Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Mayo 19, 2018

Salita ng Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I Awtoridad ng Diyos (I) (Ika-limang Bahagi)



  Mahalaga ang mga salitang nasa ibaba para makilala ang awtoridad ng Diyos, at ibinigay ang kanilang kahulugan sa talakayan sa pagsasamahan sa ibaba. Ipagpatuloy natin ang pagbabasa ng Kasulatan.

  4. Ang Utos ng Diyos kay Satanas

(Job 2:6) At si Jehova ay nagsabi kay Satanas, Narito, siya’y nasa iyong kamay; ingatan mo lamang ang kaniyang buhay.

Mayo 18, 2018

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampung Pagbigkas

buhay, Espiritu, Langit, kapalaran, katotohanan



  Hindi masukat at hindi maarok ang kayamanan ng Aking sambahayan, gayunma’y hindi kailanman lumapit sa Akin ang tao upang tamasahin ang mga iyon. Wala siyang kakayahang tamasahin ang mga iyon sa kanyang sarili, ni protektahan ang sarili niya gamit ang sarili niyang mga pagsisikap; sa halip, palagi niyang nailalagay sa iba ang kanyang pagtitiwala. Sa lahat ng mga yaong tinitingnan Ko, wala kahit isa ang kailanma’y kusa at direktang naghanap sa Akin. Lumalapit silang lahat sa harap Ko sa panghihikayat ng iba, sumusunod sa karamihan, at ayaw nilang bayaran ang halaga o gumugol ng oras para pagyamanin ang kanilang mga buhay. Samakatuwid, walang sinuman sa gitna ng tao ang namuhay kailanman sa katotohanan, at namumuhay ang lahat ng mga tao ng mga buhay na walang kahulugan. Dahil sa mga gawi at kaugalian ng tao na matagal nang umiiral, umalingasaw ang amoy ng lupa sa mga katawan ng lahat ng mga tao. Bilang resulta, naging manhid ang tao, walang pandama sa kalagiman ng mundo, at sa halip ay nagpapakaabala siya sa gawain ng pagtatamasa sa sarili sa malamig na mundong ito. Walang kahit kaunting init ang buhay ng tao, at walang kahit anong pantaong lasa o liwanag—gayunma’y sinanay niya ang kanyang sarili dito, nanatili siya sa habambuhay na kawalan ng halaga kung saan nagmamadali siyang gumagawa nang walang anumang napapala. Sa isang kisapmata, lumalapit ang araw ng kamatayan, at namamatay ang tao ng isang mapait na kamatayan. Kailanman, wala siyang natupad na anuman, o napalang anuman sa mundong ito—nagmamadali lamang siyang dumarating, at nagmamadaling umaalis. Sa Aking paningin wala sa mga yaon ang nakapagdala kailanman ng anuman, o nakakuha ng anuman, kung kaya nararamdaman ng tao na hindi patas ang mundo. Gayunman walang may gustong magmadali. Hinihintay lamang nila ang araw kung kailan ang Aking pangako mula sa langit ay biglang darating sa gitna ng tao, magpapahintulot sa kanila, sa panahon kung kailan sila ay naligaw, na minsan pa ay makita ang daan ng walang-hanggang buhay. Kaya, nakatutok ang tao sa bawat gawa at kilos Ko upang tingnan kung talagang natupad Ko ang pangako Ko sa kanya. Kapag siya ay nasa kalagitnaan ng hirap, o sa matinding sakit, o pinalilibutan ng mga pagsubok at malapit nang mahulog, isinusumpa ng tao ang araw ng kanyang kapanganakan upang mas mabilis niyang matakasan ang mga problema niya at makalipat sa mas magandang lugar. Ngunit kapag lumipas na ang mga pagsubok, napupuno ng kagalakan ang tao. Ipinagdiriwang niya ang araw ng kapanganakan niya sa mundo at hinihiling na pagpalain Ko ang araw ng kanyang kapanganakan; sa panahong ito, hindi na binabanggit ng tao ang mga pangako ng nakaraan, malalim ang takot niya na sa ikalawang pagkakataon darating muli sa kanya ang kamatayan. Kapag itinataas ng mga kamay Ko ang mundo, sumasayaw sa kagalakan ang mga tao, hindi na sila nalulungkot, at umaasa silang lahat sa Akin. Kapag tinatakpan Ko ng Aking mga kamay ang Aking mukha, at itinutulak ang mga tao sa ilalim ng lupa, agad silang nahihirapan sa paghinga, at bahagya na silang makapanatiling buhay. Lahat sila ay sumisigaw sa Akin, takot na lilipulin Ko sila, sapagka’t gusto nilang lahat na makita ang araw kung kailan Ako ay maluluwalhati. Itinuturing ng tao ang araw Ko bilang pangunahin ng kanyang pag-iral, at ito ay dahil lamang sa mahigpit na pagnanais ng mga tao para sa araw kung kailan ang Aking kaluwalhatian ay darating kaya nakapanatiling buhay ang sangkatauhan hanggang ngayon. Ang pagpapalang ipinahayag ng Aking bibig ay na yaong mga ipinanganganak sa panahon ng mga huling araw ay napakapalad na makita ang buo Kong kaluwalhatian.

Mayo 17, 2018

Kanta ng Papuri | Walang Makahahadlang sa Gawain Ng Diyos

Kaligtasan, Diyos, Pananampalataya, pananalig sa diyos, Jesus



I
Ang gawain ng Diyos, ang gawain ng Diyos,
walang maaaring makahadlang kailanman
sa gawain ng Diyos.
Nang nangako ang Diyos kay Abraham
na magkakaroon siya ng anak na lalaki,
naisip niya na imposible,
naisip niya na ito ay isang biro.
Anuman ang ginagawa o iniisip ng tao,
hindi ito mahalaga sa Diyos.
Ang lahat magpapatuloy sa pamamagitan ng panahon
at plano ng Diyos;
iyon ang tuntunin ng Kanyang gawain.
Ang pamamahala ng Diyos
ay di-tinatablan ng mga bagay at tao.
Lahat ay mangyayari sa tamang oras tulad ng dinisenyo.
Walang maaaring makahadlang kailanman
sa gawain ng Diyos,
sa gawain ng Diyos.
Walang maaaring makahadlang kailanman
sa gawain ng Diyos.

Mayo 16, 2018

Hinahangad ng Diyos na Mas Marami pang Tao ang Magkamit ng Kanyang Kaligtasan

katotohanan, Salita ng Diyos, Iglesia,  Jesus, pananampalataya sa diyos




I
Nais ng Diyos na maraming tao ang mag-aaral nang mabuti
kapag naharap sa salita ng Diyos at Kanyang gawain,
lumalapit sa mahalagang salita na ito
na may maka-diyos na puso.
Huwag sundan ang yapak ng mga pinarusahan.
Huwag tularan si Pablo, tamang daa'y malinaw na alam
ngunit sadyang sumuway, nawala ang handog sa kasalanan.
Tanggapin ang bago Nyang gawa,
kamtin katotohanan Nyang bigay.
Gayo'y iyong matatamo ang kaligtasan ng Diyos!

Mayo 15, 2018

4. Bakit hindi ginagamit ng Diyos ang tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa halip na magkatawang-tao Siya at gawin Niya Mismo iyon?



  Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

  “Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol” (Juan 5:22).

  “At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t siya’y anak ng tao” (Juan 5:27).

Mayo 14, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Babagsak ang Lungsod" | Ang Babala ng Diyos sa mga Huling Araw


  Ang Kristiyanong si Cheng Huize ay isang kapanalig sa isang bahay-iglesia sa China. Nakita niya na nagbukas ng isang pabrika ang kanyang iglesia at hinikayat ng pastor ang mga nananalig na sumapi sa Three-Self Church para sumuko sa gobyernong CCP. Nagpakahirap nang hayagan at patago ang pastor at elder ng iglesia para mapanatili ang kanilang personal na kalagayan at pangalan, nagkainggitan, at nahati ang iglesia. Nakisanib din sila sa gobyernong CCP para labanan ang Kidlat ng Silanganan at hadlangan ang pagsisiyasat ng mga nananalig dito. Aktibo rin nilang isinumbong sa mga pulis ang mga kapatid na nangangaral ng ebanghelyo ng kaharian para maaresto. Lubhang namroblema si Cheng Huize; natanto niya na nawala na sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at naging isang relihiyosong lugar na gaya ng Dakilang Babilonia, isinumpa at nilait ng Panginoon. Sa gayo’y ipinasiya niyang siyasatin ang Kidlat ng Silanganan at hanapin ang gawain at pagpapakita ng Diyos…. Makakatakas kaya siya mula sa relihiyosong Babilonia na malapit nang bumagsak?

Mayo 13, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | Red Re-Education sa Bahay (Trailer)


  Si Zheng Yi ay isang Kristiyano. Nang marinig niya ang tungkol sa malupit na pang-uusig ng pamahalaang CCP sa Kidlat ng Silanganan at ang pag-aresto sa mga Kristiyano noong nagtatrabaho siya sa Estados Unidos, nag-isip-isip siya, "Ang CCP ay isang partidong ateista, isang makademonyong rehimen na pinakamatinding kalaban ng Diyos. Sa kabila ng sumisiklab na pang-uusig at panunupil ng CCP, lalo pa ring naging maunlad ang Kidlat ng Silanganan. Malamang ay ito ang tunay na daan." Kaya sinuri niya ang Kidlat ng Silanganan sa website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natuklasan niya na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at tinig ng Diyos. Naipasiya niya na ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Kaya agad niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang apat na taon, bumalik si Zheng Yi sa China at ipinasa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa kanyang kapatid na si Zheng Rui, isang mamamahayag ng balita.