Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

่œๅ–ฎ

Hulyo 14, 2018

Paano Natin Tatratuhin ang Kidlat ng Silanganan sa Paraang Naaayon sa Kalooban ng Panginoon?

๐Ÿ€๐Ÿ€๐Ÿ๐Ÿ€๐Ÿ€๐Ÿ๐Ÿ€๐Ÿ€
Kapag nagpapatotoo ang mga tao na ang Kidlat ng Silanganan ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, nadarama ng maraming nananalig na ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan, at na dapat nila itong hanapin at siyasatin nang husto para marinig ang tinig ng Panginoon. Gayunman, mali ang interpretasyon ng mga pastor at elder ng relihiyon sa Biblia kaya kinakalaban at tinutuligsa nila ang Kidlat ng Silanganan. Sa kagustuhang "protektahan ang daan ng Panginoon, panatilihing ligtas ang kawan, at maging responsable sa buhay ng mga nananalig," hinahadlangan nila ang mga nananalig sa lahat ng paraan na siyasatin ang tunay na daan. Ang Kidlat ng Silanganan kaya ang pagbalik ng Panginoon, na nagiging malinaw at gumagawa ng gawain? Paano natin dapat tratuhin ang Kidlat ng Silanganan, para makaayon tayo sa kalooban ng Panginoon?


Hulyo 13, 2018

Ang Nasa Likod ng mga Kasinungalingan

Salita ng Diyos, Karanasan, Cristo, praktikal

๐Ÿ.❋.๐Ÿ

Lungsod ng Xiaojing Heze, Lalawigan ng Shandong

  Sa bawat pagkakataong nakita ko ang mga salita ng Diyos na tumatawag sa atin upang maging matatapat na tao at magsalita nang tumpak, naisip ko, "Wala akong problema sa tumpak na pagsasalita. Hindi ba't ito ay pagtawag lamang sa isang ispada na ispada at pagsasabi sa mga bagay bilang sa kung ano ang mga ito? Hindi ba’t madali iyan? Ang laging pinaka-nagpagalit sa akin sa mundong ito ay ang mga taong mapagpaganda kapag nagsalita sila." Dahil dito, nadama ko ang sobrang kumpiyansa, na nag-iisip na wala akong problema sa bagay na ito. Ngunit sa pamamagitan lamang ng pagbubunyag ng Diyos na natuklasan ko na, ang isa ay hindi maaaring magsalita ng tumpak nang hindi pumapasok sa katotohanan o nagbabago ng disposisyon.

Hulyo 12, 2018

Takasan ang Pagkaalipin ng mga Relihiyosong Fariseo at Bumalik sa Diyos


Sa buong komunidad ng mga relihiyon, alam ng mga pastor ang Biblia pagbali-baligtarin man ito at madalas nilang ipaliwanag sa mga tao ang mga sipi sa Biblia. Sa ating paningin, mukhang kilala nilang lahat ang Diyos, pero bakit sinisisi at kinokontra ng napakarami sa mga relihiyoso ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga enggrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw- araw, ngunit ni isa ay hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang umaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawasiwas nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

๐ŸŒณ๐ŸŒณ๐ŸŒณ.❋.๐ŸŒณ๐ŸŒณ๐ŸŒณ

Hulyo 11, 2018

Kumikilos ang Banal na Espiritu sa Maprinsipyong Paraan

panalangin, Salita ng Diyos, Karanasan, Landas, katotohanan
๐ŸŒณ ๐ŸŒณ

Qin Shuting, Lungsod ng Linyi, Lalawigan ng Shandong

  Sa ilang panahon, bagama't hindi ako tumigil sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, hindi ko kailanman naramdaman ang liwanag. Ako ay nanalangin sa Diyos para dito ngunit, pagkatapos, hindi pa rin ako naliwanagan. Kaya naisip ko, "kumain ako at uminom ng nararapat sa akin at ang Diyos ay hindi ako nililiwanagan. Wala akong magagawa, at wala akong kakayahan upang makatanggap ng mga salita ng Diyos. May oras para liwanagan ng Diyos ang bawat tao, kaya hindi kailangang pagsikapang madaliin ito." Pagkaraan, iningatan ko ang mga alituntunin at kumain at uminom ng mga salita ng Diyos nang walang pagkabalisa, "matiyagang" naghihintay sa pagliliwanag ng Diyos.

Hulyo 10, 2018

Huwag Magtuon sa Biblia: Dumalo sa Piging ng Kaharian ng Langit sa Piling ng Panginoon


*★*。:๏พŸ*☆*๏พŸ:。:*★*。:๏พŸ*☆*๏พŸ:。:*★*。:๏พŸ*☆*๏พŸ:。:**
Pakiramdam ng maraming sumasampalataya sa Panginoon ay nasa Biblia ang lahat ng salita at gawain ng Diyos, na ganap na ang pagliligtas ng Diyos ayon sa nakasaad sa Biblia, na kailangang ibatay sa Biblia ang pananampalataya sa Diyos at na kung nakabatay sa Biblia ang ating pananampalataya sa Diyos, siguradong madadala tayo sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito tungkol sa relihiyon ay di-nakikitang mga tali na matatag na gumagapos at nagpapakitid sa ating isip kaya hindi natin hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu at hindi matanggap ang kasalukuyang gawain ng Diyos. Kung gayo’y paano natin mauunawaan ang koneksyon ng Biblia sa Diyos at sa Kanyang gawain? Sabi ng Panginoong Jesus, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay" (Juan 5:39-40). Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).  Sa pagtalikod lang sa Biblia tayo makakaharap sa Diyos at makakatanggap ng Kanyang pagliligtas at makakadalo sa piging ng kaharian ng langit sa piling Niya.


Ang tinig ng Diyos


Hulyo 9, 2018

Ang Kahalagahan ng Koordinasyon sa Serbisyo

buhay, Karanasan, katotohanan, Cristo, Salita ng Diyos

๐Ÿ’“๐ŸŒณ๐ŸŒณ๐ŸŒณ๐ŸŒณ๐ŸŒณ๐ŸŒณ๐ŸŒณ๐ŸŒณ๐Ÿ’“

Mei Jie    Lungsod ng Jinan, Lalawigan ng Shandong

  Pagkatapos na baguhin ang administrasyon ng iglesia pabalik sa orihinal na anyo nito, itinatag ang pakikipagtambalan para sa bawat antas ng pinuno sa sambahayan ng Diyos. Sa panahong iyon ay inakala ko na ito ay isang magandang pagsasaayos. Mababa lang ang kalibre ko at napakarami ng aking gawain; Kailangan ko talaga ng kasama upang tulungan akong makumpleto ang lahat ng uri ng gawain sa aking rehiyon.

Hulyo 8, 2018

Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! | Lahat ba ng Nasa Biblia ay Salita ng Diyos?


  Gaya ng maraming relihiyoso na may pananampalataya sa Panginoon, noon pa man ay nadama na ni Elder Li na "lahat ng nasa Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos," at "ang Biblia ay kumakatawan sa Diyos." Ang mga ideyang ito ang naging batayan noon pa man ng kanyang pananampalataya. Tumimo ito sa kanyang puso at naging kapwa isang balakid sa kanyang pag- aaral sa tunay na daan at mga taling humadlang sa kanya na tanggapin ito. Nang matiyagang basahan ng mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos si Elder Li tungkol sa salita ng Diyos at ipaliwanag sa kanya ang katotohanan, sa wakas ay naunawaan na rin niya na hindi lahat ng nasa Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, ngunit naroon ang mga salita ng Diyos at ng tao. Hindi na ngayon nakatali at nakakadena si Elder Li sa mga ideyang ito tungkol sa relihiyon.

๐ŸŒท๐ŸŒฑ๐ŸŒฑ๐ŸŒท๐ŸŒฑ๐ŸŒท๐ŸŒฑ๐ŸŒท๐ŸŒฑ๐ŸŒท