Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Pebrero 3, 2019

Awit at Papuri | "Tularan ang Panginoong Jesus"


Tularan ang Panginoong Jesus

I
Tinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,
ang pagtubos sa lahat ng tao
sa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N'ya,
nang walang pansariling layunin o plano.
Nakasentro Siya sa plano ng Diyos.
Sa Ama sa langit, S'ya'y nanalangin,
hinahanap ang kalooban Niya.
S'ya'y naghahanap at laging nananalangin.

Pebrero 2, 2019

3. Paano pinadadalisay at inililigtas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang sangkatauhan?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).

Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).

Pebrero 1, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ano ang Inyong Naibigay-ganti sa Diyos



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Praise Songs | Ano ang Inyong Naibigay-ganti sa Diyos

I
Ang Diyos ay nakapiling ninyo
sa ilang taglagas at tagsibol.
Namuhay Siya sa piling ninyo nang matagal.
Sa harap N'ya ilan sa inyong
masasamang gawa ang nakakalusot?
Taos-puso n'yong salita, umaalingawngaw 'to sa tainga ng Diyos.
Hindi mabilang ang milyon-milyon sa inyong mga kagustuhan,
sa dambana N'ya ang mga ito'y nilalagay.
Subalit walang pag-aalay, walang patak ng katapatan
sa dambana N'ya nilalagay ninyo.
Nasaan ang mga bunga ng inyong paniniwala?

Enero 31, 2019

Salita ng Diyos | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas


"Sa mga kasiyahan at kalungkutan ng pagkakahiwalay at pagkatapos ay muling nakasama ang tao, hindi kami nakakapagpalitan ng mga saloobin. Magkabukod sa langit sa itaas at sa ibaba sa lupa, hindi namin magawa ng tao na magtagpo nang palagian. Sino ang nakakalaya mula sa galimgim? Sino ang nakakapigil sa pag-alala sa nakaraan? Sino ang hindi masasabik na umasam sa pagpapatuloy ng masayang damdamin ng nakaraan? Sino ang hindi umaasa sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nagnanais sa muli Kong pakikiisa sa tao? Malalim ang pagkabagabag ng Aking puso, at matindi ang pag-aalala ng espiritu ng tao. Bagama’t pareho ang aming mga espiritu, hindi kami maaaring magkasama nang madalas, at hindi namin maaaring makita ang isa’t isa nang madalas....

Enero 30, 2019

Tagalog Gospel Crosstalk | Isang Planong "Mangisda" | CCP's Persecution of Christians by Evil Means


Filipino Variety Show | Isang Planong "Mangisda" | CCP's Persecution of Christians by Evil Means

Si Zhou Zhiyong ay isang Kristiyanong inaresto ng pulisyang CCP dahil sa pangangaral ng ebanghelyo. Pagkaraan ng kalahating buwan ng malupit na pagpapahirap na walang ibinunga ang kanilang interogasyon, bigla siyang pinalaya ng gobyernong CCP. Lihim na natuwa si Zhou Zhiyong na makaalis sa masamang lugar na iyon. Pero nang naghahanda na siyang makipagkita sa kanyang mga kapatid, nagkasunud-sunod ang mga kakatwang pangyayari….

Enero 29, 2019

Mga Patotoo | Ano ang Kahulugan ng Tunay na Pagbabago?

Jinru Lungsod ng Nanyang, Lalawigan ng Henan

Kapag ang isang kapatid ay nagpakilala ng aking mga pagkakamali o hindi nakinig sa aking opinyon ay nadarama ko ang hindi pagsang-ayon o nakikipagtalo sa kanila. Ikinalungkot ko ang aking mga pagkilos pagkatapos, ngunit kapag nahaharap sa mga bagay na ito, hindi ko mapigilan ang aking sarili sa pagbubunyag ng aking masamang disposisyon. Malubha akong nabagabag nito, at naisip ko: Bakit ang mga salita ng iba ay nadadaig ako sa pagkagalit? At bakit hindi ako nagbago ni kaunti sa kabila ng walong taon ng pagsunod sa Diyos? Nag-alala ako at paulit-ulit na hinanap ang Diyos para sa kasagutan.

Enero 28, 2019

Clip ng Pelikulang (4) "Talaga Bang Kinasihan ng Diyos ang Buong Biblia?"


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | The bible tagalog movies | "Talaga Bang Kinasihan ng Diyos ang Buong Biblia?"

Halos lahat ng tao sa mga relihiyon ay naniniwala na "ang buong kasulatan ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos," at lahat ng nasa Biblia ay salita ng Diyos. Umaayon ba sa mga tunay na pangyayari ang ganitong klaseng pahayag? Ang Biblia ay patotoo lamang tungkol sa Diyos, isang talaan ng Kanyang gawain, at hindi ganap na binubuo ng Kanyang mga binigkas. Sa loob ng Biblia, tanging ang mga salita ng Diyos na si Jehova, mga salita ng Panginoong Jesus, mga propesiya ng Pahayag at mga salita sa mga propeta na ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos, ang salita ng Diyos. Maliban diyan, karamihan sa natira ay patungkol sa mga tala tungkol sa kasaysayan at mga patotoo tungkol sa mga karanasan ng tao. Kung nais mong malaman ang tunay na kuwento sa loob ng Biblia, panoorin lamang ang videong ito!