2,000 taon na ang nakararaan, nang gawin ng Panginoong Jesus ang pagtubos, siniraan at tinuligsa siya ng mga relihiyosong Judio. Nakipagtulungan ang mga pinunong Judio sa gobyernong Romano at ipinako Siya sa krus. Sa mga huling araw, dumating na sa China ang Makapangyarihang Diyos—ang Panginoong Jesus sa katawang-tao—para gawin ang paghatol. Muli, matindi Siyang tinuligsa, sinupil, at inaresto sa pagkakataong ito ng gobyernong Chinese Communist at mga relihiyon. Ang laganap na mga tsismis at maling pagkaunawa na nanghusga at nanira sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay parang di-nakikitang bitag, na bumabalot at kumokontrol sa napakaraming nananalig. Naulit ang trahedya ng kasaysayan …
Oktubre 26, 2018
Oktubre 25, 2018
Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Unang Bahagi)
Tian Ying
Tandaan: Ang may-katha ay nalinlang at nagapos ng mga ideya ng “pananampalataya lamang” at “ang maligtas minsan ay maligtas magpakailanman” na ikinalat ng mga pastor at tumanggi na makipag-ugnayan sa kapatiran na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Gayunman, hindi nagtagal nang masaksihan niya ang isang kapatid na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos sa bahay ng kaniyang nakatatandang kapatid, at sa pamamagitan ng pakikibahagi, ang may-katha ay dumating sa pagkaunawa sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at nagsimulang makita nang malinaw ang pagiging kakatwa ng mga relihiyosong paniniwala. Siya ay nakawala sa kontrol ng pastor at tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nanumbalik sa Diyos.
Oktubre 24, 2018
Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Makakamit ang Daan ng Buhay na Walang Hanggan"
Sa loob ng libu-libong taon ginusto ng mga mananampalataya sa Panginoon na makamit ang walang hanggang buhay, pero walang nakatupad sa hangaring ito. Ngayon, nalilito ka ba tungkol sa kung mayroon nga ba o walang daan ng walang hanggang buhay o nalilito ka ba tungkol sa kung paano mo hahanapin ito sa paraang makakamit mo ang daan ng walang hanggang buhay? Sasabihin sa iyo ng maikling video na ito kung paano makakamit ang daan ng walang hanggang buhay.
Rekomendasyon:
Tagalog Bible Movie | Ang Pagsisikap ba sa Pagtatrabaho ay Nangangahulugang Sinusunod Natin ang Kalooban ng Ama sa Langit?
Oktubre 22, 2018
Ang Pagsasagawa ng Katotohanan ay Nangangailangan ng Tunay na Kabayaran
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Pagsasagawa ng Katotohanan
ay Nangangailangan ng Tunay na Kabayaran
I
Kung nahihirapan ka, ika'y magdasal:
"O Diyos! Nais Kitang bigyang kasiyahan,
paghihirap tinitiis, para Ika'y masiyahan,
gaano man kalaki haraping balakid.
Kahit pa ibuwis aking buhay,
bibigyan pa rin Kita ng kasiyahan."
Sa ganitong panata, 'pag nagdarasal ka,
paninindigan mo ang patotoo mo.
Oktubre 21, 2018
The Best Christian Music Video | "Kaharian ng Diyos ay Lumitaw na sa Lupa" (Tagalog Dubbed)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | The Best Christian Music Video | "Kaharian ng Diyos ay Lumitaw na sa Lupa"
A ... a ... a ... a ... a ... a ... a ... a …
I
Ang makapangyarihang tunay na D'yos,
hari sa trono naghahari sa buong sansinukob,
buong sansinukob, nakaharap sa lahat ng bansa't mga tao.
Nagniningning l'walhati ng D'yos sa buong mundo.
Hanggang sa dulo ng sansinukob,
lahat ng buhay dapat makita.
Mga lawà, ilog, dagat, lupa, bundok,
lahat ng nabubuhay nabubunyag sa liwanag
ng presensya ng tunay na D'yos,
napanumbalik, nagising sa panaginip,
sumisibol sa lupa!
Oktubre 20, 2018
Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga Salita para Magtatag ng Kasunduan Sa Tao
Salita ng Diyos | Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga Salita para Magtatag ng Kasunduan Sa Tao
(Gen 9:11-13) At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa. At sinabi ng Dios, Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo, at sa bawa’t kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon: Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.
Matapos Niyang Gawin ang Lahat ng mga Bagay, Nakumpirma at Muling Naipakita ang Awtoridad ng Maylalang sa Kasunduan ng Bahaghari
Oktubre 19, 2018
Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito
Ang gawain at ang salita ng Diyos ay itinalaga upang maghatid ng pagbabago sa inyong disposisyon; ang Kanyang layunin ay hindi lamang basta ipaunawa o ipakilala sa inyo ito at iyon na lamang ang maging katapusan nito. Bilang isang may kakayahang makatanggap, hindi kayo dapat mahirapan sa pag-unawa sa salita ng Diyos, sapagkat karamihan sa salita ng Diyos ay nakasulat sa wika ng tao na napakadaling maintindihan. Gaya halimbawa, malalaman ninyo kung ano ang gusto ng Diyos na maintindihan ninyo at maisagawa; ito ay isang bagay na dapat gawin ng isang wastong taong may kakayahang makaunawa. Ang sinasabi ng Diyos ngayon ay lalong maliwanag at malinaw, at nagsasabi ang Diyos ng maraming bagay na hindi naisaalang-alang ng mga tao o ang iba’t-ibang mga kalagayan ng mga tao.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)