Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Disyembre 19, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Worship Song | "Tinunaw ng Pag ibig ng Diyos ang Aking Puso"


Tagalog Worship Songs | "Tinunaw ng Pag ibig ng Diyos ang Aking Puso"

Naririnig ko ang Iyong mabait na tawag,
bumabalik ako sa Iyong harapan.
Sa Iyong mga salita naliliwanagan,
nakikita ko ang aking katiwalian.
I
Madalas akong malamig sa Iyo, sinaktan at pinalungkot Ka,
matigas ang puso, nagrebelde, iniwan Kang mag-isa.
Bakit ang Iyong pagmamahal sa tao ay nasuklian ng sakit?
Napopoot ako sa aking matigas na puso
at malalim na kasamaan.
Marumi, hindi karapat-dapat na makita Ka,
ng Iyong pagmamahal.
Ako'y isang mapanghimagsik na tao,
paano ko malalaman ang Iyong puso,
makita ang Iyong pagmamahal?

Disyembre 18, 2018

Ano ang kaibhan sa pagitan ng mga salitang ipinahayag ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya at ng mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?

Salita ng Diyos, Panginoong Jesus


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17).

At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem” (Lucas 24:47).

At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).

Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).

Disyembre 16, 2018

Tagalog Full Christian Movie | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Movies | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo"


Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip. Pinalibutan nila siya at hindi siya hinayaang matulog sa loob ng kalahating buwan upang sirain ang kanyang loob. Hinarap niya ang walang tigil na pagpapahirap ng pulisya ng Komunistang Partido ng Tsino.

Disyembre 15, 2018

Tagalog Gospel Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Movies | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven


Si Yu Fan  ay kagaya lang ng maraming iba na nananalig sa Panginoong Jesus—ipinalagay niya na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, pinatawad na Niya ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan, na nagtamo na siya ng katuwiran sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya, at na basta’t isuko lang niya ang lahat at naglingkod siya nang husto sa Panginoon, pagbalik ng Panginoong Jesus tiyak na papasok siya sa kaharian ng langit.

Disyembre 14, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Patotoo | May Dakilang Kaligayahan sa Katapatan

Kaligayahan, Kasiyahan, katapatan,

Gan'en    Lungsod ng Hefei, Lalawigan ng Anhui

Sa buhay ko, palagi akong namuhay sa pariralang, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala" sa pakikipag-ugnayan sa lipunan. Hindi ako kailanman nagbibigay ng tiwala sa iba nang basta-basta. Palagi kong nadama na sa mga sitwasyon kung saan hindi mo alam ang tunay na mga intensyon ng isang tao, hindi mo dapat ipakita ang iyong intensyon ng masyadong maaga. Kaya, sapat nang panatilihin ang mapayapang pag-uugali—sa ganitong paraan ay napoprotektahan mo ang iyong sarili at iisipin ka ng iyong mga katulad bilang isang "mabuting tao."

Disyembre 13, 2018

Salita ng Buhay | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Ikalawang Bahagi)



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Unang bahagi)


"Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita."

Disyembre 11, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Patotoo | Paano Makakasundo ng Walang Modo, at Mayabang na Kabataang Tulad Ko ang Lola Ko?

Pamilya,
An Qi
Ako si An Qi. Bago ang gulang na anim, nakatira ako sa bahay ng aking lola. Noong panahong iyon, ang aking lola ang nadama kong tao na pinakamalapit ako. Bawat araw tuwing pumapasok ako sa kindergarten, pinagpapasyahan ng aking lola kung aling mga damit ang aking susuotin at kung paano ko susuklayin ang aking buhok. Dama ko na ginawa ito ng aking lola nang buong galing. Unti-unti, lumaki ako at nagsimula kong masamain ang mga bagay na ginagawa ng aking lola. Nagsimula rin akong masamain ng lola. Sa bawat pagkakataon na pumunta ako sa kanyang bahay, pinagagalitan niya ako. Kung hindi niya ako kinagagalitan sa isang bagay, kinagagalitan niya akong sa ibang bagay. Labis akong naging balisa.