Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Marso 12, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos

  
  Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao—o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang ibinubunyag ang di-matiis na pagiging kakila-kilabot ni Satanas. Lalong higit pa, ito ay upang turuan ang Aking mga nilalang na kumiling sa pagitan ng mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa mababa, ang siyang masama, at upang makita, nang may katiyakang walang-pasubali, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at kung ano ang hamak. Sa ganitong paraan, ang mangmang na sangkatauhan ay makakayang maging saksi sa Akin na hindi Ako ang tumitiwali ng sangkatauhan, at tanging Ako lamang—ang Panginoon ng sangnilikha—ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang makapagbibigay sa tao ng mga bagay na ikasisiya nila; at kanilang malalaman na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa Aking mga nilikha at nang naglaon ay kumalaban sa Akin. Ang Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto upang makamit ang mga sumusunod na resulta: upang mapahintulutan ang Aking mga nilalang na maging Aking mga saksi, upang malaman ang Aking kalooban, upang makita na Ako ang katotohanan. Kaya, sa panahon ng unang yugto ng gawain sa Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala, ginawa Ko ang gawain ng kautusan, na siyang gawain kung saan pinangunahan ni Jehova ang Kanyang bayan. Ang ikalawang yugto ay nagpasimula sa gawain ng Kapanahunan ng Biyaya sa mga nayon ng Judea. Si Jesus ang kumakatawan sa lahat ng mga gawain ng Kapanahunan ng Biyaya; Siya ay nagkatawang-tao at ipinako sa krus, at Kanya ring pinasinayaan ang Kapanahunan ng Biyaya. Siya ay ipinako sa krus upang tapusin ang gawain ng pagtubos, upang wakasan ang Kapanahunan ng Kautusan at pasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, at kung kaya Siya ay tinawag na “Kataas-taasang Pinuno”, ang “Alay para sa Kasalanan”, ang “Manunubos”. Kaya ang gawain ni Jesus ay naiba sa nilalaman mula sa gawain ni Jehova, kahit magkapareho ang mga iyon ng prinsipyo. Inumpisahan ni Jehova ang Kapanahunan ng Kautusan, itinatag ang punong himpilan, iyan ay, ang dakong pinagmulan, ng Kanyang gawain sa lupa, at nagpalabas ng mga kautusan; ang mga ito ay dalawa sa Kanyang mga naisakatuparan, na kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain na tinupad ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi upang magpalabas ng mga utos, kundi upang isakatuparan ang mga utos, sa gayon ay inihahatid ang Kapanahunan ng Biyaya at tinatapos ang Kapanahunan ng Kautusan na tumagal nang dalawang libong taon. Siya ang tagatuklas, na dumating upang pasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, datapuwa’t ang pagtubos ang pangunahing bahagi ng Kanyang gawain. Kung kaya ang Kanyang mga naisakatuparan ay may dalawa ring bahagi: ang pagbubukas ng isang bagong kapanahunan, at pagkumpleto sa gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako Niya sa krus. At Siya ay umalis. Sa puntong ito, dumating sa katapusan ang Kapanahunan ng Kautusan at pumasok ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya.

Marso 11, 2018

Ang Sangkap ni Kristo ay ang Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan

Cristo, Espiritu, Langit, Walang hanggan,  katotohanan


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Sangkap ni Kristo ay ang Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan

  Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo; datapwat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay parehong may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain ng laman, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagpapatupad sa mga gawain ng Diyos Mismo.

Marso 10, 2018

Sa Pamamagitan Lamang ng Pag-alam sa Aktwal na mga Gawa ng Diyos Maaari Mong Makilala ang Diyos

paniniwala, buhay, katotohanan, Biyaya, Kaalaman



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  | Sa Pamamagitan Lamang ng Pag-alam sa Aktwal na mga Gawa ng Diyos Maaari Mong Makilala ang Diyos

I
Ang gawain ng Diyos ngayon ay magsalita,
walang mga palatandaan, ni mga kababalaghan.
Hindi ito Kapanahunan ng Biyaya.
Ang Diyos ay normal at totoo.
Sa huling mga araw,
hindi Siya si Hesus na higit sa karaniwan,
ngunit isang praktikal na Diyos sa katawang tao,
walang pinagkaiba sa tao.
Kaya ang paniniwala ng tao sa Diyos
ay dahil sa Kanyang maraming mga gawain, mga salita at gawa.
Oo, ito ay pagbigkas ng Diyos
na lupigin at gawing perpekto ang tao.
Ang mga palatandaan at kababalaghan
ay hindi ang ugat ng kanilang pananampalataya.
Oo, mga gawa ng Diyos na Siya'y makilala ng tao.

Marso 9, 2018

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo

Fariseo, Landas, paniniwala, Katapatan, katotohanan

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo

Wuxin    Lungsod ng Taiyuan, Lalawigan ng Shanxi

  Ang isang bagay na palagi nating tinatalakay noon sa mga nakaraang pagbabahaginan ay ang mga landas na nilakaran nina Pedro at Pablo. Sinasabing si Pedro ay nagtuon ng pansin sa pagkilala sa kanyang sarili at sa Diyos, at isang taong kinasihan ng Diyos, samantalang si Pablo ay nagtuon lamang ng pansin sa kanyang gawain, reputasyon at katayuan, at isang taong kinasuklaman ng Diyos. Palagi akong natatakot na tahakin ang landas ni Pablo, na dahilan kung bakit karaniwan ay madalas kong binabasa ang mga salita ng Diyos tungkol sa mga karanasan ni Pedro para makita kung paano niya nakilala ang Diyos.

Marso 8, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos 

  Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nang mga panahong iyon, lahat ng nakatagpo ng tao ay kasaganaan ng bagay na nagpapasaya: Ang kanyang puso ay napayapa at nabigyan ng katiyakan, ang kanyang espiritu ay inaliw, at siya ay inalalayan ni Jesus na Tagapagligtas. Na maaari niyang makuha ang mga bagay na ito na kinahinatnan ng panahon kung saan siya nabuhay. Sa Kapanahunan ng Biyaya ang tao ay itiniwali ni Satanas, kung kaya ang gawaing pagtubos sa sangkatauhan ay nangangailangan ng masaganang biyaya, walang hanggang pagtitiis at pagtitiyaga, at higit pa rito, isang handog na sapat para magbayad-sala sa mga kasalanan ng sangkatauhan.

Marso 7, 2018

#2 The CCP Is the Plotter of Fake News of McDonald's Murder in Zhaoyuan - Massimo Introvigne


#2 The CCP Is the Plotter of Fake News of McDonald's Murder in Zhaoyuan - Massimo Introvigne

  On November 20–21, 2017, in just two days, seventeen reports attacking The Church of Almighty God (CAG) were published intensively on Ta Kung Pao and Wen Wei Po, the mouthpiece media of the Chinese Communist Party (CCP) in Hong Kong (HK), citing the rumors and fallacies consistently fabricated by the CCP to discredit and condemn the CAG. Again, the May 28 McDonald’s Murder in Zhaoyuan, Shandong Province, in 2014 was used as a tool to attack and slander the CAG. Prof. Massimo Introvigne, an Italian sociologist, the founder and managing director of the Center for Studies on New Religions (CESNUR), who has carried out an in-depth study on the murder, makes clarification as follows.

Marso 6, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

Espiritu, Langit, Walang hanggan, Landas, Buhay

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  |  Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan


  Kakaunti lamang ang nauunawaan ng tao sa gawain sa kasalukuyan at sa gawain sa hinaharap, ngunit hindi niya nauunawaan ang hantungan kung saan ang sangkatauhan ay papasok. Bilang isang nilalang, kailangang gampanan ng tao ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha: Kailangang sundin ng tao ang Diyos sa anumang Kanyang ginagawa, at kailangang magpatuloy kayo sa kahit anumang paraan na sasabihin Ko sa inyo. Ikaw ay walang paraan upang gumawa ng mga kaayusan para sa iyong sarili, at ikaw ay walang kakayahan na kontrolin ang iyong sarili; ang lahat ay dapat ipaubaya sa habag ng Diyos, at ang lahat ay nasa pamamahala ng Kanyang mga kamay. Kung ang gawain ng Diyos ay naglaan sa tao ng isang katapusan, isang kamangha-manghang hantungan, nang mas maaga, at kung ginagamit ito ng Diyos upang hikayatin ang tao at magawang pasunurin ang tao sa Kanya—kung gumawa Siya ng kasunduan sa tao—kung gayon hindi ito magiging paglupig, ni hindi ito para trabahuin ang buhay ng tao. Kung gagamitin ng Diyos ang katapusan upang kontrolin ang tao at matamo ang kanyang puso, kung gayon sa ganito ay hindi Niya magagawang sakdal ang tao, at ni hindi Niya magagawang matamo ang tao, ngunit sa halip gagamitin ang hantungan upang kontrolin siya. Walang inaalala ang tao nang higit pa sa hinaharap na katapusan, ang huling hantungan, at kung mayroon man o walang inaasahang mabuti. Kung ang tao ay nabigyan ng magandang pag-asa sa panahon ng gawain ng panlulupig, at kung, bago pa ang paglupig sa tao, siya ay nabigyan ng isang angkop na hantungan upang hangarin, kung gayon hindi lamang sa hindi matatamo ang epekto ng gawain ng panlulupig sa tao, ngunit ang epekto ng gawain ng panlulupig ay maiimpluwensyahan din. Iyon ay upang sabihin, natatamo ang epekto ng gawain ng panlulupig sa pamamagitan ng pag-aalis sa kapalaran at mga inaasam ng tao at paghatol at pagpaparusa sa mapaghimagsik na disposisyon ng tao. Hindi ito matatamo sa paggawa ng isang kasunduan sa tao, iyon ay, sa pamamagitan ng pagbibigay sa tao ng mga biyaya at mga pagpapala, ngunit sa pamamagitan ng pagbunyag sa katapatan ng tao sa pamamagitan ng pagtanggal sa kanyang kalayaan at pagpuksa sa kanyang mga inaasam. Ito ang diwa ng gawain ng panlulupig. Kung ang tao ay nabigyan na ng magandang pag-asa sa simula pa lamang, at ang gawaing pagkastigo at paghatol ay ginawa pagkatapos, kung gayon ay tatanggapin ng tao ang ganitong pagkastigo at paghatol sa batayang nagkaroon siya ng mga inaasam, at sa katapusan, ang walang pasubaling pagsunod at pagsamba sa Lumikha ng Kanyang mga nilikha ay hindi makakamit; magkakaroon lang ng bulag, walang malay na pagsunod, kung hindi ay magkakaroon ng bulag na mga kahilingan ang tao sa Diyos, kung kaya magiging imposible na ganap na lupigin ang puso ng tao. Dahil dito, hindi makakaya ng gayong gawaing panlulupig na matamo ang tao, ni hindi, higit pa rito, maglalahad ng patotoo sa Diyos. Ang gayong mga nilalang ay hindi na makatutupad ng kanilang tungkulin, at makikipagtawaran na lamang sa Diyos; hindi ito magiging paglupig, ngunit habag at biyaya. Ang pinakamalaking suliranin ng tao ay ang wala siyang iniisip kundi ang kanyang kapalaran at mga inaasam, na sinasamba niya ang mga ito. Hinahanap ng tao ang Diyos para sa kanyang kapalaran at mga inaasam; hindi niya sinasamba ang Diyos dahil sa kanyang pag-ibig sa Kanya. Kung kaya, sa paglupig sa tao, ang pagiging makasarili ng tao, kasakiman at ang mga bagay na pinakahadlang sa kanyang pagsamba sa Diyos ay dapat maalis. Sa paggawa nito, ang mga epekto ng paglupig sa tao ay matatamo. Bilang resulta, sa mga pinakaunang paglupig sa tao, mahalaga na linisin muna ang mga ligaw na ambisyon at ang pinakamalalang mga kahinaan ng tao, at, sa pamamagitan nito, upang ibunyag ang pag-ibig ng tao sa Diyos, at mapalitan ang kanyang kaalaman sa buhay ng tao, kanyang pagtingin sa Diyos, at ang kahulugan ng kanyang pag-iral. Sa ganitong paraan, ang pag-ibig ng tao sa Diyos ay malilinis, na ang ibig sabihin, ang puso ng tao ay nalupig. Ngunit sa Kanyang saloobin sa lahat ng mga nilalang, hindi lumulupig ang Diyos para lamang sa kapakanan ng panlulupig; sa halip, Siya ay lumulupig upang matamo ang tao, para sa kapakanan ng Kanyang sariling kaluwalhatian, at upang mabawi ang pinakauna at orihinal na wangis ng tao. Kung Siya ay lulupig para lamang sa kapakanan ng paglupig, kung gayon ang kabuluhan ng gawain ng panlulupig ay mawawala. Ito ay upang masabi na kung, pagkatapos ang panlulupig sa tao, kung pababayaan na lang ng Diyos ang tao, at hindi na makikialam sa kanyang buhay at kamatayan, hindi na ito magiging pamamahala sa sangkatauhan, ni ang paglupig sa tao ay magiging para sa kapakanan ng kanyang kaligtasan. Ang pagtatamo lamang sa tao pagkatapos ng kanyang paglupig at ang kanyang posibleng pagdating sa isang kamangha-manghang hantungan ay nasa puso ng lahat ng gawain ng pagliligtas, at ito lamang ang makapagtatamo ng layunin sa kaligtasan ng tao. Sa madaling sabi, ang pagdating lamang ng tao sa magandang hantungan at ang kanyang pagpasok sa pamamahinga ay ang mga inaasam na dapat taglay ng lahat ng mga nilalang, at ang gawain na dapat isagawa ng Lumikha. Kung gagawin ng tao ang ganitong gawain, kung gayon ito ay magiging masyadong limitado: Maaaring dalhin nito ang tao sa isang tukoy na punto, ngunit hindi nito maaaring madala ang tao sa walang hanggang hantungan. Hindi kayang pagpasyahan ng tao ang kanyang tadhana, ni, higit pa rito, hindi niya kayang matiyak ang mga inaasam ng tao at hinaharap na hantungan. Ang gawain na ginawa ng Diyos, gayunman, ay naiiba. Yayamang nilikha Niya ang tao, pinangungunahan Niya ito; yayamang inililigtas Niya ang tao, ililigtas Niya siya nang lubos, at ganap na tatamuhin siya; yayamang pinangungunahan Niya ang tao, dadalhin Niya siya sa angkop na hantungan; at yayamang nilikha Niya at pinamamahalaan ang tao, kailangang akuin Niya ang kapalaran at mga inaasam ng tao. Ito nga ay ang gawaing isinagawa ng Lumikha. Bagamat ang gawaing panlulupig ay natatamo sa paglilinis sa mga inaasam ng tao, ang tao sa huli ay dapat madala sa angkop na hantungan na inilalaan para sa kanya ng Diyos. Ito ay tiyak na sapagkat tinatrabaho ng Diyos ang tao, na ang tao ay may hantungan at ang kanyang kapalaran ay tiyak na. Dito, ang akmang hantungan na nabanggit ay hindi ang mga pag-asa at mga inaasam ng tao sa mga lumipas na panahon; ang dalawa ay magkaiba. Yaong mga inaasam ng tao at sinisikap na matamo ay ang mga paghahangad sa kanyang paghahanap ng labis na mga pagnanasa ng laman, sa halip na ang hantungan na marapat sa tao. Ang inilaan ng Diyos sa tao, samantala, ay ang mga pagpapala at mga pangako na marapat sa tao sa oras na siya ay nagawang dalisayin, na inihanda ng Diyos sa tao matapos likhain ang mundo, na hindi nabahiran ng pagpili, mga pananaw, imahinasyon o laman ng tao. Ang hantungan na ito ay hindi inihanda para sa isang partikular na tao, kundi ang dako ng kapahingaan ng buong sangkatauhan. At kaya, ang hantungang ito ay ang pinakaangkop na hantungan para sa sangkatauhan.