Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Abril 1, 2019

Maikling Dula | "Ang Pagmamatyag" | Why Are Christians Unable to Return Home? (Tagalog Dubbed)


Maikling Dula | "Ang Pagmamatyag" | Why Are Christians Unable to Return Home? (Tagalog Dubbed)


Si Xu Huilin at ang kanyang asawang si Zhiyong ay mga lider sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tumakas sila mula sa kanilang bayang sinilangan matapos malaman na tinutugis sila ng pamahalaan ng China dahil sa kanilang mga paniniwala. Ang kaisa-isa nilang anak na si Lingling ay nakitira sa lola niya, at umaasa sila sa isa’t isa. Lihim na umuwi si Xu Huilin noong Bisperas ng Bagong Taon para makasama ang kanyang pamilya, pero nagmamatyag na ang mga pulis, sa pag-asang maaresto ang mag-asawa. Doon nagsisimula ang kuwento …

Manood ng higit pa:pananampalataya

Marso 31, 2019

Sa Katindihan ng Taglamig | Ang Matagumpay na Patotoo ng isang Cristiano


Sa Katindihan ng Taglamig | Ang Matagumpay na Patotoo ng isang Cristiano (Trailer)


Ang pangalan niya ay Xiao Li. Naninwala siya sa Diyos nang mahigit sa isang dekada. Noong taglamig ng 2012, inaresto siya ng pulisya ng Komunistang Tsino sa isang kongregasyon. Sa panahon ng pagsisiyasat, paulit-ulit siyang hinikayat, binantaan, binugbog at pinahirapan ng pulisya sa kanilang pagtatangka na akitin siya na ipagkanulo ang Diyos sa pamamagitan ng pagbubunyag ng kinaroroonan ng mga lider at pera ng iglesia.

Marso 30, 2019

Tagalog Christian Movies | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters


Tagalog Christian Movies | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)


Madalas sabihin ng mga tao na "Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag." Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw. Kapag binuklat natin ang pahayagan o binuksan ang TV, ang pangunahing nakikita natin ay: mga digmaan, lindol, tsunami, bagyo, sunog, baha, pagbagsak ng mga eroplano, sakuna sa minahan, kaguluhan sa lipunan, matitinding alitan, pag-atake ng mga terorista, atbp. Lahat ng nakikita natin ay mga likas na kalamidad at mga sakunang dulot ng tao. Ang mga sakunang ito ay madalas mangyari at mas tumitindi. Ang masidhing pagdami ng sakuna ay may kasamang pagdurusa, dugo, pagkabalda at kamatayan. Nangyayari ang mga kasawian sa ating paligid sa lahat ng oras, na nagbibigay-diin na maikli at marupok ang buhay. Wala tayong paraan para mahulaan kung anong klaseng mga sakuna ang mararanasan natin sa hinaharap. Bukod pa rito, hindi natin alam kung ano ang dapat nating gawin. Bilang bahagi ng sangkatauhan, ano ang dapat nating gawin upang makalaya sa mga sakunang ito? Sa programang ito, malalaman mo ang sagot. Malalaman mo ang tanging paraan para matanggap ang proteksyon ng Diyos upang makaligtas ka sa nakaambang mga sakuna.

Marami pang mga magagandang Kristiyanong awitin ng mga karanasan sa buhay ay kapaki-pakinabang para sa aming pag-unlad ng buhay. Maligayang pagdating sa makinig nang libre.

Marso 29, 2019

Pamilya | Paano ako Nakawala sa Sakit ng Nawalang Pag-ibig

Pamilya | Paano ako Nakawala sa Sakit ng Nawalang Pag-ibig


Maganda ang pag-ibig, ngunit masakit kapag nawala iyon. Naniniwala akong marami nang tao ang nakaranas nito. Minsan na rin akong nasaktan ng pag-ibig, ngunit ang kaiba sa akin ay nagkamit ako ng isang bagay na mas mahalaga pa sa pamamagitan ng pagkawala niyon.

Marso 28, 2019

Tagalog Christian Movies | May Iba pa Bang mga Salita ang Diyos Maliban sa Nasa Biblia?



Tagalog Christian Movies | "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!" - May Iba pa Bang mga Salita ang Diyos Maliban sa Nasa Biblia? (Clip 1/5)


Sinasabi sa Biblia, "At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak" (Pahayag 5:1). "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago" (Pahayag 2:17).

Marso 25, 2019

Tagalog Christian Songs | Nagpapakasakit ang Diyos para Iligtas ang Tao


Tagalog Christian Songs | Nagpapakasakit ang Diyos para Iligtas ang Tao


I
Sa katawang-tao, Diyos ay gumawa nang maraming taon,
marami na Siyang sinabi.
Nagsisimula Siya sa "pagsubok sa taga-serbisyo,"
at nagpopropesiya at nagsisimulang humatol,
gumagamit ng pagsubok ng kamatayan para magpadalisay.
At inaakay ang mga tao sa tamang daan
ng pananalig sa Diyos, nagsasalita,
ibinibigay sa mga tao ang lahat ng katotohanan,
nilalabanan ang lahat ng uri ng pagkaunawa.