Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Bakit Gustong Iligtas ng Diyos ang Sangkatauhan?
Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:
Sa simula, ang Diyos ay nagpapahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagagawa ang Diyos kahit anong gawain pa man. Sinimulan lang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala noong umiral ang sangkatauhan at noong ang sangkatauhan ay nagawang masama. Mula sa puntong ito, ang Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing abala ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa Kanyang kapahingahan. Kung hindi tatalunin ng Diyos si Satanas at ililigtas ang sangkatauhan, na naging masama, ang Diyos ay hindi na muling makapapasok sa kapahingahan. Tulad na ang tao ay kulang sa pahinga, ganoon din ang Diyos.