Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Masama ay Dapat Parusahan"
Dati, nang ang Diyos ay nasa langit, sinubukan ng tao na linlangin ang Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagkilos; ngayon, pumarito ang Diyos sa gitna ng mga tao—kung gaano katagal ay walang nakaaalam—nguni’t basta gumagawa lamang ang tao sa Diyos, sinusubukang linlangin ang Diyos. Hindi ba sukdulang paurong ang pag-iisip ng tao? Pareho ito kay Judas: Bago dumating si Jesus, nagsasabi ng mga kasinungalingan si Judas sa kanyang mga kapatid na lalaki at babae, at matapos dumating si Jesus ay hindi siya nagbago; hindi siya nagkaroon ng kahit katiting na kaalaman kay Jesus, at sa katapusan pinagkanulo niya si Jesus. Hindi ba ito dahil hindi niya kilala ang Diyos?