Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Hulyo 20, 2018

Christian Full Movie 2018 | "Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo!" (Tagalog dubbed)


.❋..❋..❋..❋.

  Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw …

Hulyo 19, 2018

Huwag Kang Makialam | "Paglalantad sa Katotohanan ng Pagkalaban ng mga Fariseo sa Diyos"

Huwag Kang Makialam | "Paglalantad sa Katotohanan ng Pagkalaban ng mga Fariseo sa Diyos"


Nang magpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, mabangis na siniraan, tinuligsa, at nilapastangan ng mga Judiong saserdote, eskriba, at Fariseo ang Panginoong Jesus. Ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus, at pinigilan ang mga tao na tanggapin ang Panginoong Jesus. Sa mga huling araw, muling nagkatawang-tao ang Diyos. Nagpakita na Siya at ginagawa Niya ang gawain. Muling mabangis na kinalaban at tinuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, na pinipigilan ang mga nananalig sa ayaw at sa gusto nila na tanggapin ang Makapangyarihang Diyos. Bakit kinalaban at tinuligsa ng mga pinuno ng mga relihiyon ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, nang magpakita Siya at gawin Niya ang gawain? Ano ang pinagmulan at tunay na katangian ng pagkalaban ng mga pinuno ng mga relihiyon?

🌳🌳<*💞>🍑<*💞>🍑<💞*>🍑*>🌳🌳

Hulyo 18, 2018

Huwag Kang Makialam | "Muling Lumitaw ang mga Fariseo na Nagpako sa Panginoon sa Krus!"


Huwag Kang Makialam | "Muling Lumitaw ang mga Fariseo na Nagpako sa Panginoon sa Krus!"


Dalawang libong taon na ang nakalipas, nang gumawa ang Panginoong Jesus, tinuligsa ng mga Fariseo ang gawain ng Panginoong Jesus sa ngala ng pag-ayon sa Kasulatan. Nanghusga pa sila na anak ng karpintero ang Panginoong Jesus, at ginawa ang lahat para hadlangan ang mga nananalig sa pagsunod sa Kanya. Sa huli ay ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus. Sa mga huling araw, nagbalik ang Panginoong Jesus para gumawa at magsalita. Parehong ginagamit ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Biblia para tuligsain ang gawain ng Diyos, at itinuturing ding karaniwang tao ang Diyos. Ginagawa nila ang lahat para hindi tanggapin ng mga nananalig ang tunay na daan. Ang hindi kapani-paniwala, nauulit ang kasaysayan.


Rekomendasyon🌳🌳🌳🌳🌳

Ang Gawain sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Gawain Din ng Pagliligtas sa Sangkatauhan

Hulyo 17, 2018

Madadala Tayo Sa Kaharian ng Langit Matapos Tanggapin ang Pagtubos ng Panginoong Jesus?


.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸

Batay sa mga salita ng Panginoong Jesus sa krus na "Naganap na," karaniwan ay sinasabi nang patapos ng mga pastor at elder ng mga relihiyon na tapos na kung gayon ang pagliligtas sa sangkatauhan. Kapag nagbalik ang Panginoon, tatanggapin ang mga nananalig sa kaharian ng langit, at hindi na kailangang padalisayin at iligtas ang mga tao. Naaayon ba ang pananaw na ito ng mga pastor at elder sa mga salita ng Diyos? Saan tumutukoy sa huli ang Panginoong Jesus, nang sabihin Niyang "Naganap na" sa krus? Bakit gugustuhing ipahayag ng Diyos ang katotohanan sa mga huling araw, na hinahatulan at dinadalisay ang mga tao? Anong klaseng mga tao ba talaga ang makakapasok sa kaharian ng langit?

Rekomendasyon:

Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos



Hulyo 16, 2018

Tagalog Christian Movie | “Huwag Kang Makialam” (Clips 2/5)


Tagalog Christian Movie | “Huwag Kang Makialam”  (Clips 2/5) Pagtanggap sa Ebanghelyo ng Ikalawang Pagdating ng Panginoong Hesus at Pagtitipon sa Harap ng Diyos


Sa Biblia, sabi ni Pablo, "Ako’y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo" (Galacia 1:6). Mali ang interpretasyon ng mga pastor at elder sa mga salitang ito ni Pablo, at tinutuligsa ang lahat ng taong tumatanggap sa ebanghelyo ng ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus, na sinasabi na pag-apostasiya at pagtataksil ito sa Panginoon. Sa gayo’y lumalampas sa ilang nananalig ang pagkakataong tanggapin ang Panginoon, dahil nalinlang sila. Malinaw na ang malinaw na pag-unawa sa tunay na kahulugan ng tekstong ito ay napakahalaga sa pagtanggap natin sa pagbalik ng Panginoon. Kaya ano ang tunay na kahulugan ng siping ito ng Kasulatan? Pag-apostasiya ba ang tanggapin ang ebanghelyo ng ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus?


🙏✝️Ang Kalooban ng Diyos✝️🙏

Hulyo 15, 2018

Debosyonal na Assistant ng Cristiano | Ang Panimulang App ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

katotohanan, Langit, Espiritu, Cristo, kaligtasan

  Ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.

Hulyo 14, 2018

Paano Natin Tatratuhin ang Kidlat ng Silanganan sa Paraang Naaayon sa Kalooban ng Panginoon?

🍀🍀🍁🍀🍀🍁🍀🍀
Kapag nagpapatotoo ang mga tao na ang Kidlat ng Silanganan ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, nadarama ng maraming nananalig na ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan, at na dapat nila itong hanapin at siyasatin nang husto para marinig ang tinig ng Panginoon. Gayunman, mali ang interpretasyon ng mga pastor at elder ng relihiyon sa Biblia kaya kinakalaban at tinutuligsa nila ang Kidlat ng Silanganan. Sa kagustuhang "protektahan ang daan ng Panginoon, panatilihing ligtas ang kawan, at maging responsable sa buhay ng mga nananalig," hinahadlangan nila ang mga nananalig sa lahat ng paraan na siyasatin ang tunay na daan. Ang Kidlat ng Silanganan kaya ang pagbalik ng Panginoon, na nagiging malinaw at gumagawa ng gawain? Paano natin dapat tratuhin ang Kidlat ng Silanganan, para makaayon tayo sa kalooban ng Panginoon?