Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Oktubre 9, 2018

Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan (Tagalog Song)


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Layunin ng  Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan" (Tagalog Christian Song)

Pag-ibig at awa ng Diyos
lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala
mula sa una hanggang sa huling detalye.
I
Kung nararamdaman man ng tao ang kalooban Niya o hindi,
Siya ay walang humpay na nagpapatuloy sa gawain 
na kailangan Niyang gawin
Kung naiintindihan man ng tao ang pamamahala Niya o hindi,
Ang gawain ng Diyos ay nagdudulot ng tulong 
at tustos na maaaring madama ng lahat.

Oktubre 8, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Noong ating huling pulong ay naibahagi natin ang napakahalagang paksa. Naalala ba ninyo kung ano iyon? Hayaan ninyong ulitin Ko. Ang paksa ng ating huling pagsasama ay ang: Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo. Mahalaga ba ang paksang ito para sa inyo? Aling mga bahagi ang pinakamahalaga para sa inyo? Gawain ng Diyos, Disposisyon ng Diyos, o ang Diyos Mismo? Saan kayo pinaka-interesado? Aling mga bahagi ang pinakagusto ninyong marinig? Alam Kong mahirap ito para sa inyo na sagutin ang tanong na iyan, dahil ang disposisyon ng Diyos ay makikita sa bawat aspeto ng Kanyang gawain, at ang Kanyang disposisyon ay palaging ibinubunyag sa Kanyang gawain at sa lahat ng lugar, at, sa katunayan, kumakatawan sa Diyos Mismo; sa pangkalahatang plano sa pamamahala ng Diyos, ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo ay hindi mapaghihiwalay mula sa bawat isa.

Oktubre 7, 2018

Tagalog Crosstalk "Ang Hiwaga ng Pangalan ng Diyos" | Can the Lord Be Called Jesus When He Returns?


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Crosstalk "Ang Hiwaga ng Pangalan ng Diyos" 


Sa loob ng dalawang libong taon, palaging nagdarasal at nananawagan ang mga Kristiyano sa pangalan ng Panginoong Jesus, nananalig na ang pangalan ng Diyos ay palaging magiging Jesus. Gayunman, ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag, kapitulo 3, bersikulo 12, na magkakaroon ng bagong pangalan ang Panginoon pagbalik Niya. Kaya ngayong nagbalik na ang Panginoon sa mga huling araw, matatawag pa rin ba natin siyang Jesus?

Oktubre 6, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Sa araw na ito tayo ay magpapahayag ng isang mahalagang paksa. Ito ay isang paksa na tinalakay na mula pa noong simula ng gawain ng Diyos maging hanggang ngayon, at ito ay may napakahalagang kabuluhan para sa bawat tao. Sa madaling salita, ito ay isang suliranin na haharapin ng lahat sa buong proseso ng kanilang pananampalataya sa Diyos at isang suliranin na dapat ay bigyang-pansin. Ito ay isang napakahalaga, at di-maiiwasang suliranin kung saan hindi magagawa ng sangkatauhang ihiwalay ang kanyang sarili mula rito. Kung pag-uusapan ang kahalagahan, ano ang pinakamahalagang bagay para sa bawat mananampalataya ng Diyos? Ang palagay ng ilan, ang pinakamahalagang bagay ay ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa paniniwala ng ilan ang pinakamahalaga ay ang makakain at makainom ng mas marami pang mga salita ng Diyos; sa pakiramdam naman ng iba ang pinakamahalagang bagay ay ang makilala ang kanilang mga sarili; sa iba naman ay ang opiniyon na ang pinakamahalagang bagay ay ang malaman kung paano mahahanap ang kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos, paano ang susunod sa Diyos, at paano matutupad ang kalooban ng Diyos.

Oktubre 5, 2018

Tagalog Christian Movie | "Kumakatok sa Pintuan" God Knocks at the Door of My Heart (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie | "Kumakatok sa Pintuan" 

Dalawang libong taon na ang nakararaan, iprinoposiya ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20). Sa loob ng huling dalawang libong taon, naging mapagmatyag ang mga nananampalataya sa Panginoon at hinihintay ang pagkatok Niya sa pintuan, kung ganon paano Siya tutuktok sa pintuan ng sangkatauhan sa Kanyang pagbabalik?

Oktubre 4, 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod"


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa ngayon, pormal na gagawing perpekto ng Diyos yaong mga walang relihiyosong paniwala, na handang isantabi ang kanilang dating mga sarili, at sumusunod sa Diyos sa matapat na paraan, at Kanyang gagawing perpekto yaong mga nananabik sa salita ng Diyos. Ang mga taong ito ay dapat manindigan at maglingkod sa Diyos. Sa Diyos ay naroroon ang walang-katapusang kasaganaan at walang-hangganang karunungan. Ang Kanyang kahanga-hangang gawa at mahahalagang salita ay naghihintay sa lalo pang mas maraming bilang ng mga tao upang masiyahan sa mga iyon.

Oktubre 2, 2018

Mga Prinsipyo ng Pagkilos para sa mga Mananampalataya


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Songs | Mga Prinsipyo ng Pagkilos para sa mga Mananampalataya

I
Tuwing gagawin mo ang anumang bagay,
dapat mong suriin kung tama ang iyong mga motibo.
Kung kumikilos ka sa mga paraan na hinihiling ng Diyos,
ang iyong relasyon sa Diyos ay tama.
Ito ang pinakamaliit na inaasahan ng Diyos.
Ngunit kung ang mga motibo ay mali, dapat mong talikuran,
dapat kang kumilos ayon sa salita ng Diyos
at maging isang taong tama sa harapan ng Diyos,
ginagawa ang lahat para sa Diyos, wala para sa iyong sarili.