Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Panglimang Araw, Itinanghal ng Iba’t-iba at Magkakaibang Anyo ng Buhay ang Awtoridad ng Lumikha sa Iba’t-ibang Paraan
Sabi ng mga Kasulatan, “At sinabi ng Dios, Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid. At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa’t may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti” (Gen 1:20-21). Malinaw na sinasabi ng Kasulatan na, sa araw na ito, ginawa ng Diyos ang mga nilalang sa mga katubigan, at ang mga ibon ng himpapawid, ibig sabihin ay Kanyang ginawa ang iba’t-ibang isda at ibon, at inuri ang mga ito ayon sa klase. Sa ganitong paraan, pinasagana ng paglikha ng Diyos ang lupa, kalangitan, at mga katubigan…
Habang binibigkas ang mga salita ng Diyos, isang sariwang bagong buhay, na ang bawat isa ay may iba’t-ibang anyo, ang agad na nabuhay habang binibigkas ang mga salita ng Maylalang. Dumating sila sa mundong ito na nakikipaggitgitan sa posisyon, nagtatalunan, nagkakatuwaan sa galak…. Lumangoy sa mga katubigan ang mga isda na may iba’t-ibang hugis at sukat, lumabas sa mga buhangin ang iba’t-ibang klase ng kabibe, ang may kaliskis, may talukab, at walang gulugod na mga nilalang ay nagmamadaling lumaki sa mga iba’t-ibang anyo, kahit pa malaki o maliit, mahaba o maikli. Gayun din nagsimulang lumaki nang mabilis ang mga iba’t-ibang klase ng halamang-dagat, sumasabay sa galaw ng iba’t-ibang mga nabubuhay sa tubig, umaalun-alon, hinihimok ang mga kalmadong katubigan, na para bang sinasabi sa kanila: Galawin mo ang paa mo! Isama mo ang mga kaibigan mo!