Lahat tayo ay naniwala sa Panginoon nang maraming taon, at lagi nating sinusunod ang halimbawa ni Pablo sa ating gawain para sa Panginoon. Naging tapat tayo sa pangalan at paraan ng Panginoon, at siguradong naghihintay sa atin ang korona ng pagkamatuwid. Ngayon, kailangan lang nating magtuon sa pagsusumikap para sa Panginoon, at pagmamasid sa Kanyang pagbabalik. Sa gayon lamang tayo maaaring dalhin sa kaharian ng langit. Iyon ay dahil sinabi sa Biblia na “at ang nangaghihintay sa akin ay hindi mangapapahiya” (Isaias 49:23). Naniniwala kami sa pangako ng Panginoon: Dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit sa Kanyang pagbabalik. May mali ba talaga sa pagsampalataya sa ganitong paraan?
Sagot: Sa pagmamasid sa pagdating ng Panginoon, pinaniniwalaan ng karamihang tao na kailangan lang nilang magsumikap para sa Panginoon, at sundin ang halimbawa ni Pablo, para tuwirang madala sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Para sa kanila, mukha namang tama na mamuhay sa ganitong paraan, at walang sinuman ang hindi sumasang-ayon. Ngunit tayong mga naniniwala sa Diyos, ay dapat hanapin ang katotohanan sa lahat ng bagay. Kahit naaayon sa pagkaintindi ng mga tao ang pamumuhay sa gayong paraan, naaayon ba ito sa mga naisin ng Diyos? Palagay ko dapat nating malaman: ang mga salita ng Diyos ay mga prinsipyo ng ating mga kilos, pamantayan iyon ng pagsukat sa lahat ng tao, bagay, at paksa. Kung mamumuhay tayo ayon sa mga salita ng Diyos, tiyak na matatanggap natin ang pagsang-ayon ng Diyos. Kung tataliwas tayo sa mga salita ng Diyos, at mamumuhay alinsunod sa ating mga sariling pagkaintindi at mga imahinasyon, tiyak na tayo’y kapopootan at itatakwil ng Diyos. Maaari ba talaga tayong tuwirang madadala sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng pagmamasid at paghihintay at pagsusumikap para sa Panginoon? Tingnan natin kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus sa “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21-23). Makikita natin sa mga salita ng Panginoong Jesus na sinabi lang ng Panginoong Jesus na “kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” Hindi Niya sinabi na lahat ng tapat sa pangalan ng Panginoong Jesus at nagsusumikap para sa Panginoon ay gagantimpalaan, at papasok sa kaharian ng langit. Hindi ba ito totoo? Hindi sinabi ng Panginoong Jesus na kailangan lang magsumikap ang mga tao para sa Panginoon para makapasok sa kaharian ng langit. Para sa akin, ito ang ating mga pagkaintindi at imahinasyon. Kung, tulad ng ating mga pagkaintindi, lahat ng nangangalaga sa pangalan ng Panginoon at nagsusumikap para sa Kanya ay papasok sa kaharian ng langit, bakit tinawag ng Panginoon na masasamang tao ang ilan sa mga nangaral at nagpalayas ng mga demonyo sa pangalan ng Panginoong Jesus? Ipinapakita nito na ang pagsusumikap para sa Panginoon ay hindi nangangahulugang pareho sa paggawa ng kalooban ng Diyos. At bakit naman? Dahil maraming taong nagsusumikap para sa Panginoon para pagpalain sila, at hindi para tunay na sundin ang Diyos. Naroon pa rin ang kanilang masamang disposisyon. Mayroon pa rin silang mga pagkaintindi tungkol sa Diyos, at sinusuway, kinokontra, at hinuhusgahan pa rin nila Siya. Namumuhi pa nga ang iba sa katotohanan, tulad ng mga Fariseo. Gaano man sila magsumikap para sa Panginoon, paano magagawa ng mga naturang tao ang kalooban ng Diyos? Sa likas na pagkatao, kinokontra ng gayong mga tao ang Diyos. Para makapasok sa kaharian ng langit sa pamamagitan lang ng pagsusumikap para sa Panginoon, hindi ito matitiis ng Langit! Sang-ayon ba kayong lahat?
Kaya sino mismo yaong tinutukoy ng mga sunusunod sa kalooban ng Diyos? Yaong mga gumagawa ng kalooban ng Diyos ay yaong mga tunay na sumusunod sa Diyos. Nagpapakita ng pagdadakila sa Diyos ang pagsunod sa Diyos, paggalang sa Diyos, pagpapasakop sa gawain ng Diyos, pagsasabuhay at pagdadanas ng salita ng Diyos, at dahil doon ay nagkakaroon ng kaalaman sa Diyos, nagkakaroon ng totoong pagmamahal sa Kanya at para makasaksi sa Kanya. Nakikita ito sa pamamagitan ng hindi pagkalaban o pagtatakwil sa Diyos anumang oras, sa ilalim ng anumang sitwasyon. Yaong mga nakakamit nito ang mga gumagawa ng kalooban ng Diyos. Nakita natin kung paanong, kahit nagsusumikap sila para sa Panginoon at gumagawa ng malalaking sakripisyo, ginagawa ito ng marami sa mga naniniwala sa Panginoon para magantimpalaan, at makapasok sa kaharian ng langit, at matamasa ang masaganang biyaya. Hindi para mahalin ang Diyos at sundin Siya Ang naturang debosyon sa Diyos ay para ring nakikipagkasundo sa Kanya. Sa kabila ng pagsusumikap para sa Diyos, maraming tao ang hindi ipinamuhay kailanman ang katotohanan, ni dinadakila o pinatotohanan ang Diyos. Sa halip, kadalasa’y iniidolo nila ang kanilang sarili, at pinasasamba at pinasusunod sa kanila ang iba. Lahat ng ginagawa nila ay para manatili ang kanilang sariling posisyon at kita. Gayon ba ang mga taong namumuhay ayon sa mga salita ng Diyos at sumusunod sa Diyos? Sila ba yaong mga sumusunod sa kalooban ng Diyos? Nagsisilbi ang mga naturang tao sa Diyos, ngunit Siya’y kinakalaban din nila, sila ang mga hipokritong Fariseo. Masasabi na sila’y masasamang tao. Paano naging kwalipikadong makapasok ang mga taong katulad nito sa kaharian ng langit? Mula rito makikita natin na yaong mga mukhang nagsusumikap para sa Panginon, ngunit hindi naipamuhay ang katotohanan, ay hindi dinadakila at pinatotohanan ang Diyos para mahalin Siya at isakatuparan ang Kanyang kalooban. Ang gayong mga tao ay hindi ginagawa ang kalooban ng Diyos! Nagsusumikap sila para sa Panginoon para matanggap nila ang Kanyang mga pagpapala at makapasok sila sa kaharian ng langit, ngunit wala namang pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay, kinokontra pa rin nila ang Diyos. Tulad ng mga Fariseo, nagkukunwari lang silang mabuti, at sa huli’y isusumpa sila ng Diyos! Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ako ang magpapasya sa magiging hantungan ng bawat tao, hindi base sa edad, mataas na katungkulan, laki ng paghihirap, at lalong hindi ang antas ng kahirapan; ngunit sa kung sila ay nagtataglay nang katotohanan. Wala ng iba pang pagpipilian kundi ito lamang. Dapat mapagtanto ninyo na ang lahat ng hindi susunod sa kalooban ng Diyos ay maparurusahan. Ito ay hindi nababagong katotohanan. Samakatuwid, yaong mga naparusahan ay pinarusahan para sa pagkamatuwid ng Diyos at bilang pagganti sa kanilang masasamang gawain” (“Dapat Gumawa Ka nang Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nililinaw ito nang husto ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Kung makakapasok tayo sa kaharian ng langit o hindi ay hindi batay sa kung gaano tayo nagsumikap, o gaano tayo nagdusa. Batay ito sa kung ipinamumuhay natin ang mga salita ng Diyos o hindi, kung sinusunod natin ang mga utos ng Diyos o hindi at kung ginagawa natin ang kalooban ng Diyos o hindi. Gayon ang mga pamantayan at prinsipyo sa pagpasok sa kaharian ng langit. Subalit, may mga taong bulag na kumakapit sa mga salita ni Pablo “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, Natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran.…” (2 Timoteo 4:7). Ginagawa nilang teoretikal na batayan ang mali na mga pananaw ni Pablo para makapasok sa kaharian ng langit. Kaya gaano man sila magdusa, o anumang mga sakripisyo ang gawin nila, hindi pa rin kaya ng mga taong ito na matanggap ang pagsang-ayon ng Diyos, lalo na ang makapasok sa kaharian ng langit!
Kababahagi lang namin na makakapasok lang ang mga tao sa kaharian ng langit sa pagsunod sa kalooban ng Ama sa langit. Kaya ano ang mga hinihingi ng Diyos para mamasdan at mahintay ang pagdating ng Panginoon? Pinaniniwalaan ng maraming tao na kailangan lang nilang magsumikap para sa Panginoon, at magdusa habang pasan nila ang krus, at maging tapat sa pangalan ng Panginoon. Sa paggawa nito, naniniwala sila, nagmamasid at naghihintay sila, at pagdating ng Panginoon ay tiyak na hindi Niya sila pababayaan. Sa katunayan, napakalinaw ng sinabi ni Jesus tungkol sa pagmamasid at paghihintay “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” ( Mateo 25:6). Nariyan din ang Pahayag “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya’y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15). “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). Sa Aklat ng Pahayag ilang beses ding binanggit na “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Sa mga propesiyang ito malinaw nating nakikita na kapag nagbalik ang Panginoong Jesus sa mga huling araw, magsasalita Siya sa mga iglesia. Kaya inutusan tayo ng Panginoon na maging matatalinong birhen, at bigyang-pansin ang pakikinig sa Kanyang tinig. Kailangan nating lumabas at tanggapin ang Panginoon kapag narinig natin ang Kanyang tinig. Doon lamang tayo magiging mga tao na nagmamasid at naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon at pupunta sa piging ng kasalan ng Kordero at dadalhin sa harapan ng trono ng Diyos. Ang kuwento tungkol sa piging ng kasalan ng Kordero na sinabi sa Aklat ng Pahayag ay tumutukoy sa pagtanggap sa paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw, at kaluguran sa tubig ng ilog ng buhay na dumadaloy mula sa trono ng Diyos, ibig sabihin, pagtanggap sa lahat ng katotohanang ipinahahayag ni Cristo sa mga huling araw, at sa huli ay mapadalisay ng Diyos para maging mananagumpay. Ang mga mananagumpay lamang na ito ang papasok sa kaharian ng langit. Ngayon, Si Cristo sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay ipinahayag na ang lahat ng katotohanan para sa kaligtasan at pagdalisay ng tao. Inilathala na online ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos para hanapin at suriin ng mga tao sa mga bansa at teritoryo sa buong mundo. Sa paghahanap at pagsusuri sa mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang matatalinong birheng iyon ay nakilala ang tinig ng Diyos, at bumalik sa harapan ng trono ng Diyos. Tanging ang mga taong tulad nito ang dadalo sa piging sa kasalan ng Kordero, at ang mga mananagumpay na gagawin ng Diyos bago sumapit ang sakuna. Masasabi na ang mga taong ito lamang ang siyang papasok sa kaharian ng langit. Maraming tao ang naniniwala na ang pagmamasid at paghihintay sa pagdating ng Panginoon ay kailangan lamang ng pagsusumikap para sa Panginoon. Hindi nila hinahanap ang katotohanan sa malaking isyu ng pagdating ng Panginoon. Pikit-mata silang kumakapit sa sarili nilang mga pagkaintindi at imahinasyon, at ayaw nilang pakinggan ang tinig ng Diyos, at hindi nila kailanman namasdan ang pagpapakita ng Panginoon. Ang pagmamasid at paghihintay sa ganitong paraan, kung gayon, ay hindi totoo ni makahulugan. Ang pagmamasid at paghihintay ay walang kinalaman sa ating mga kilos. Ang susi ay kung naririnig ba natin ang tinig ng Panginoon o hindi, at kung tinatanggap ba natin ang pagbabalik ng Panginoon o hindi. Ang pinakamahalaga ay kung kaya ba nating makamtan ang epektong ito o hindi. Basahin natin ang isang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Ang pagbalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga tao na kayang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga tao na hindi kayang tanggapin ang katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mayabang na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang. Pinapayuhan Ko kayo na tahakin nang maingat ang landas ng paniniwala sa Diyos. Huwag kayong magsalita nang tapos; bukod pa rito, huwag maging mapagwalang-bahala at walang-ingat sa inyong paniniwala sa Diyos. Dapat man lang ninyong malaman na yaong mga naniniwala sa Diyos ay dapat maging mapagpakumbaba at mapitagan. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit minaliit ito ay mga hangal at mangmang. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit walang-ingat na nagsasalita nang tapos o hinuhusgahan ito ay puno ng kayabangan. Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang may karapatang sumpain o husgahan ang kapwa. Kayong lahat ay dapat maging isang taong makatuwiran at tumatanggap sa katotohanan” (“Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Ngayon, ginagawa ng nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Sa pagpapayahag ng katotohanan, ibubunyag ng Makapangyarihang Diyos ang bawat uri ng tao. At maririnig ng mga tupa ng Diyos ang tinig ng Diyos. Lahat ng naghahanap at sumusuri sa tunay na daan, at tumatanggap sa katotohanan, ay ililigtas ng Diyos. Kasabay nito, ibubunyag ng Diyos ang masasamang taong arogante at ayaw tanggapin ang katotohanan, gayundin ang mga anticristo na bumabatikos at lumalapastangan sa Makapangyarihang Diyos. Ang mga taong ito ay pawang hinatulan at inalis ng Diyos. Ngayon, ang gawain ng Diyos na naging tao ay halos tapos na. Ibig sabihin, ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos ay matatapos na. Kaya, ang gawain ng pagdadala sa iglesia ay malapit na malapit nang matapos. Hindi dapat mag-aksaya ng oras ang matatalinong birhen sa pagsusuri at pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kung hindi, magsasara ang mga pintuan tungo sa kaligtasan. Kung maghihintay ka hanggang hayagang lumitaw ang Panginoon habang nakasakay sa ulap, maaaring iniisip mo ang mga salita ng Panginoon, “Sapagka’t ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma’y nagsisampalataya” (Juan 20:29). Hindi ko alam kung ang kahulugan ng mga salitang ito ay matanggap ang pagsang-ayon ng Diyos o kondenahin ng Diyos.
mula sa iskrip ng pelikulang Paghihintay