos, tao'y 'di susulong;
kung walang Diyos, tao'y magdurusa
aapakan lang ng lahat ng uring espiritu,
kahit walang nakikinig sa Kanya.
Disyembre 10, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Himno | Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Himno | Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos
nahati sa tatlong yugto na tinawag na kapanahunan.
Una'y Kapanahunan ng Kautusan, saka Kapanahunan ng Biyaya,
at Kapanahunan ng Kaharian ang huling yugto.
Kahit magkakaiba mga gawain ng Diyos, lahat nauukol sa kailangan ng tao,
para mas tumpak, ukol sa mga panlilinlang ni Satanas sa paglaban sa Kanya.
Disyembre 9, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Himno | Umaasa ang Diyos na Makamit ang Totoong Pananampalataya't Pag-ibig ng Tao Para sa Kanya
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Himno | Umaasa ang Diyos na Makamit ang Totoong Pananampalataya't Pag-ibig ng Tao Para sa Kanya
ang tunay na bahagi Niya,
sa Kanya'y ikaw ay lalong mapapalapit;
tunay mong mapapahalagahan ang pag-ibig Niya
at malasakit Niya sa sangkatauhan;
puso mo'y ibibigay sa Kanya,
wala nang mga alinlangan
at wala nang mga hinala sa Kanya.
Disyembre 8, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |Ang Pagpapabuti ng Kakayahan ay para Matanggap ang Kaligtasan ng Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |Ang Pagpapabuti ng Kakayahan ay para Matanggap ang Kaligtasan ng Diyos
Ang pagpapabuti sa kakayahan ng mga tao ay nangangailangan na pagbutihin ninyo ang inyong kakayahang tumanggap. Ang pinakapangunahing pangangailangan sa inyo ay ang matanggap ninyo nang malinaw ang mga salita na sinasabi sa inyo. Hindi ba ito nakalilitong pananampalataya kung susundin mo Ako nang hindi nauunawaan kung ano ang Aking sinasabi? Ang inyong kakayahan ay napakababa. Ito ay dahil hindi ninyo taglay ang kakayahan na tumanggap na wala man lamang kayo ni katiting na pagkaunawa sa kung ano ang ipinahahayag. Dahil dito, napakahirap na makamit ang inaasam na mga resulta. Maraming mga bagay ang hindi maaaring sabihin sa inyo nang tuwiran at ang dating epekto ay hindi maaaring matamo. Kung gayon, ang karagdagang mga gampanin ay kailangang maidagdag sa Aking gawain. Kinakailangang ilunsad itong “pagpapataas ng kakayahan ng mga tao” na gampanin sa gitna ninyo sapagkat ang inyong mga kakayahang tumanggap, mga kakayahang makakita, at ang mga pamantayan ng inyong mga buhay ay napakababa. Ito ang kinakailangang direksyon; walang ibang pagpipilian, at ito ay kailangang gawin sa ganitong paraan upang ang isang bahagi ng mga resulta ay matamo. Kung hindi, ang lahat ng mga salitang Aking sasabihin ay mauuwi sa wala, at hindi ba kayo maaalala sa kasaysayan bilang mga makasalanan? Hindi ba kayo magiging mga mababang-uri? Ano ba ang gawaing ito na isinasagawa sa inyo? Ano ang kinakailangan sa inyo? Hindi ba ninyo alam? Kailangan ninyong malaman ang inyong sariling kakayahan; hindi nito maaabot kung ano ang Aking kinakailangan sa inyo. Hindi ba nito inaantala ang gawain? Sa inyong kasalukuyang kakayahan at ugali, walang sinuman sa inyo ang angkop na magpatotoo para sa Akin, at walang sinuman ang karapat-dapat sa gampanin nang pagpapasan sa mabigat na pananagutan ng Aking gawain sa hinaharap. Hindi ba kayo nakadarama ng labis na pagkapahiya tungkol dito? Paanong magiging posible na masapatan ang lahat ng Aking mga kahilingan kung magpapatuloy ang ganito? Dapat mong gawing ganap at kasiya-siya ang iyong buhay. Huwag mong hayaang lumipas ang panahon nang walang kabuluhan. Walang saysay ang paggawa nito. Dapat mong malaman kung anong mga bagay ang dapat isangkap sa iyo. Huwag mong ituring ang iyong sarili na isang marunong sa lahat ng trabaho. Malayo sa katotohanan! Ano ang maaaring pag-usapan kung hindi mo taglay maging ang pinakapangunahing kaalaman ukol sa sangkatauhan? Hindi ba magiging walang saysay ang lahat? Walang isa man sa gitna ninyo ang ganap na karapat-dapat kung ang pag-uusapan ay kung ano ang Aking kinakailangan ukol sa kakayahang pantao. Mahirap makahanap ng isa na karapat-dapat sa paggamit. Naniniwala kayo na kayo ay mga tao na makakagawa ng mas dakilang gawain para sa Akin at makakakuha ng isang mas malaking pagtitiwala mula sa Akin. Ang totoo, ni hindi ninyo nalalaman kung paano pasukin ang marami sa mga aral sa harap ninyo, kaya paano magiging posible na pumasok sa mas malalim na mga katotohanan? Ang inyong pagpasok ay dapat masistema. Huwag itong gawin nang walang sistema. Hindi ito magiging mabuti. Pumasok mula sa pinakamababaw na dulo—basahin ang bawat linya ng mga salitang ito hanggang sa inyong matamo ang pagkaunawa at kalinawan. Ang bawat kapatid na lalaki at kapatid na babae ay dapat makabasa man lamang. Huwag lamang susulyapan ito nang nagmamadali, at huwag gagawin nang napipilitan lamang. Karaniwan na, makapagbabasa ka rin ng ilang reperensiyang akda (gaya ng balarila o mga aklat ng retorika). Hindi kailangang magbasa ng mga aklat na nagpapasigla sa iyong isipan nang sobra (mga nobela ng pag-ibig, pornograpiya, at mga magasin, o mga talambuhay ng mga dakilang tao), na nagdudulot ng mas makakapinsala kaysa makakabuti. Dapat mong makabisa ang lahat ng dapat mong pasukin at dapat unawain. Ang layunin sa pagpapabuti ng kakayahan ay walang iba kung hindi ang tulungan ang mga tao na malaman ang kanilang sariling kakanyahan, pagkakakilanlan, kalagayan o halaga. Ano ang pangunahing bagay na dapat pasukin ng iglesia sa ibaba? Hindi ba itinataas ng mga tao ang kanilang kakayahan ngayon? Mahalagang humawak sa pagpasok na ito ng pagiging edukado; hindi ito maaring pakawalan! Ang isang aspeto ay ang dapat ninyong maintindihan kung bakit ang kakayahan ng mga tao ay dapat mapagbuti kung paanong maaaring mapagbuti ang kakayahan, at alin sa mga aspeto ang papasukin. Dapat ninyong maunawaan ang kahulugan ng normal na pagkatao, kung bakit kailangang gawin ang gawaing ito, at kung paano ito dapat magtugma. Sa pagiging edukado, aling mga aspeto ang kailangang matutunan, at kung paanong ang isa’y dapat pumasok? Dapat ninyong malamang lahat kung ano ang layunin ng pagiging edukado. Hindi ba ito upang maunawaan ang mga salita ng Diyos at pasukin ang katotohanan? Ano ang namamayaning kalagayan sa mga iglesia sa kasalukuyan? Kung hihingin ninyo sa isang tao na maging edukado, malilimutan nila ang tungkol sa pagtatamasa sa mga salita ng Diyos. Kung inyong pag-uusapan ang tungkol sa normal na pagkatao, aasikasuhin lamang nila ang paglilinis sa kanilang bahay, pagwawalis sa mga sahig o pagluluto, paglilinis ng kusina at pagbili ng mga kagamitan sa pagluluto. Aalalahanin lamang nila ang tungkol sa mga bagay na ito at hindi nalalaman kung paano normal na isabuhay ang isang pamumuhay sa iglesia. Kung hindi titingin na lamang sila ng mga salita sa diksyunaryo at matututo ng mga bagong salita, ngunit hindi na gagawa ng anuman sa buong araw. Ikaw ay lumihis kung mananatili ka sa kasalukuyang kalagayan. Kaya bakit hinihiling sa iyo na pumasok sa isang espiritwal na buhay? Ang tanging natutunan mo ay ang mga bagay na ito na hindi makakatulong sa iyong matamo kung ano ang kinakailangan sa iyo. Ang pinakamahalagang bagay pa rin ay ang pagpasok sa buhay. Ang dahilan sa paggawa sa gawaing ito ay upang lutasin ang mga paghihirap na nasasagupa ng mga tao sa kanilang mga karanasan. Ang pagpapataas ng kakayahan at pagkilala sa kalikasan ng tao at ang kakanyahan ng tao—ang pangunahing layunin sa pagkaalam sa mga bagay na ito ay upang ang espiritwal na buhay ng mga tao ay lumago at ang kanilang disposisyon ay magbago. Maaaring alam mo kung paano magbihis ng maganda at magmukhang maganda; maaaring taglay mo ang kabatiran at karunungan, ngunit sa huli, kapag dumating ang araw upang ikaw ay gumawa, hindi mo ito magagawa. Dapat mong malaman, kung gayon, kung ano ang dapat mo ring gawin habang itinataas ang iyong kakayahan. Ang baguhin ka ay layunin. Ang pagpapataas ng iyong kakayahan ay karagdagan. Hindi ito mangyayari kung ang iyong kakayahan ay hindi pinabuti. Mas lalo pang malala kung ang iyong disposisyon ay hindi mababago. Ang isa ay hindi sapat kung wala ang isa pa. Ang pagkakaroon ng normal na pagkatao ay hindi nangangahulugan na nagbabata ka ng isang umaalingawngaw na patotoo. Kung ano ang kinakailangan sa iyo ay hindi ganoon kasimple.
Disyembre 7, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |Hindi Ba Yaong mga Hindi Natututo at Walang Alam ay mga Hayop?
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |Hindi Ba Yaong mga Hindi Natututo at Walang Alam ay mga Hayop?
Ano ang pinakaangkop na paraan ng paghahanap sa kasalukuyang landas? Anong uri ng pigura dapat mong makita ang iyong sarili gaya ng sa iyong paghahanap? Dapat mong malaman kung paano haharapin ang lahat ng bagay na sumasapit sa iyo ngayon, maging ito man ay mga pagsubok o pagdurusa, malulupit na pagkastigo o mga sumpa—dapat kang magbigay ng maingat na pagsasaalang-alang sa lahat ng ito. Bakit Ko sinasabi ang ganito? Sapagkat pagkatapos ng lahat, ang sumasapit sa iyo ngayon ay maiikling pagsubok na sunod-sunod.
Disyembre 6, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ano Ang Mga Likas na Pagkakilanlan ng Taoat Kanilang Halaga
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ano Ang Mga Likas na Pagkakilanlan ng Taoat Kanilang Halaga
Kayo ay inihiwalay mula sa putik at sa paanuman, kayo’y pinili mula sa mga latak, marumi at kinasusuklaman ng Diyos. Kayo ay napabilang kay Satanas[a] at minsa’y niyurakan at dinungisan nito. Yaon ang dahilan kung bakit sinasabi na kayo ay inihiwalay mula sa putik, at kayo ay hindi banal, ngunit sa halip mga di-taong bagay na mula sa kung saan matagal nang ginawang mga hangal ni Satanas. Ito ang pinakaangkop na pagsasalarawan sa inyo.
Disyembre 4, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagsasagawa (6)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagsasagawa (6)
Sa kasalukuyan, maraming mga tao ang ni hindi taglay ang pagkamaykatwiran o ang pansariling kamalayan ni Pablo, na, bagamat siya ay pinabagsak ng Panginoong Jesus, tinaglay na ang paninindigan na gumawa at magdusa para sa Kanya. Binigyan siya ng karamdaman ni Jesus, at kalaunan, patuloy na tiniis ni Pablo ang karamdamang ito sa sandaling nagsimula siyang gumawa. Bakit niya sinabi na mayroon siyang tinik sa laman? Ang tinik, sa totoo lang, ay karamdaman, at para kay Pablo, ito ay isang nakamamatay na kahinaan.
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagsasagawa (4)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagsasagawa (4)
Ang kapayapaan at kagalakan na Aking sinasalita sa kasalukuyan ay hindi kagaya ng mga pinaniniwalaan mo at nauunawaan. Iniisip mo dati na ang kapayapaan at kagalakan ay nangangahulugan ng pagiging masaya buong araw, sa kawalan ng sakit at kasawian sa iyong sambahayan, palaging nagagalak sa iyong puso, nang walang mga pakiramdam ng kalungkutan, at isang hindi mailarawan na kagalakan sa loob mo maging anuman ang lawak ng iyong sariling buhay. Iyon ay karagdagan sa umento sa sahod ng iyong asawa at ang iyong anak na lalaki na papasok lang sa pamantasan.
Disyembre 3, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagsasagawa (1)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagsasagawa (1)
Noong una, napakaraming paglihis sa paraan ng pagdanas ng mga tao, at ito ay maaari pang nakayayamot. Sapagkat hindi nila talaga naintindihan ang mga pamantayan ng mga kinakailangan ng Diyos, maraming mga lugar kung saan ang karanasan ng mga tao ay napipilipit. Ang hinihingi ng Diyos sa tao ay para sa kanila na magawang maisabuhay ang isang normal na pagkatao. Ang mga paraan ng tao na may kaugnayan sa pagkain at pananamit, halimbawa.
Disyembre 2, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (8)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (8)
Kapag ang Diyos ay dumarating sa lupa upang makihalo sa sangkatauhan, mamuhay kasama nila, ito ay hindi lamang sa loob ng isa o dalawang araw. Marahil sa buong panahong ito ay nakilala na humigit-kumulang ng mga tao ang Diyos, at marahil ay nakatamo sila ng mahahalagang mga kabatiran hinggil sa paglilingkod sa Diyos, at sanay na sanay na sa kanilang paniniwala sa Diyos. Anuman ang kalagayan, nauunawaan ng mga tao ang disposisyon ng Diyos, at ang mga pagpapahayag ng lahat ng uri ng pantaong mga disposisyon ay totoong iba-iba.
Disyembre 1, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (7)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (7)
Maaari nating lahat makita sa ating praktikal na mga karanasan na maraming beses na personal nang binuksan ng Diyos ang isang landas para sa atin upang ang lalakaran nating landas ay mas matatag, mas makatotohanan. Ito ay dahil sa ang landas na ito ay yaong binuksan ng Diyos para sa atin mula pa sa simula ng panahonat ipinasa sa ating salinlahi pagkatapos ng sampu-sampung libong taon. Kaya tayo ang hahalili sa ating mga sinundan na hindi nilakaran ang landas hanggang sa katapusan nito; tayo yaong mga pinili ng Diyos para lumakad sa huling bahagi ng daang ito.
Nobyembre 30, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (6)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (6)
Dahil sa gawain ng Diyos kaya tayo ay nadala tungo sa kasalukuyan. Kaya, lahat tayo ay mga nanatiling buháy sa planong pamamahala ng Diyos, at na tayo ay maaaring mapanatili hanggang sa kasalukuyan ay isang dakilang pagtataas mula sa Diyos. Ayon sa plano ng Diyos, ang bansa ng malaking pulang dragon ay dapat na wasakin, nguni’t Aking iniisip na marahil ay nakapagtatag Siya ng isa pang plano, o nais Niyang isakatuparan ang isa pang bahagi ng Kanyang gawain. Kaya hanggang sa ngayon ay hindi Ko pa rin naipaliliwanag ito nang malinaw—para bang ito ay isang di-maipaliwanag na palaisipan.
Nobyembre 28, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Is Obedience to Pastors and Elders the Same as Obedience to God?
Is Obedience to Pastors and Elders the Same as Obedience to God?
Some believers believe that the pastors and elders of the religious world have all been chosen and appointed by the Lord, and that they are all people who serve the Lord. So they believe that only obeying the pastors and elders is obeying the Lord, and that defying or condemning the pastors and elders is defying the Lord.
Nobyembre 27, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (5)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (5)
Dati ay walang nakakakilala sa Banal na Espiritu, at partikular na hindi nila nalalaman kung ano ang landas ng Banal na Espiritu. Kaya laging dinadaya ng mga tao ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos. Maaaring masabi na halos lahat ng mga tao na naniniwala sa Diyos ay hindi nakakakilala sa Espiritu, kundi mayroon lamang isang litóng uri ng paniniwala. Maliwanag mula rito na hindi nauunawaan ng mga tao ang Diyos, at kahit sinasabi nila na sila ay naniniwala sa Kanya, sa mga tuntunin ng diwa nito, batay sa kanilang mga pagkilos sila ay naniniwala sa kanilang mga sarili, hindi sa Diyos.
Nobyembre 26, 2017
Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Throwing off the Fetters of Religious Conceptions: Break the Spell
Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Throwing off the Fetters of Religious Conceptions: Break the Spell
Isang elder si Fu Jinhua sa isang iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming iba pang mga Tsino, masigasig niyang inilaan ang kanyang sarili sa Panginoon, nagpakapagod nang lubos para sa Kanya. Partikular siyang may tiwala sa kanyang sarili, at tinuruan ang kanyang sarili na maging isang taong tunay na nagmahal sa Panginoon. Sinunod niya ang Panginoon nang maraming taon, buong puso siyang naniwala na ang Biblia ay pinukaw ng Diyos, at ang mga salita sa Biblia ay salita lahat ng Diyos.
Nobyembre 25, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Pagkakatawang-tao Lamang ng Diyos Magiging Katiwala Niya Ang Tao
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Pagkakatawang-tao Lamang ng Diyos Magiging Katiwala Niya Ang Tao
Siya'y nagkakatawang-tao't nananahan sa tao,
saka lang sila maaring maging,
kanyang katiwala't matalik na kaibigan.
Paano magiging katiwala ng Diyos ang tao
kung ang Diyos ay espiritu, angat at mahirap arukin?
Tanging sa pagkakatawang-tao lamang ng Diyos
mauunawaan ng tao ang kalooban Niya at matamo Niya.
Nobyembre 24, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos
dapat hanapin kalooban N'ya,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos.
Dahil kung nasa'n bagong salita N'ya,
naroon din ang tinig, ang tinig ng Diyos;
kung nasaan bakás ng Diyos,
naro'n gawa N'ya, naro'n gawa N'ya.
Kung nasaan pahayag ng Diyos,
naro'n pagpapakita, pagpapakita ng Diyos,
at kung nasaan pagpapakita ng Diyos,
naroon ang katotohanan, daan, buhay.
Nobyembre 23, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito
Siya lang ang nagmamahal sa Kanyang mga nilikha, sa Kanyang mga nilikha.
Bawa't isipin Niya'y para sa kabutihan ng tao.
Bawa't damdamin Niya'y kapulupot ng kanilang pag-iral.
Kapahayagan ng kung ano at mayroon Siya ay para sa tao.
Lahat ay para sa tao.
Nobyembre 22, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (4)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (4)
Na nakakaya ng mga tao na matuklasan ang kariktan ng Diyos, mahanap ang daan ng pagmamahal sa Diyos sa kapanahunang ito, at na sila ay handang tanggapin ang pagsasanay ng kaharian ngayon—lahat ng ito ay biyaya ng Diyos at lalong higit pa, ito ay Siya na nagtataas sa sangkatauhan. Kapag iniisip Ko ito nadarama Ko nang matindi ang kariktan ng Diyos. Tunay na minamahal tayo ng Diyos. Kung hindi, sino ang makakatuklas sa Kanyang kariktan? Dito Ko lamang nakikita na ang lahat ng gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Sarili Niya, at ang mga tao ay ginagabayan at pinapatnubayan ng Diyos.
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (3)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (3)
Sa Aking sariling buhay, Ako ay laging handang ibigay ang Aking sarili sa Diyos nang buo, katawan at isipan. Sa paraang ito, walang paninisi sa Aking konsensya at Ako ay nakatatamo ng kaunting kapayapaan. Ang isang tao na naghahabol sa buhay ay dapat munang ibigay ang kanilang puso sa Diyos nang buo. Ito ay paunang-kundisyon. Nais Kong ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay manalanging kasama Ko sa Diyos: “O Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu sa langit ay magkaloob ng biyaya sa mga tao sa lupa upang ang Aking puso ay lubos na babaling sa Iyo, upang ang Aking Espiritu ay maantig Mo, at upang makita Ko ang Iyong kariktan sa Aking puso at Aking Espiritu, upang yaong mga nasa lupa ay mapagpala na makita ang Iyong kagandahan. Diyos!
Nobyembre 19, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (2)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (2)
Marahil ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may bahagyang balangkas ng pagkakasunud-sunod, mga hakbang, at mga pamamaraan ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, nguni’t lagi Kong nadarama na mas mabuting magkaroon ng pag-aalaala o isang munting kabuuan para sa ating mga kapatirang lalaki at babae. Ginagamit Ko lamang ang pagkakataong ito upang sabihin nang bahagya kung ano ang nasa Aking puso; Hindi Ako nagsasalita tungkol sa anuman sa labas ng gawaing ito.
Nobyembre 18, 2017
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pangwakas na Bunga na Layong Makamit ng Gawain ng Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pangwakas na Bunga na Layong Makamit ng Gawain ng Diyos
Sa mga gawain ng Diyos,
sinumang tunay ang pagdanas
may galang at takot sa Kanya,
mas mataas kaysa paghanga.
Kastigo't paghatol N'ya
tao'y kita disposisyon N'ya,
sa puso nila'y igalang S'ya.
Diyos ay dapat sambahin at sundin,
dahil anyo't disposisyon Niya
kaiba sa mga nilalang,
higit sa mga nilalang.
Diyos lang marapat sambahin at pasakop.
Ang dumanas sa gawa ng Diyos,
na may tunay na kaalaman sa Kanya,
lahat sila'y iginagalang S'ya.
Yaong may mga isipín laban sa Diyos,
di S'ya turing na Diyos, walang galang,
di nasakop, kahit sumusunod.
Sila ay likas na masuwayin.
Gawa ng Diyos kamtin ito:
Lahat ng nilalang igalang ang Lumikha.
Lahat sumamba sa Diyos
at buong-pusong pasakop sa dominyo N'ya.
Dahil anyo't disposisyon Niya
kaiba sa mga nilalang,
higit sa mga nilalang.
Diyos lang marapat sambahin at pasakop.
Gawain N'ya'y kakamtin 'to sa wakas.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)