Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Disyembre 27, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Simbolo ng Disposisyon ng

buhay, Ebanghelyo, Jesus, Pag-ibig, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Himno

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Simbolo ng Disposisyon ng



I
Ang disposisyon ng Diyos kasamang pag-ibig 
N'ya't pag-aliw sa sangkatauhan,
kasama poot N'ya't lubos na pag-unawa sa mga tao.
Ang disposisyon ng Diyos,
ang disposisyon ng Diyos
ay isang Pinuno sa lahat ng may buhay
o Diyos ng mga nilikha'y dapat nagtataglay.
Ang disposisyon ng Diyos
kumakatawan ng dangal, kapangyariha't maharlika.

kumakatawan ng kadakilaan at kataasan.
Diyos ay pinakamataas at marangal,
ang tao'y walang halaga't mababa.
Diyos isinakripisyo'y sarili para sa tao,
ngunit gawa ng tao'y pansarili lang.

II
Ang disposisyon ng Diyos
ay simbolo ng awtoridad, ng lahat ng matuwid,
at ng lahat ng maganda.
Ang disposisyon ng Diyos,
sinasagisag nito'y Diyos di mapipigilan
o maaatake ng kahit anong pwersa ng kalaban.
Walang nilikhang pinapayagang magkasala sa Kanya.
Disposisyon ng Diyos 
simbolo ng pinakamataas na kapangyarihan.
Walang may pahintulot na makialam 
sa Kanyang gawain o ang Kanyang disposisyon.
Diyos nagpapagal para tao'y manatili,
ang tao'y walang binibigay sa liwanag o pagkamatuwid.

III
Ang tao'y nagsisikap man, isang ihip lang susuko rin.
Gawa'y para sa sarili niya lang, di para sa iba.
Diyos ay pinakamataas at marangal,
ang tao'y walang halaga't mababa.
Diyos isinakripisyo'y sarili para sa tao,
ngunit gawa ng tao'y pansarili lang.
Tao'y makasarili, Diyos ay di-makasarili.
Diyos bukal ng lahat na, mabuti't maganda,
ang tao'y kahalili ng lahat nang kapangitan at kasamaan.
katarunga't ganda ng Diyos ay di magbabago.

IV
Diyos nagpapagal para tao'y manatili,
ang tao'y walang binibigay sa liwanag o pagkamatuwid.
Ang tao'y nagsisikap man, isang ihip lang susuko rin,
pagka't tao'y laging makasarili.
Diyos ay pinakamataas at marangal,
ang tao'y walang halaga't mababa.
Maganda't matuwid na nilalaman ng Diyos di magbabago,
Nilalamang taglay N'ya'y di magbabago kailanman.
Nguni't anumang oras tao'y maaaring tumalikod 
at lumáyô sa Diyos.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Ano ang Ebanghelyo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento