Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang mga Mananagumpay ay ang mga Taong Nagbibigay ng Umaalingawngaw na Pagsaksi para sa Diyos
I
Ang naniniwala sa Diyos, kailangang sumunod,
maranasan ang gawain ng Diyos.
Napakarami Niyang ginawa;
lahat iyo'y pagpeperpekto, pagpipino, pagkastigo,
'di ang inaasahan ng tao.
At nararanasan nila'y malulupit na salita,
Pagdating ng Diyos,
dapat tanggap ng tao poot N'ya't kamahalan.
Masasakit na salita'y nagliligtas, nagpeperpekto.
Bilang nilalang,
tungkulin ng tao'y dapat nilang tupdin
at tumayong saksi para sa Diyos sa pagpipino.
Sa bawat pagsubok tao'y dapat manatiling sumasaksi,
magpatotoo nang umaalingawngaw para sa Diyos.