Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Oktubre 28, 2018

Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Patotoo ng isang Cristiano | Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo

Changkai    Lungsod ng Benxi, Lalawigan ng Liaoning

parusa, kawikaan ni Satanas


Ang karaniwang pariralang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos” ay isa na kung saan ako ay masyadong personal na pamilyar. Ang aking asawa at ako ay mga partikular na walang kamuwang-muwang na tao: Pagdating sa mga bagay na sangkot ang aming mga personal na pakinabang o kawalan, hindi kami yung tipo na nakikipagtalo at nag-aabala sa iba. Kung dapat kaming maging matiisin naging matiisin kami, kung dapat kaming maging matulungin ginawa rin namin ang aming makakaya upang maging matulungin. Bilang resulta, madalas naming matagpuan ang aming mga sarili na nagulangan at naabuso ng iba. Talagang tila sa buhay, “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos”—kung labis ang kabutihan sa iyong puso, kung masyado kang matulungin at mapagpakumbaba sa iyong mga gawain, ikaw ay nanganganib na maabuso.

Oktubre 27, 2018

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos

pananalig sa diyos, Karanasan, buhay, Kaalaman, Salita ng Diyos


Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagka’t ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, kung gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang ninanasa ng Diyos.

Oktubre 26, 2018

Tagalog Christian Movie | "Kumawala sa Bitag" | Attending the Wedding Feast With the Lord


2,000 taon na ang nakararaan, nang gawin ng Panginoong Jesus ang pagtubos, siniraan at tinuligsa siya ng mga relihiyosong Judio. Nakipagtulungan ang mga pinunong Judio sa gobyernong Romano at ipinako Siya sa krus. Sa mga huling araw, dumating na sa China ang Makapangyarihang Diyos—ang Panginoong Jesus sa katawang-tao—para gawin ang paghatol. Muli, matindi Siyang tinuligsa, sinupil, at inaresto sa pagkakataong ito ng gobyernong Chinese Communist at mga relihiyon. Ang laganap na mga tsismis at maling pagkaunawa na nanghusga at nanira sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay parang di-nakikitang bitag, na bumabalot at kumokontrol sa napakaraming nananalig. Naulit ang trahedya ng kasaysayan …

Oktubre 25, 2018

Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Unang Bahagi)

Tian Ying

Tandaan: Ang may-katha ay nalinlang at nagapos ng mga ideya ng “pananampalataya lamang” at “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman” na ikinalat ng mga pastor at tumanggi na makipag-ugnayan sa kapatiran na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Gayunman, hindi nagtagal nang masaksihan niya ang isang kapatid na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos sa bahay ng kaniyang nakatatandang kapatid, at sa pamamagitan ng pakikibahagi, ang may-katha ay dumating sa pagkaunawa sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at nagsimulang makita nang malinaw ang pagiging kakatwa ng mga relihiyosong paniniwala. Siya ay nakawala sa kontrol ng pastor at tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nanumbalik sa Diyos.


Oktubre 24, 2018

Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Makakamit ang Daan ng Buhay na Walang Hanggan"


Sa loob ng libu-libong taon ginusto ng mga mananampalataya sa Panginoon na makamit ang walang hanggang buhay, pero walang nakatupad sa hangaring ito. Ngayon, nalilito ka ba tungkol sa kung mayroon nga ba o walang daan ng walang hanggang buhay o nalilito ka ba tungkol sa kung paano mo hahanapin ito sa paraang makakamit mo ang daan ng walang hanggang buhay? Sasabihin sa iyo ng maikling video na ito kung paano makakamit ang daan ng walang hanggang buhay.

Rekomendasyon: 
Tagalog Bible Movie | Ang Pagsisikap ba sa Pagtatrabaho ay Nangangahulugang Sinusunod Natin ang Kalooban ng Ama sa Langit?

Oktubre 22, 2018

Ang Pagsasagawa ng Katotohanan ay Nangangailangan ng Tunay na Kabayaran

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Pagsasagawa ng Katotohanan
ay Nangangailangan ng Tunay na Kabayaran 

 I
Kung nahihirapan ka, ika'y magdasal:
"O Diyos! Nais Kitang bigyang kasiyahan,
paghihirap tinitiis, para Ika'y masiyahan,
gaano man kalaki haraping balakid.
Kahit pa ibuwis aking buhay,
bibigyan pa rin Kita ng kasiyahan."
Sa ganitong panata, 'pag nagdarasal ka,
paninindigan mo ang patotoo mo.

Oktubre 21, 2018

The Best Christian Music Video | "Kaharian ng Diyos ay Lumitaw na sa Lupa" (Tagalog Dubbed)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | The Best Christian Music Video | "Kaharian ng Diyos ay Lumitaw na sa Lupa" 

A ... a ... a ... a ... a ... a ... a ... a …
I
Ang makapangyarihang tunay na D'yos,
hari sa trono naghahari sa buong sansinukob, 
buong sansinukob, nakaharap sa lahat ng bansa't mga tao. 
Nagniningning l'walhati ng D'yos sa buong mundo.
Hanggang sa dulo ng sansinukob,
lahat ng buhay dapat makita.
Mga lawà, ilog, dagat, lupa, bundok, 
lahat ng nabubuhay nabubunyag sa liwanag
ng presensya ng tunay na D'yos, 
napanumbalik, nagising sa panaginip,
sumisibol sa lupa!