Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Enero 5, 2019

Mga Patotoo | Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?

pag-ibig ng Diyos

Siqiu Lungsod ng Suihua, Lalawigan ng Heilongjiang


Sa tuwing nakikita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwat ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ang mga hadlang sa buhay, at ang pag-abandona ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o tinitiis ang anumang ibang mga kasawian sa buhay, sa gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). lubha akong hindi nasisiyahan- ang pakiramdam ng kalungkutan ay namumuo sa loob ko at nagsasalita ang puso ko ng mga walang tinig na karaingan nito: Mahal na Diyos, bakit Mo pinapayagan na makasagupa ng ganoong kasawian ang mga matapat sa Iyo at nagmamahal sa Iyo? Bilang resulta, nahirapan ako sa pag-unawa sa kahulugan ng taong ginamit ng Banal na Espiritu na nagsabing, “Ang huling hiling ng Diyos sa tao ay mapagmahal at taos-puso.”

Enero 4, 2019

Tagalog Christian Music Video | “Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” (Tagalog song)



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Songs | “Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” 

I
Diyos na nagkakatawang tao'y tinatawag na Cristo,
ang Cristong makapagbibigay ng katotohana'y Diyos.
Hindi kalabisang sabihin nang gayon.
Dahil angkin N'ya ang diwa ng Diyos.
Angkin N'ya ang disposisyon ng Diyos at dunong sa gawa N'ya,
na di-maabot ng tao.
Yaong tinatawag ang sarili na Cristo
pero di magawa ang gawain ng Diyos ay mga mandaraya,
'di katagala'y babagsak lahat.
Sapagka't kahit tinatawag nila ang sarili na Cristo,
ala silang taglay alinmang diwa ni Cristo.

Enero 3, 2019

Tinubos ng Diyos ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya kaya bakit kailangan pa rin Niyang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal” (Levitico 11:45).

“At ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14).

At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).

Enero 2, 2019

New Gospel Skit "Ang Panginoon ay Kumakatok" | God's Sheep Hear the Voice of God


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Maikling Dula "Ang Panginoon ay Kumakatok" | God's Sheep Hear the Voice of God


"Ipinapaliwanag ng munting dula na Ang Panginoon ay Kumakatok kung paanong, sa mga huling araw, ang Panginoon ay kumakatok sa pinto ng ating mga puso gamit ang Kanyang mga salita, at na maririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Diyos at magpipiging na kasama ng Cordero. Noon pa man ay hinihintay na ni Pastor Chang Shoudao ang pagbabalik ng Panginoon, ngunit nang magpatotoo si Brother Zhen sa kanya na nagbalik na ang Panginoon, buong pagmamatigas siyang nakakapit sa kanyang sariling mga paniwala at guni-guni, naniniwala na magbabalik ang Panginoon sa ibabaw ng isang ulap, at pinananatiling nakasara ang pinto ng kanyang puso sa totoong landas.

Disyembre 31, 2018

Walang Nakauunawa sa Maalab na Nais ng Diyos na Iligtas ang Tao

Ang Kaligtasan ng Diyos, kaligtasan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Praise Songs | Walang Nakauunawa sa Maalab na Nais ng Diyos na Iligtas ang Tao


I
Mundo'y nilikha ng Diyos at tao'y dito dinala,
'sang buhay na nilalang na binigyang buhay ng Diyos.
Kaya tao'y may magulang at kamag-anak, 'di na nag-iisa,
tinadhanang sa pagtatalaga ng Diyos mabuhay.
Ito'y hininga ng buhay galing sa Diyos
na sumusuporta sa bawat nabubuhay na nilalang
sa buong paglaki nila hanggang pagtanda.
Sa buong prosesong 'to, naniniwala sila na
pasasalamat lang 'to sa kalinga't pag-ibig ng magulang nila.
Wala ni 'sang taong araw gabi'y Diyos nag-aaruga
kusang sumamba sa Kanya.

Disyembre 29, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Patotoo | Napakahalaga na Sundin ang Gawa ng Banal na Espiritu!

Xiaowei    Lungsod ng Shanghai

Ilang panahon na ang nakaraan, kahit na lagi akong nakakatanggap ng ilang mga inspirasyon at pakinabang kapag ang kapatid na siyang nakisama sa akin ay nagbahagi ng pagliliwanag na kanyang nakuha habang kumakain at umiinom ng salita ng Diyos, lagi rin akong nagkakaroon ng hindi maalis-alis na pakiramdam na siya’y nagyayabang. Iniisip ko sa sarili ko, “Kung sasagot ako sa kanya ngayon, hindi ko ba siya binubuyo? Sa ganoong diwa, hindi ba ako magmumukhang mas mababa sa kanya?” Bilang resulta, tumanggi ako na ilabas ang aking sariling mga pananaw sa usapan o magkomento sa anumang mga kaisipan na kanyang ibinahagi. Minsan, ang aking kapatid, ay nakakuha ng ilang mga kabatiran mula sa pagkain at pag-inom ng isang partikular na sipi ng salita ng Diyos, at nakaramdam na para bang may mali sa aming sitwasyon at tinanong ako kung payag ba akong pag-usapan kasama siya iyong sipi ng salita ng Diyos.

Disyembre 26, 2018

Clip ng Pelikulang Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (2) "May Batayan ba sa Biblia ang Pagbalik ng Panginoon sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao?"


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Movies | May Batayan ba sa Biblia ang Pagbalik ng Panginoon sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao? (2)


Maraming tao sa pagtanggap sa ikalawang pagparito ng Panginoon ang nagpapahalaga lang sa propesiya sa Kasulatan na bababa ang Panginoon mula sa mga ulap para pumaritong muli habang kinaliligtaan ang propesiya na paparitong muli ang Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao. Sinasabi nila na mali ang anumang paraan ng pagpapatotoo sa ikalawang pagparito ng Panginoon bilang Diyos na naging tao. Nakaayon ba sa Kasulatan ang kanilang pag-unawa at pamumuhay? Patungkol sa pagbalik ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, paano ba talaga ito ipinropesiya sa Kasulatan?