Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Nobyembre 17, 2018

Sana Maantig Muli ng Diyos Ang Ating Mga Espiritu


Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosTagalog Christian SongsSana Maantig Muli ng Diyos Ang Ating Mga Espiritu
I
O Diyos! Sana ang Iyong Espiritu ay magkaloob ng biyaya sa mga tao sa mundo, upang ang aking puso ay lubos na bumaling sa Iyo, upang maantig ang aking espiritu, at maaari kong makita ang Iyong kagandahan sa aking espiritu at sa aking puso, at silang nasa mundo ay maaaring makita ang Iyong ganda. O Diyos, sana maantig muli ng Iyong Espiritu ang aming mga espiritu. Antigin ang aming mga espiritu, upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan at hindi ito kailanman magbabago. O, antigin Mo kaming muli, o, antigin kaming muli, O Diyos. Antigin ang aming mga espiritu, upang ang aming pagmamahal ay pangmatagalan. at hindi ito kailanman magbabago, O Diyos!

Nobyembre 15, 2018

Best Tagalog Christian Movie | "Lumabas Sa Biblia" | Interpreting the Mysteries About the Bible



Si Wang Yue ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Buong puso’t kaluluwa siyang nangaral at namuno sa iglesia para sa Panginoon. Pero nang mas lalong nawalan ng mga tao ang kanyang iglesia, lubha siyang nabalisa pero wala siyang nagawa tungkol doon. Habang nagdurusa at nalilito, sinuwerte siyang tanggapin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Nang matamasa niya ang saganang salita ng Diyos, lubos niyang nalaman ang lawak ng pagliligtas ng Kanyang pagliligtas. Dahil dito, mas naging totoo para sa kanya ang paghihirap at wala siyang magawa nang mawala ang kasaganaang dulot ng Diyos at nasadlak siya sa kadiliman.

Nobyembre 13, 2018

Tagalog Full Christian Movie | "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | God Is the Rock of My Life



Si Liu Zhen, pitumpu't walong taong gulang, ay isang karaniwang maybahay sa probinsya. Pagkatapos manalig sa Diyos, nakadama siya ng walang katumbas na kaligayahan mula sa pagbabasa ng Kanyang mga salita at pagkanta ng mga awit ng papuri sa Diyos araw-araw, at madalas na nakikipagtipon sa mga kapatid sa pananalig para magbahagi ng katotohanan. ... Gayunpaman, walang mabuting bagay na nagtatagal. Inaresto siya at inusig ng Komunistang gobyerno ng Tsina, inilagay siya sa isang hindi makatarungang sitwasyon. Tatlong ulit siyang dinala ng mga pulis sa presinto upang tanungin, at binalaan na huwag nang manalig pa sa Diyos. Minamatyagan siya at pinupuntahan sa bahay upang takutin.

Nobyembre 12, 2018

Bakit Inilalagay ng mga Kristiyano sa Panganib ang Kanilang Buhay para Ipangaral ang Ebanghelyo at Sumaksi sa Diyos?

Kristiyano, Sumaksi sa Diyos, Ipangaral ang Ebanghely, Magtagumpay, Pananampalataya

Hou Xiangke (Hepe ng Public Security Bureau): Talagang imposible para sa inyo na maniwala sa Diyos at ipangaral ang ebanghelyo sa isang bansang pinamumunuan ng Partido Komunistang Tsino.Tinatapos ang sinumang nagpipilit na maniwala sa Diyos at magpalaganap ng ebanghelyo.Alam mo ba kung ilang Kristiyano ang nagdusa sa kalunus-lunos na kamatayan sa bilangguan?Alam mo ba kung ilang Kristiyano ang pinatay at sinira ang kanilang mga pamilya?Walang makakalaban sa kapangyarihan ng Partido Komunista!Kung ipipilit mo ang paniniwala sa Diyos at pagpapalaganap ng ebanghelyo,ang kapalaran mo ay pagkabilanggo at kamatayan!Nakikita mo ba nang malinaw ang kahinatnang ito?

Nobyembre 11, 2018

Sa mga Huling Araw Pangunahing Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Salita


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Sa mga Huling Araw Pangunahing Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Salita

I
Sa mga huling araw, Diyos ay nagiging-tao.
Sa salita Niya tinutupad lahat,
Sa salita Niya inihahayag lahat.
Tanging sa salita makikita ang ganap na Siya, na mismong Siya ay Diyos.
Pumaparito sa lupa ang naging-taong Diyos
tanging upang ihayag ang Kanyang salita.
Kaya, wala nang tanda, sapat na ang salita ng Diyos.

Nobyembre 10, 2018

Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo"



Marami na Akong natapos na gawain kasama ng mga tao, at ang mga salitang Aking naipahayag sa mga oras na ito ay marami na rin. Ang mga salitang ito ay para sa kaligtasan ng tao, at ipinahayag nang sa gayon ang tao ay maaaring maging kaayon sa Akin. Ngunit kaunti lamang ang nakamit Kong tao sa lupa na kaayon sa Akin, at kaya Aking sinasabi na hindi pinahahalagahan ng tao ang Aking mga salita, dahil ang tao ay hindi kaayon sa Akin. Sa paraang ito, ang gawaing Aking ginagawa ay hindi lamang upang Ako ay sambahin ng tao; ang mas mahalaga, ito ay upang maging kaayon sa Akin ang tao. Ang mga taong nagawang masama, ay namumuhay lahat sa bitag ni Satanas, nabubuhay sila sa laman, nabubuhay sa pansariling hangarin, at wala ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit lahat sila ay sumasamba sa mga malabong diyus-diyosan.

Nobyembre 9, 2018

Paano Makilala ang Diyos sa Lupa


Makilala ang Diyos,Cristo

Kayong lahat ay nagagalak na makatanggap ng gantimpala sa harap ng Diyos at maging layon ng Kanyang pabor sa Kanyang mga mata. Ito ang nais ng bawat isa pagkatapos niyang magsimulang manampalataya sa Diyos, sapagkat ang tao ay naghahangad ng mas mataas na mga bagay nang buong puso at walang sinuman ang nagnanais mapag-iwanan ng iba. Ito ang pamamaraan ng tao. Dahil dito mismo, marami sa inyo ang palaging sinusubukan na makamit ang pabor ng Diyos na nasa langit, ngunit sa katotohanan, ang inyong katapatan at kalantaran sa Diyos ay mas kaunti kaysa sa inyong katapatan at kalantaran sa sarili. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat talagang hindi Ko kinikilala ang inyong katapatan sa Diyos, at higit Kong ikakaila ang pag-iral ng Diyos na umiiral sa inyong mga puso. Ibig sabihin, ang Diyos na inyong sinasamba, ang malabong Diyos na inyong hinahangaan, ay talagang hindi umiiral.