Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Nobyembre 28, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Songs | Ang Diyos ay nasa Langit at Nasa Lupa Rin


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Diyos ay nasa Langit at Nasa Lupa Rin 

I
Ang Diyos ay praktikal sa puso ng mga tao,
kapag Siya'y nasa lupa.
Sa langit,
ang Diyos ang Tagapamahala ng lahat ng mga nilalang.
Minsang naglakbay ang Diyos sa mga bundok at sa mga tubig,
marahan Siyang lumakad kasama ng sangkatauhan.
Sinong mangangahas labanan sa publiko
ang praktikal na Diyos Mismo?
Sinong mangangahas na lumabas
sa pamamahala ng Makapangyarihan?
Sinong mangangahas na magsabi
nang walang pagdududa na ang Diyos ay nasa langit?

Nobyembre 27, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Patotoo ng isang Cristiano | Kung Wala ang Pagliligtas ng Diyos, Wala Ako rito Ngayon

Zhang Jin, Beijing

Ako’y isang matandang kapatid na may kapansanan sa dalawang paa. Kahit na ang panahon ay maaliwalas, hirap ako sa paglalakad, subalit nang ang tubig baha ay tatangayin na ako, ipinahintulot ng Diyos na mahimalang makaligtas ako sa panganib.
Kaligtasan, Pagliligtas ng Diyos, Pagmamahal ng Diyos,

Noon ay Hulyo 21, 2012. Nang araw na iyon isang humuhugos na ulan ang bumuhos, at nagkataong ako’y nasa labas na tumutupad ng aking tungkulin. Pagkatapos ng ika-4:00 n.h., hindi pa rin tumigil ang ulan. Nang matapos ang aming pulong, sinuong ko ang ulan at sumakay ng bus pauwi. Habang nasa byahe, lalong lumakas pa ang ulan, at nang ang bus ay kailangang tumigil bago ang sa amin, sinabihan ng tsuper ang mga pasahero, “Hindi na makapagpapatuloy ang bus na ito; ang daan sa unahan ay gumuho.”

Nobyembre 26, 2018

Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan(Ikalawang Bahagi)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

"Sa oras na ang gawain ng panlulupig sa tao ay makumpleto na, ang tao ay dadalhin sa isang magandang mundo. Ang buhay na ito ay magiging, walang duda, sa mundo pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na kakamtin ng sangkatauhan matapos na ang sangkatauhan ay ganap nang malupig, ito ay magiging bagong simula ng tao sa mundo, at para sa sangkatauhan na magkaroon ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang kaharian.

Nobyembre 25, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Buhay | "Ang Pagkilala sa Diyos ang Daan sa Pagkatakot sa Diyos at Pag-iwas sa Masama"



Bawa’t isa sa inyo ay dapat magsuring muli ng inyong buhay-pananampalataya sa Diyos para makita kung, sa paghahabol sa Diyos, ay tunay na naunawaan mo, tunay na naintindihan, at tunay na nakilala mo ang Diyos, kung tunay na alam mo kung anong saloobin ang tinitiis ng Diyos sa iba’t ibang uri ng tao, at kung tunay na nauunawaan mo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa iyo at ano ang pakahulugan ng Diyos sa bawa’t kilos mo. Ang Diyos na ito, na nasa tabi mo, gumagabay sa direksyon ng pag-unlad mo, nagtatakda ng tadhana mo, at nagtutustos ng mga pangangailangan mo—sa katapus-tapusan, gaano ang nauunawaan mo at gaano ang totoong pagkakakilala mo tungkol sa Kanya? Alam mo ba kung ano ang ginagawa Niya sa iyo sa bawa’t araw?

Nobyembre 23, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Songs | Ang mga Mananagumpay ay ang mga Taong Nagbibigay ng Umaalingawngaw na Pagsaksi para sa Diyos


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang mga Mananagumpay ay ang mga Taong Nagbibigay ng Umaalingawngaw na Pagsaksi para sa Diyos

I
Ang naniniwala sa Diyos, kailangang sumunod,
maranasan ang gawain ng Diyos.
Napakarami Niyang ginawa;
lahat iyo'y pagpeperpekto, pagpipino, pagkastigo,
'di ang inaasahan ng tao.
At nararanasan nila'y malulupit na salita,
Pagdating ng Diyos,
dapat tanggap ng tao poot N'ya't kamahalan.
Masasakit na salita'y nagliligtas, nagpeperpekto.
Bilang nilalang,
tungkulin ng tao'y dapat nilang tupdin
at tumayong saksi para sa Diyos sa pagpipino.
Sa bawat pagsubok tao'y dapat manatiling sumasaksi,
magpatotoo nang umaalingawngaw para sa Diyos.

Nobyembre 22, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Patotoo ng isang Cristiano | Paalam sa mga Araw ng Pakikipagbuno sa Kapalaran

lalim ng Diyos, kapalaran, Sa Lipunan

Yixin

Isang payak na nayon na napag-iwanan na ng panahon, ang aking mga magulang na hapung-hapo mula sa kanilang trabaho, isang buhay na gipit sa pinansyal … ito ang malulungkot na ala-ala na nakatatak sa aking murang isipan, ito ang mga una kong pagkakilala sa salitang “kapalaran.” Pagkatapos kong magsimulang mag-aral, sa unang pagkakataong narinig ko ang aking guro na nagsabi ng “Hawak mo ang iyong kapalaran sa sarili mong mga kamay,” pinakatandaan ko ang mga salitang ito. Naniwala akong kahit na hindi ko mababago ang katotohanan na ako ay ipinanganak sa kahirapan, maaari ko pa ring baguhin ang sarili kong kapalaran sa pamamagitan ng pagsusumikap. Bilang resulta, ibinuhos ko ang lahat ng aking lakas upang makipagbuno sa aking “kapalaran,” at makamtan ang isang kapirasong langit na matatawag kong akin.

Nobyembre 21, 2018

Christian Music Video "Yaong Tumatanggap ng Bagong Gawa ay Pinagpala" | Seeing God's Appearance


Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosChristian Music Video | "Yaong Tumatanggap ng Bagong Gawa ay Pinagpala"

I
Mapalad ang mga yaong kayang sumunod
ang kasalukuyang mga pagbigkas ng Espiritu Santo.
Paano man sila dati, paano ang Espiritu Santo,
paano Siya gumawa dati sa loob nila,
yaong nakakamit ng pinakabagong gawain ang mga pinaka-mapalad.
Ngayon, yaong 'di kayang sumunod
sa pinakabagong gawain ay aalisin.
Nais ng Diyos ang mga yaong
ma'aring tumanggap ng bagong liwanag,
at yaong tanggap at alam pinakabagong gawain Niya.