Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Hunyo 5, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (4)



Sabi ng Panginoong Jesus, "Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal" (Marcos 16:15). Ang pagkakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos ay isang mabuti at matuwid na gawa ng mga Kristiyano. Ngunit malupit na inaaresto at pinahihirapan ng Chinese Communist Party ang mga Kristiyano, na humantong sa pagkasira ng maraming pamilya, ang ilan ay wala nang tahanang maaaring balikan, at maraming naaresto at nakulong. Ang ilan ay pinahirapan pa hanggang sa mamatay, pero patuloy na binaligtad ng CCP ang katotohanan, na sinasabi na nasira ang kanilang pamilya dahil sa kanilang pananalig sa Diyos. sino ang tunay na salarin sa pagkasira ng napakaraming pamilyang mga Kristiyano?

Hunyo 4, 2018

Tagalog Christian Songs | Yamang Inililigtas ng Diyos ang Tao, Siya'y Lubos Niyang Ililigtas




Yamang nilalang ng Diyos, tao ay aakayin Niya;
Yamang nililigtas Niya, 
tao'y ililigtas Niya't kakamting lubos;
Yamang inaakay Niya,
tao'y dadalhin Niya sa wastong hantungan.
Yamang tao'y nilalang at pinamamahalaan Niya, 
S'yang may pananagutan sa mga kapalara't inaasam n'ya. 
Ito y'ong gawaing ginagawa ng Lumikha.
Kahit nakakamit ang gawang paglupig sa 
pag-aalis ng inaasam ng tao, 
sa katapusan, tao'y madadala pa rin sa, 
wastong hantungang handa ng Diyos para sa kanya.

Hunyo 3, 2018

Awit ng Papuri | Ang Pagpapakumbaba ng D'yos ay Kaibig-ibig

.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸




I
Nagpapakumbaba ang Diyos at gumagawa sa mga
marurumi't tiwaling tao para sila'y gawing perpekto.
Naging tao ang Diyos.
S’ya’y nag-aalaga’t nagpapastol sa kanila,
lumalapit sa puso ng malaking pulang dragon
upang mailigtas at malupig ang mga tiwali,
ginagawa ang tungkulin ng pag-iiba’t pagbabago nila.
Nagpapakumbaba S’ya Mismo bilang tao
at tinitiis ang mga pasakit na dala nito.
Ito’y pinakamalaking pagpapahiya
sa pinakamataas na Espiritu.
Diyos, dakila, matayog. Tao, masama’t mababa.
Subali’t ang Diyos kumakausap at naghahanda,
namumuhay sa gitna nila.

Siya’y napaka-mapagpakumbaba, napaka-kaibig-ibig.

Hunyo 2, 2018

Trailer ng Dokumentaryong "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | Mga Pagninilay tungkol sa Kalamidad



Maraming tao ang nag-iisip na ang kanilang kapalaran ay nasa kanilang sariling mga kamay. Pero pagdating ng kalamidad, ang nadarama lang natin ay kawalan ng magagawa, takot, at sindak, at nadarama natin ang kawalan ng halaga ng mga tao at ang pagkaselan ng buhay …. Sino ang tanging makapagliligtas sa atin? Malapit nang ihayag ng Kristiyanong dokumentaryong musikal—Siya na Naghahari sa Lahat—ang sagot!

Hunyo 1, 2018

Musical Documentary "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | Ang Pag-angat at Pagbagsak ng mga Bansa



Kagagawan ba ng tao ang pag-angat at pagbagsak ng isang bansa? Batas ba ito ng kalikasan? Anong hiwaga ang nakapaloob dito? Sino ba talaga ang namamahala sa pag-angat at pagbagsak ng isang bansa? Malapit nang ihayag ang hiwaga sa Kristiyanong dokumentaryong musikal na Isa na Naghahari sa Lahat!

Mayo 30, 2018

Kanta ng Papuri | Ang Awit ng Kaharian (I) Nakababa na ang Kaharian sa Mundo

Papuri, Kaharian, buhay, Langit, iglesia

.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸




I
Kaharian ng D'yos dumating sa lupa;
persona ng D'yos puno't mayaman.
Sinong titigil at 'di magsasaya?
Sinong tatayo at 'di sasayaw?
O Zion, itaas ang bandila ng tagumpay
upang magdiwang para sa D'yos.
Awitin ang iyong awit ng tagumpay
upang ipalaganap ang Kanyang ngalang banal
sa buong mundo.
'Di mabilang na tao pumupuri sa D'yos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.

Mayo 29, 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Malaman ang Realidad

**。:゚**゚:。:**。:゚**゚:。:**。:゚**゚:。:**

  Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ng mga tao na makilala ang Diyos, dapat muna nilang malaman na ang Diyos ay ang tunay na Diyos, at dapat nilang malaman ang mga salita ng Diyos, ang tunay na hitsura ng Diyos sa laman, ang tunay na gawa ng Diyos. Tanging pagkatapos lamang na makilala na ang lahat ng gawa ng Diyos ay tunay maaaring aktuwal kang makikipagtulungan sa Diyos, at tanging sa pamamagitan lamang ng daang ito maaari mong matamo ang paglago sa iyong buhay. Lahat ng yaong mga walang kaalaman sa realidad ay walang kaparaanan upang maranasan ang mga salita ng Diyos, sila ay nabitag ng kanilang maling pag-iisip, nabubuhay sila sa kanilang guniguni, at sa gayon wala silang kaalaman sa mga salita ng Diyos. Mas higit ang iyong kaalaman sa realidad, mas malapit ka sa Diyos, at mas tapat ang loob mo sa Kaniya; mas higit ang iyong pagnanais na makita ang kalabuan at mga makadiwang lutang, at katuruan, mas higit kang mawawalay sa Diyos, sa gayon mas mararamdaman mo na ang pagdanas sa salita ng Diyos ay nakakabawas ng lakas at mahirap, at wala kang kakayahan sa pagpasok. Kung nais mo na pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos, patungo sa tamang tahakin ng iyong pang-espiritwal na buhay, una mo dapat kilalanin ang realidad at ihiwalay ang iyong sarili mula sa malabo, at higit sa karaniwan na mga bagay—na ibig sabihin, una mo munang dapat maunawaan kung paanong ang Banal na Espiritu ay kasalukuyang nagbibigay-liwanag at gumagabay sa iyo mula sa iyong loob. Sa ganitong paraan, kung maaari mong tunay na maunawaan ang tunay na gawa ng Banal na Espiritu sa iyong loob, makakapasok ka sa tamang daan na ginawang perpekto ng Diyos."